Prologue

75 5 1
                                    

"Magandang umaga sa'yo manang." Bati sa akin ng mga bata sa baryo namin. Sanay na akong tawagin na manang sa baryo namin. Hindi na iyon bago sa akin dahil halos naman ng kababaihan dito sa aming baryo ay dapat ganito ang itsura at pananamit.

Naglalakad ako papunta sa bahay ni Ethan. Si Ethan ay ang anak ng may-ari ng bukid na pinagtratrabahuan ng aking nanay.

Pinagkakaguluhan si Ethan sa amin. Sino ba ang hindi? Gwapo, matalino, maputi, matangkad, at hay marami pang iba. Kaya nga lang, maraming babae ang nahuhumaling dito. Halos lahat ata ng kababaihan sa baryo at miski sa siyudad ay nagkakagusto dito. 

"Nay, bebeng! Tao po." sigaw ko habang kumakatok sa bahay nina Ethan. Sa totoo nga hindi ko alam ko ano nga ba ang tunay na pangalan ni Ethan. Narinig ko kasi palayaw niya yung 'Ethan'. At kung huhulaan niyo, oo isa ako sa mga babaeng nahuhumaling sa lalaking ito. 

"Oh neng, ikaw pala yan. Sandali lang, pababa na si sir." Tumango ako sa sinabi niya. Bumukas ulit ang pinto at ibinungad nun si Ethan. Jusko, naramdaman ko na lang ang bilis ng tibok ng puso ko. Kaso nga lang heto na naman siya nakakunot ang noo kapag tuwing nakikita ako. 

"Ikaw na naman! Diba sinabi ko na sayo na layuan mo na ako!" Nagulat ako sa sinabi niya. Halos bumagsak ang puso ko sa sinabi nito. Hindi ko alam, ngunit kailanman ay hindi ako nagustuhan ni Ethan. Kahit bilang isang kaibigan lamang. 

"P-pero Ethan g-gusto lan-g naman ki-ta ma-kausap eh" halos hindi ko na matuwid ang mga sinasabi ko sakanya. Minsan kasi, nakakatakot si Ethan kapag nagagalit. Alam niyo yung nakikita sa mga pelikula, yung may lumalabas na usok sa ilong at tenga? Ganun ang itsura niya kapag nakikita ang mukha ko. Minsan napapaisip ako, kung may problema ba sa mukha ko eh. 

"Alam mo na ayaw ko sa'yo. Pwede ba, kung ano man yang nararamdaman mo kalimutan mo na. Dahil kahit kailan wala akong pakialam sa'yo." Tuloy nang bumuhos ang aking luha. Sobrang sakit niya magsalita. Totoo nga ang sabi-sabi na sa mga seksi at magaganda lamang ang nagugustuhan ni Ethan. Ayoko magmukhang kawawa sa harapan niya. Sino nga lang ba ako? Isa lang naman akong taga-bukid.

"Ayusin mo yang sarili mo. Tandaan mo, wag mo na akong lalapitan." Sinara na niya ang gate ng bahay nila. Halos hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Ito ang unang beses na nasaktan ako ng isang lalaki. 

Tandaan mo Ethan, darating ang araw na ikaw naman ang iiyak sa harapan ko. At sisiguraduhin ko na ako naman ang mag papaiyak sa'yo.



 ✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨

A/N: I'm going to enjoy writing this book. Please support my novel. Don't forget to vote and share it with your friends. Love you - xx Atticus 🌸

When You Were MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon