Kabanata III- Huwad

18.1K 39 0
                                    

Nagbunga ang pagkakamali. Kailangan ko nang kumayod para sa anak ko, at sa ama niyang siyang lumapastangan sa akin. Para akong isang bilihin, inilalako, inaalok--- iyon ang naging hanapbuhay ko, ang pagbebenta ng sariling puri, at tulad ng isang lumang aklat, bilang na rin ang mga pahina nito.

Lahat ng aking kinikita ay napupunta kay ama, isa itong negosyo, siya ang tindero, ako ang itinintinda.

Sa bagong pahinang ito ng buhay ko, ay nakilala ko si Samson, isang sundalo. Siya ay naging regular kong panauhin, nasilaw ako sa handog niyang pagkakaibigan, at dahil dun, maluwalhati kong naibabahagi sa kanya ang mga kwento ng aking buhay, nangako siyang ililigtas ako sa aking kinalalagyan, dulot ng kanyang malahunyangong kabaitan, ako'y nabighani sa kanya.

Sa piling niya, naging maluwag ang aking pamumuhay, 'di ko na kailangan pang balikan ang dating "hanapbuhay" ko. Sa piling niya, ay matatakasan ko na ang aking tintadong pagkatao, tinanggap niya ako pati na rin ang anak ko nang buong buo. Sa piling niya, ay nakatamasa ako ng saglit na kaluwalhatian, pinagkalooban kami ng supling. Sa piling niya, natuto akong mamihasa sa mga kaligahayang huwad, panandaliang nakikibagay sa daloy ng oras. HANGGANG sa dumating ang panahong kinakailangan niya ng magbalik sa kanyang pamilya. Tanging pinanghahawakan ko lamang ay ang kanyang pangakong siya'y muling magababalik. Lumipas na ang maraming taon, lumaki na rin ang mga bata, pero patuloy pa rin akong umaasa.

Parausang ParaisoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon