6th Crimson: He's a Monster

9 0 0
                                    


He suddenly grab my arm na hindi ko man lang namamalayan ang paglapit niya sakin. Sobrang sakit ng pagkakahawak niya na nangangalay ng braso ko. Ano bang problema niya?!

"Your hurting me devil!" sigaw ko sa pagmumukha pero pinagsisihan ko rin dahil mas hinigpitan niya ang kapit. Para nang mababali ang braso ko ang sakit!

"Saglit lang ako nawala nakikipagharutan kana sa iba!" he ranted. I felt tears rushing down my cheeks, I can't even look straight in his eyes, his eyes full of anger and darkness. Gusto kong sumagot, gusto kong ipaglaban ang sarili ko pero parang umurong ang dila kong magsalita dahil mas nangunguna sakin ang takot at sakit sa ginagawa niya sakin. Ano bang pinapalabas niya?

"Hi- hindi. Hindi, wa- wa- wala ak-ong gina- ga- wa." Halos di ko na makita ang pagmumukha niya dahil sa mga namumuong luha. Please listen to me Lian. Kahit nanginginig na ko sa takot, sinubukan kong igalaw ang isang kamay ko rason para mabitawan ang vase. Pero wala samin ang pumansin sa nabasag, hinawakan ko ang kamay niya na mahigpit ang kapit sa isang braso ko.

"Lian, nasasaktan ako." Pagmamakaawa ko sa kanya. Makinig ka sana sakin.

LIAN'S POV

"Lian nasasaktan ako." Mas humigpit ang kirot sa loob- looban ko, ayaw ko siyang saktan. I don't want to hurt her but I'm a fool of keeping her under my protection because I'm the one who hurts her. Dapat niyang protektahan ang sarili mula sakin, but in order to do that, she have to keep her distance. And I don't want that.

"I'm... sorry" I let her go and pull her closer just enough to wrap her body with my arms. Humagolhol pa siya ng iyak sa dibdib ko.

"I'm sorry I can't keep my promise na di kita masasaktan. Maybe... its best if... you should go." I whisper in her ear while still hugging her. Her warm body is my peaceful sanctuary, whenever I am closer to her I felt calm and light but she has to go bago pa ko may magawang di maganda sa kanya kagaya na lang ng nagawa ko sa mama ko dahil sa galit, lalo sa babaeng minsan ko ng minahal dati.

She slightly tilt her head enough to met my eyes with hers. And such beautiful, angelic eyes she has.

"I don't want to leave. Ikaw lang kinakapitan ko, titiisin ko lahat ng pananakit mo basta huwag mo lang akong iwan. Takot akong mag- isa, please huwag mo na kong iwan." Maluha- luha niyang sabi. I wipe her tears and kiss her forehead.

"I won't." I smile at her. I notice a patch of blood beneath her, natamaan ang binti niya sa bubog ng vase and without a second thought, inalsa ko siya sa loob at ginamot ang sugat niya.

Akong naggamot ng niya at nagluto ng hapunan niya ganti na rin sa ginawa ko kanina. Sa tatlong araw kong pamamalagi sa kaharian, palihim kong pinag- aralan ko ang lahat ng dapat pag- aralan tungkol sa tao lalo na kung ano ang mga kinakain nila. Kung dati wala akong pake sa kanila, ngayon ay meron na gusto kong maintindihan ang lahat tungkol sa mga uri nila. Labag ito sa batas namin pero di ako takot. Isang araw bago ako bumalik dito, inutusan ko ang isa sa mga pinagkakatiwalaang tauhan namin sa labas na bumili ng human foods. Di ko man aminin sa sarili ko, takot ako sa mundo nila kahit alam kong mas may potensyal kami kesa sa kanila.

"Ano yan?" inosenteng tanong niya habang nakaupo at nanonood sa niluluto ko.

"Adobong baboy." Kako habang binubudburan ng paminta ang adobo. May sinusunod naman akong guidelines kaya kampante akong masarap ang luto ko.

"Talaga? Ano yan?" I look at her with disbelief. Minsan iniisip ko kung tao ba talaga ang babaeng 'to o taga ibang planeta? Masyado kasing inosente sa paligid niya.

Crimson LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon