Prologue

87 2 0
                                    

Past

"Amber i-check mo yung room mo kung naayos na ni yaya yung mga gamit mo."

"Yes mom!" Masigla kong sabi kay mommy.

Haaay ang ganda ganda naman dito sa subdivision na to. Napaka peaceful. Ang ganda din ng playground! Hihihi.

Ngayong araw kami lumipat sa bago naming bahay. Ang laki laki ng pinagawang bahay nila daddy samantalang tatlo lang kami at yung iba puro kasambahay na. Three storey house ang amin at nasa second floor ang room ko at ang room ng parents ko.

Excited na ako pumasok next week sa bago kong school. Makaka-meet ako ng new friends! Hihi! Grade 5 na nga pala ako and I am 10 years old!

Habang naka dungaw ako sa bintana ng new room ko, may nakita akong isang batang lalaki na naglalaro sa garden nila. Kaharap lang ng bahay namin ang bahay nila kaya kitang kita mula dito yung garden nila sa gilid ng bahay nila.

Sana wag niya ako awayin. Gusto kong makipagkaibigan. Hihihi!

Dali dali naman akong bumaba at tumungo sa harap ng gate nila. Sumisilip silip muna ako dahil medyo nakabukas yung gate nila. Mukhang napansin naman ako ng batang lalaki at nilapitan niya ako.

May hawak itong bracelet na gawa sa bulaklak.

"Uhmm, hi!" Masigla kong bati sa kanya.

"Hello!" Masigla niya ring sagot.

"My name is Amber Ellie Mendoza. We're your new neighbor. Kakalipat lang namin kanina. Hihi!" Nakangiti kong sabi.

"Oh... My name is Cadden Louie Dela Vega. Nice to meet you Amber!" Nakangiti niyang sagot.

Napatingin ako sa hawak niyang bracelet.

"Did your mom made that? It's cute!" Turo ko sa bracelet na gawa sa bulaklak.

"Uhmm... No?" Sabi niya.

"Then who?" Takang tanong ko sa kanya.

"Me! Hihihi. It's cute right?? It suits my wrist perfectly! I also made a necklace version of this. Look!" Excited na pagkakasabi niya at inangat ang kwintas na gawa sa bulaklak galing sa bulsa niya at dali dali itong sinuot sa leeg niya.

Napatulala na lang ako sa ginawa niya...

O... M... G...

Twist of HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon