Chapter 9

11 1 0
                                    

Chapter 9: Behind Ruby's Past

Another day, another paperwork to finish. I got back 2 days ago at sinalubong agad ako ng secretary ko with her beaming smile. May kasama pang cake yung kape ko. Sabi niya malungkot at tahimik daw sa kumpanya ng wala ako.

"Ma'am Ruby, sino po yung mga gwapo na nakabantay sa labas ng pinto niyo? Hindi niyo naman po sinabi na may regalo kayo sa akin." kinikilig nitong sabi. Natawa ako dito at isinantabi ko muna yung mga ginagawa kong paperworks.

"Carla, mga security ko yan. At bakit mo naman naisip na mga regalo ko yan sa'yo?" tumili si Carla at para bang kilig na kilig.

"Eh kasi ma'am, kapag natapos na yung mga pinapagawa niyo sa akin, may pagkaka-abalahan na ako ang pagmasdan yung mga bodguards niyo sa labas." Binato ko ito ng ballpen dahil naririndi ako sa high-pitched nitong boses. Natawa lamang si Carla at nagpaalam nang babalik sa table niya.

Napailing ako sa inakto ni Carla. Pakiramdam ko may gusto siya sa isa sa mga bodyguard ko. Hay, yung babae na yun, pasaway. Makalipas ang ilang oras, lunch break ko na. Lumabas ako ng office at na-alerto ang mga bodyguards ko. Nilapitan ko ang table ni Carla.

"Carla, cancel my afternoon appointments. I'm not planning to go back, I have to attend some personal matter." Tumango si Carla at sunod kong kinausap ang mga bodyguards ko.

"Join me for lunch?" tanong ko sa kanila.

"Sige ma'am gutom na gutom na ako eh." Siniko ni Diego si Isaac at tiningnan ng masama.

"Isaac, how many times do I have to remind you, Ruby nalang." Pacute itong ngumiti sa akin at dumiretso na kami sa elevator.

Sa kanilang tatlo, si Isaac ang pinaka-maharot. Siya rin kasi ang pinaka-bata kaya ganun na lang ang mga kilos niya. Si Colby naman ang pinakaseryoso sa lahat. Tahimik lang at walang emosyon lagi ang mukha. At si Diego ang pinaka-normal sa kanilang tatlo.

Pinagbuksan ako ng pinto ni Colby at sunod na sumakay sa backseat. Habang si Diego at Isaac ay nasa frontseat.

"Saan tayo, Ruby?" napaisip ako. I've been craving for streetfoods.

"Dapitan." I said. Medyo naeexcite na ako sa pupuntahan namin.

"Seryoso po, ma'am?" tumango ako at ngumiti kay Diego.

Makalipas ang isang oras nakarating na kami sa Dapitan kung saan malapit ang eskwelahan ko nung college. Naalala ko pa noon, dito ako nabubuhay sa pagkain sa dapitan, lalo na hirap na hirap akong mabuhay noon dito sa Maynila, noong panahon na hindi ko pa nakikilala si Papa. Nagpark kami at naglakad patungo sa bilihan ng streetfood.

Napatingin sa amin ang mga estudyante but it was just a quick glance. Patuloy sila sa kanilang sarili buhay. Ang tatlo kong bodyguard ay parang hindi makapaniwala sa nangyayari. Lumapit na kami sa nagtitinda ng streetfood na madalas kong bilhan noong college pa ako.

"Rose?! Ikaw na ba yan, 'nak?" Napatingin ako sa babaeng papalapit sa amin at napangiti ako nang makita ko ang pamilyar niyang mukha.

"Nay!" lumapit ako dito at agad siyang niyakap.

"Jusko po, ang ganda ganda mo at mukhang successful ka na sa buhay." sabi nito habang pinipisil-pisil ang pisngi ko.

"—Dante! Halika rito, nandito na at bumalik na ang paborito nating customer." tinawag ni Nanay ang asawa nito. Pagkakita sa akin ni Tatay Dante ay agad ako nito niyakap. Medyo maluha-luha pa to dahil sa pagkakita sa akin.

"Anak, sino tong mga may malalaking katawan?" natatawang tanong ni tatay. Tumikhim sina Colby.

"Ay, 'Tay mga bodyguard ko po. Mas kampante po kasi si Papa na safe ako." tumawa ito at parang hindi makapaniwala.

"Proud ako sa'yo anak. Ang layo na ng narating mo. Ah sandali, ihahanda ko na yung mga paborito mo." ngumiti ako dito at pumunta na sila ni Nanay pabalik sa kanilang tindaham at niluto na ang mga paborito kong streetfood.

