Si Travis po yung nasa picture :)
Amber's POV
"Hindi ka na ba babalik sa office mo ha?" iritableng tanong sa akin ni budz.
Andito pa din ako sa office ni budz. After kasi namin maglunch sumama ulit ako saknya dito. Kanina pa siya naiirita sakin kasi kanina ko pa siya ginugulo.
Umiling ako bago ko siya sagutin. "Ihhh kasi nakakainip doon sa kumpanya. Hintayin ko na lang siguro yung magtuturo sakin bago ako pumasok ulit."
"Naiinip ka doon kaya ako yung ginugulo mo dito? Ay nako ka talagang babae ka. Meron din akong kumpanyang pinapatakbo no! Can't you see how much work I have to finish?" inis niyang sabi sakin.
Dali dali naman akong pumunta sa harap ng table niya at yumuko habang magkadikit ang aking dalawang palad while doing the "nagmamakaawa face" halos magkatapat na ang mga mukha namin.
"Please budz wag mo ako paalisin! Promise I'll try not to bother you again." Sabi ko habang nakasibi kunyari.
Nagulat naman siya sa ginawa ko at nakita ko ang dahan dahang paglunok niya.
Bigla niyang pinitik ang noo ko na nagdahilan ng pagkatayo ko.
"OUCH!" sigaw ko habang nakahawak sa noo ko.
Nakatingin lamang siya sakin na para bang nagtataka kung nag iinarte lang ako or what.
"Masakit no! Hmp!" sabay irap ko skanya.
Inismiran niya lang ako at itinuloy na ang trabaho niya.
Dire-direcho akong naglakad papunta sa sofa para kunin ang bag ko.
"Oo na po aalis na ako Mr. CEO!" inismiran ko siya bago ko isara yung pinto ng office niya.
So eto ako ngayon nag iisip kung saan pupunta.
Nagpark ako sa harap ng starbucks coffee. Dito ko naisipang tumambay at kumain na din. Kainis naman kasi si budz eh! – I thought.
Pagkakuha ko ng order ko ay agad akong tumalikod para maglakad ngunit nabigla ako ng nauntog ako sa isang matigas na bagay. Pagka angat ko ng mukha ko ay nagulat ako ng makilala kung sino yon. Maging ang nakabungguan ko rin ay nagulat.
Bigla ko naman naalala na yung inorder ko ay natapon ko sa suot niyang white v-neck t-shirt.
Namilog ang aking bibig. "Oh my God! I'm sorry Travis!" humingi agad ako sa cashier ng tissue para punasan ang damit niya.
Habang pinupunasan ko ang bandang tiyan niya ay hindi ko mapigilang mapaisip kung ilang packs ng abs ang meron siya. Wow parang suki ng gym to ah. – I thought.
BINABASA MO ANG
Twist of Heart
RomanceCadden Louie Dela Vega - CEO of Dela Vega Corp. A handsome billionaire. Well, sinong mag aakalang na ang isang napaka gwapo at napakayaman na lalaki ay isa palang baklerrr??? Amber Ellie Mendoza - Heir of Mendoza Insurance Corp. A very kikay yet gor...