Justine's POV
"Amber please wake up! Please! Oh my God!" pilit kong pag gising kay amber.
Shit shit shit! Anong gagawin ko! Shit naman! Relax ka lang Justine. Kalma lang. - I thought.
Dahan dahan bumaba ang lalaking nagmamaneho ng sasakyan at kitang kita sa mukha neto ang pagkagulat at takot. Nakatingin lang siya sa amin ni amber sa gitna ng daan.
"Are you just gonna stand there?! Help me and let's bring her to the nearest hospital!" bulyaw ko sa nakatulalang lalaki.
Natauhan naman ito at dali daling binuhat si Amber at isinakay sa sasakyan niya. Hinarap ko muna ang tatlong babaeng nangharass sa amin bago ako sumakay.
"You! You! And you bitch!" isa isa ko silang tinuro. "You will all gonna pay for this!" madiin at galit kong pagbabanta sakanila. Rumehistro naman sa mga mukha nila ang pagkagulat.
Habang pabiyahe kami sa hospital naisip kong tawagan na si Cadden para sabihin ang nangyari kay Amber. Siya kasi ang pinaka-close niya sa barkada namin at nasa ibang bansa naman kasi ang parents ni Amber.
"WHAAT!!!!" malakas na sigaw ni Cadden sa kabilang linya. "NASAAN KAYO?? SAANG HOSPITAL NIYO SIYA DADALHIN??? SINO NAKABANGGA??? OKAY LANG BA SI AMBER??? GISING BA SIYA??". Tuloy tuloy na tanong ni Cadden. Mukhang nasa bar siya kasi may naririnig akong ingay.
"Mamaya ko na ipapaliwanag. Sa St. Columban General Hospital kami papunta." Sagot ko sa kanya at pinatay ko na ang tawag.
Halata sa mukha ng lalaki na kinakabahan siya. Nanginginig ang kamay niya na nasa manibela at panay ang tingin niya sa rear view mirror na halata namang tinitignan ang lagay ni Amber sa likod ng sasakyan.
"Uhm.. is she.. your friend?" kabadong tanong niya sa akin.
"Yes." Tipid kong sagot.
"Look, Im sorry! I didn't mean to... uhmm... it's not my intention to.." may panginginig ng boses niya habang binibigkas ang mga salita nito.
"I know. Biglaan ang pangyayari... Those bitches! Arrghh!" I said with my gritted teeth.
Agad naman kaming inasikaso ng mga nurses at doctor pagpasok namin ng hospital.
Naghintay kami ng mga ilang minuto bago may lumapit sa aming isang babae na nagpakilalang Dr. Santos.
"Are you the guardian of Ms. Mendoza?" tanong ni Dr. Santos
"We're her friends doc. Her parents are out of the country as of now." I said.
Nailipat na ng private room si Amber. Kasama ko ngayon sa labas ng room ni Amber yung lalaki.
Makalipas ang 20 minutes ay dumating na si Cadden at kasama na niya ang buong barkada.
"Justine!" pagtawag niya sa akin. "Where's Amber?? Is she okay??" pag-aalala niya.
"Calm down Cadden." I said.
"You want me to fucking calm down habang nakaratay ang bestfriend ko sa hospital?? Where is she??" halata mong sa mukha niya ay nag aalala at natataranta siya.
"Tss. She's okay Cadden! Hinimatay lang siya dahil halos 1 inch na lang ang pagitan ay mabubunggo na siya ng sasakyan. Hinimatay siya sa takot. Inexamine siya ni Dr. Santos at sinabing hindi naman itong nakitaan ng pasa or sugat. Kailangan niya na lang magpahinga at pag gising niya pwede na siya madischarge." I explained to him.
Kumalma naman ang aura ni Cadden. Ngunit mabilis itong nagbago. "Who's the fucking bastard that did this to Amber???!"
Napatingin naman ako sa bandang likuran ni Cadden kung saan nakatayo ang lalaking muntik makabunggo kay Amber. Napatingin din si Cadden sa likuran niya.
BINABASA MO ANG
Twist of Heart
RomanceCadden Louie Dela Vega - CEO of Dela Vega Corp. A handsome billionaire. Well, sinong mag aakalang na ang isang napaka gwapo at napakayaman na lalaki ay isa palang baklerrr??? Amber Ellie Mendoza - Heir of Mendoza Insurance Corp. A very kikay yet gor...