"I didn't expect this from you, Ruby." banggit ni Colby.

"There's a lot of things you don't know about me." I smiled at him. Saktong tinawag na kami ni Nanay at kumain na kaming apat.

******
Gumaan yung pakiramdam ko nung nakita ko sina Nanay at Tatay. Nakalimutan ko panandalian ang stressful kong buhay sa office. Pabalik kami sa office dahil may nakalimutan akong papeles na kailangan kong iuwi sa bahay

"You surprised me." bulong ni Colby sa akin. Nasa likod kami ng kotse habang si Diego ay nagmamaneho at si Isaac ay naglalaro sa cellphone.

"I had to take my mind out of work. Namiss ko rin sila." Ngumiti ito sa akin at bumalik ang tingin nito sa window ng kotse.

Malapit na kami sa kumpanya nang tumunong ang phone ko at nakita kong si Carla.

"Ma'am Ruby," I sense tension and uneasy sa boses niya.

"What happened?" Diretso kong tanong. My voice slightly loud. Colby and the others were alerted.

"Ma'am a break-in happened in the company."  I clenched my fist.

"How did this happen?!" Tumaas ang boses ko. Saktong nasa tapat na kami ng kumpanya at bumaba na ako. Kausap ko pa rin si Carla while I was half-running, half- walking sa lobby. I saw my employees in panic mode and security are all over the area. Sumakay na kami sa elevator and I can feel my face turning red because I was fuming mad.

I felt someone touched hand and unclenched my fist.

"Calm down. We'll get right to this." Colby said. He pat my shoulder and smiled at me.

Pagkarating namin sa floor ko, nakita ko si Carla kasama ang mga pulis at ang basag na pintuan ng office ni Papa. Agad akong lumapit sa kanila.

"Anong nangyari?" lumapit sa akin ang mga pulis at in-explain ang nangyari.

"Ma'am ayon po sa naimbestigahan namin, meron pong pakay yung mga nagnakaw sa kompanya niyo po. Kung makikita niyo po dito hindi lang po ang pinto ang binasag nila kundi nagtangka rin silang basagin ang safe na nasa ilalim ng lamesa po." Ano naman ang kailangan nila sa safe ni Papa?

"—Maaari pong may bagay po sa loob ng safe na importante sa Papa niyo o mga mahahalagang papeles na maaring magudyok ng pagnanakaw." Napahawak ako sa sentido ko. Akala ko pa naman magiging okay na ang araw ko.

"Meron ho ba silang nakuha, Sir?" tanong ko sa Police.

" Sa awa po ng Diyos wala silang nakuha sa safe pero nagiwan po sila ng sulat. Kasalukuyan pong nasa amin ang sulat para i-test kung may partial print po ang papel." Tumango ako at nagkaroon pa ng mahabang usapan bago nakaalis ang pulis sa building.

Pumasok ako sa opisina ko at umupo sa sofa na naroon. I gently massaged my temples and closed my eyes. Who could possibly do this? As far as I remember, walang kaaway ang Papa ko.

Nakarinig akong sunud-sunod na notification galing sa cellphone ko. Panigurado umabot na sa balita ang nangyaring pagnanakaw sa amin. Pinatay ko ang cellphone ko at nag-decide na umidlip muna sa sofa.

*****
Ethan's POV
I just came back from Paris and I seriously have a bad case of headache. Pinapasakit ni Ruby ang ulo ko. That girl, how dare her leave me hanging. We shared one of the most passionate kiss I've ever shared with anyone. I felt something stirred inside of me and I knew, I was getting crazy. She's making me crazy. After what happened in Paris, I don't know what's my next move. I'm just sure to myself that I want her.

I'm inside my penthouse and I opened my T.V. so I can watch while eating my dinner. The news was okay until I heard something familiar.

AND FOR THE BREAKING NEWS,
     One of the leading companies in Southeast Asia was robbed. The family might be danger. Montefalco Industries' CEO, Ruby Montefalco has yet to make a statement. Police are now investigating and we're hoping that they will find out who did this.....

I stopped eating and my instincts was with Ruby. Kumusta na kaya siya? Oh my, Tesoro. I immediately made a phone call and I got lost in work.

************

What do you guys think?

A/N: I enjoyed writing this chapter. Did you guys enjoyed it too? Don't forget to vote and share! Love you!
- xx Atticus 🌸

When You Were MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon