Chapter 10

9 1 0
                                    

Chapter 10:

Ruby's POV

Nagising akong nasa loob pa rin ng opisina ko. Tiningnan ko ang relo ko at nakitang, 4 am. Ruby you're so stupid. Sumilip ako sa labas ng pintuan ko at nakita kong natutulog si Carla katabi si Isaac habang si Diego naman ay nakapatong ang ulo sa isa sa mga lamesa. Hinanap ng mata ko si Colby pero wala siya doon. Naglakad ako sa mga pasilyo ng opisina at nahanap ko siya sa may lounge area. Nakatayo siya sa harap ng floor to ceiling window ng opisina.

"You're awake." banggit nito. Tumayo ako sa tabi niya at pinagmasdan din ang tanawin sa labas.

"Did you even sleep?" I asked.

"Don't mind me. I called your parents a few hours ago." Buti at tinawagan niya, alam ko kasing mag-aalala yung mga 'yun.

"Salamat."

A comforting silence wrapped us until Colby had to ask something.

"Sinong may kayang gawin yun, Ruby? Do you know anyone na gagawa nito sa Papa mo?" Napatingin ako dito. Sa totoo lang, natatakot ako. Hindi ko naman alam ang buhay ng Papa ko bago kami nagkakilala. Hindi rin ako nakasisigurado kung wala ba talaga siyang kaaway sa nakaraan niya.

"I don't have any idea, Colby." Napabuntong-hininga ako. Nakita kong napalingon sa akin si Colby. We were just staring at each other. Ang ganda ng mga mata ni Colby, nakaka-hypnotize. Uh oh, what is happening? Unting-unti lumalapit ang mukha ni Colby sakin. Are we going to kiss? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Kinakabahan ba ako?

"Ma'am Ruby." Napabaligkas ako at nakita ko si Carla na pumupungas-pungas pa.

"Oh Carla, bakit ka naman nagstay dito? Diba sabi ko sa'yo umuwi ka na at magpahinga." tanong ko rito.

"Eh kasi ma'am, nag-aalala lang po ako sainyo. Ayoko po kayong iwan baka po kasi kailanganin niyo ako." lumambot ang puso ko sa sinabi nito. Lumapit ako dito at niyakap ko siya. Habang magkayakap kami may binulong ito sa akin.

"Nakita ko yun. Pero bukas na natin pag-usapan, inaantok na ako ma'am." nahihiya akong tumawa dito.

Hinatid ni Isaac si Carla sa kanila habang kami nina Colby at Diego ay umuwi na sa mansion.

******
I took a day-off. Everything's confusing me, yung nagnakaw sa kompanya, si Ethan, at ngayon naman si Colby. Was he trying to kiss me? O baka pagod lang kami?  Bumaba ako para mag breakfast. Maagang wala sina Mama at Papa dahil inaasikaso nila ang mga nangyayari sa kompanya. Pagpasok ko ng kusina nandun si Colby nakaupo sa isa sa mga high chair kumakain rin ng breakfast.

"Good morning." Banggit ko rito. Tumingin ito sa akin at para bang sinusuri niya ako. Wala naman problema sa suot ko ah?  Except, naka nighties lang ako. Nahihiya akong pumunta sa refrigerator.

"Morning." Dumiretso ako sa may stove pagkatapos kong makakuha ng eggs sa ref. Nagsimula na akong magluto ng agahan ko at pakiramdam ko pinagmamasdan pa rin ako ni Colby.

Humarap ako dito at nahuli ko nga tong nakamasid sa akin. Nahiya itong napayuko at kumain. Should I bring up yung nangyari sa office? Para kasing nailang kami sa isa't isa. Pagkatapos kong magluto ay naupo ako sa upuan na katapat niya. Nagsimula na akong kumain, narinig ko itong suminghap.

"Look Ruby, I'm sorry for what happened." Nabigla ako sa sinabi nito. Napatigil ako sa pagkain at tinitigan ko ito.

"---I'm your bodyguard and that's my job. I should've known my limitations—." Formal nitong sabi. Para tuloy akong kumakausap ng robot. Tumawa ako dito at nagulat ito sa naging reaction ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When You Were MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon