5th Crimson: Stelian

8 0 0
                                    

Nagsusuot nako ng uniform papunta sa skwelahan. Dapat 1 hour earlier akong makapasok, sabi kasi ng magaling kong amo na kailangan daw na hindi ako ma- late. Pano naman ako male- late kung pagpasok ko sa academy ako pa ang unang estudyante dun? Minsan nga naabutan ko pang maintenance nila na kakatapos lang mag- mop ng sahig.

Nakarating nako sa 3rd floor. Nakakabingi ang katahimikan dito. And as usual, ako ang unang nakarating. Quarter to 6 ng nasa orasan ko, 7 o' clock kasi magsisimula ang klase namin. Walanghiya naman kasi si Lian tatlong araw ng di nagpaparamdam sakin. Sabi niya may gagawin lang daw siya importante tapos hanggang ngayong hindi pa nagpapakita. Sa katunayan namimiss ko na yung pagiging suplado niya tsaka yung pagiging bossy niya pero kahit ganun siya may good side parin naman akong nakikita sa kanya.

Habang naghihintay ako sa mga dadating pa, napansin kong nakabukas ang glass door na pintuan ng classroom namin. Baka nakalimutan lang isarado ng janitor pagkatapos niyang maglinis?

Papasok na lang ako tutal nakabukas na. Pagpasok ko ay nilamon ng dilim ang paningin ko, kinapa- kapa ko ang gilid ng dingding at baka sakaling mahanap ko ang switch. Nabigla ako nang may humawak sa kamay ko papunta sa kinalalagyan ng switch binuksan ang ilaw.

" Anakngnanaymo!!"Pagtingin ko sa likod, isang lalaki. Hanggang balikat lang niya ko, magulo ang kulay brunnette niyang buhok, maputi, tsaka napakaamo ng mukha niya, lalo na yung mga mata niya. Parang sumilip ka sa bintana ng langit sa mga mata niya. Pero wala ng tatalo pa sa violet eyes ni Lian. Tsk! Lian nanaman?!

"Sorry did I startle you?" he ask me. Umiling lang ako, parang mababali ang ulo sa height niya. Mas mataas pa siya ng konti kay Lian.

"Ah hindi okay lang." Sagot ko at inalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Isang tingin ko palang sa kanya alam kong new student siya dito.

"I'm Stellian Strix Devian." He offered his hand. Hindi naman siguro masama na makipagkaibigan ako sa kanya dahil baguhan pa siya dito. Atleast may makakasama ako kahit pansamantala. Kung bakit ba naman kasi ako iniwan? Bago umalis si Lian, inihabilin niya na huwag daw akong makipag- usap kahit sino kaya for tha past few days nagmukha akong loner at snob sa klase. Ewan at bakit napapasunod niya ko kahit ayaw ko. Napaisip nga ako minsan baka ginagamitan niya ko ng hypnotism, mostly kasi na features ng vampire is marunong silang manghypnotize. Kaya minsan umiiwas din akong tumingin sa mata ng iba. Mahirap na at malaman pa nilang di ako katulad nila.

"I'm Sierra." Tipid kong sagot. Hinihintay niya atang makipag-shake hands din ako sa kanya pero nag- aalinlangan akong tanggapin, parang napansin naman niyang pag- aalinlangan ko kaya binaba na lang niya. Not a very good first impression indeed.

"Ang ganda pala ng bagong classroom ko." He said habang nililibot ang paningin niya.

"Oo. Sa katunayan, lahat naman ng classrooms dito ganito ang style I think." Kako sa kanya at tumungo sa upuan ko at nilagay ang bag. Sumunod din siya at tumabi sakin, ang awkward naman ng ganito.

Ilang minuto naghari ang katahimikan samin hanggang sa di ko na makaya at kinausap ko siya.

"Stel, san ka nakatira at bakit ngayon ka lang pumasok?" panimula ko sa usapan. Mukhang nag- iisip pa siya sa isasagot niya.

"Well, I just got here last night and I didn't really have a place where to stay. Last week pa ko nagpa- enroll dito kaya lang may mga errands samin na kailangan ayusin kaya na- delay ako sa pasukan." Aniya tapos ngumiti.

"Tagal naman ng iba ganito ba talaga dito or masyado lang tayong maaga?" dagdag pa niya. Napatawa ako sa sinabi niya, may pagkapilyo rin pala to e. I have to say, he's comfortable to be with.

Crimson LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon