Chapter 1

86 2 0
                                    


Present

Amber's POV

Wow! Ang ganda naman dito! Fresh air! Sarap magtampisaw sa dagat! Hihihi. Inilibot ng mata ko ang magandang tanawin. Haaayyy! Sarap naman tumira ditooo.

Bigla akong napatingin sa isang familiar na lalaki sa di kalayuan.

Teka, si... si Budz? Oo si budz nga!

"Budz! Anong ginagawa mo dito?" sigaw ko. Naglakad lang siya papunta sakin.

Bakit parang ang seryoso nya?

Papalapit...

Ng papalapit...

Hanggang sa makarating sya sa harapan ko.

"Huy! Tinatanong kita! Anong ginagawa mo dito?" Walang syang imik at parang sobrang seryoso ng tingin nya sakin.

Teka... Bat parang palapit ng palapit yung mukha nya sakin? Naramdaman ko din na hinawakan nya ang kamay ko habang papalapit yung mukha nya sa mukha ko.

Panaginip ba 'to? Kung panaginip 'to, bakit parang totoo? Ramdam na ramdam ko ang mainit nyang kamay na nakahawak sakin at naaamoy ko na din paunti unti yung mainit at mabango nyang hininga. Teka, anong balak nitong gawin? Bakit parang hahalikan nya ko. Hanggang sa naglapit na ang aming mga mukha at...

"Budz! Huy budz! Gising naaa!!!"

Uuggghhh!!!

Bakit parang umaalog? At ang ingay! Hayss! Pero...

Hmmm... Hmmm... Ang bango... Amoy mint... Ang fresh...

Unti unti kong minulat yung mata ko.

"Hayy salamat!!! Nagising ka din! Nananaginip ka nanaman ba? Ang hirap mong gisingin eh!"

Nakatulala lang ako sa kanya. E pano ba naman sobrang lapit ng mukha nya sa mukha ko. At amoy na amoy ko na ang mabango nyang hininga.

"Huy! Ano ba? Yuhooo! Nananaginip ka pa din budz??? E dilat na yang mata mo eh! Hahahaha!" Tumatawa nyang sabi habang niyuyogyog ng kaunti ang kamay ko.

Nakatulala pa din ako sa kanya... Tss... Kala ko totoo na yung panaginip ko. Na lalaki na talaga si budz.. Well, lalaki naman daw talaga sya physically sabi nya pero babae daw ang kaloob looban nya. Hahahahaha!

Bigla na lang akong natauhan ng bigla nyang pitikin yung noo ko.

"Ouch!!! Why did you do that?!" Medyo inis kong sabi and by that tinaasan nya ko ng kilay.

"Eh kasi naman po madam tulala ka nanaman jan! Ay nako budz, kung lalaki lang ako mapagkakamalan kong may pagnanasa ka sakin. Grabe ka makatitig eh!" May pagtataray niyang sabi.

"Lalaki ka naman talaga eh! Pero lalaki din yung hanap mo. Hahahaha!" Pang aasar ko sa kanya.

"Yeah right!" He rolled his eyes at tumayo na galing sa kama ko. Napatingin ako sa kanya. Bigla kong napansin na parang nakaformal attire sya. Napansin ko din na nakatingin din sya sakin habang nakataas yung kilay nya at nakalagay yung dalawang kamay nya sa magkabilang bewang nya.

"Oh ano budz? Tititig ka na lang jan? Hindi ka pa kikilos?!" Sabi niya.

"Anong kikilos? Bakit ka ba andito budz? Ang aga aga eh!" Sabi ko.

"Anong maaga? Jusko mag aala una na po! Oh my G! Don't tell me nakalimutan mo??!!!" Gulat nyang sabi.

"Ha? Anong nakalimutan?" Pagtataka ko.

Twist of HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon