Chapter 4

42 1 0
                                    

Amber's POV

One week after the incident, nabalitaan naming tuluyan ng bumagsak ang family company ng babaeng sumugod at nang away sa amin ni Justine noon sa Mall. Wrong move lang si ate gurrl kasi mali ang taong kinalaban niya.

Seriously? Sino ang maglalakas loob na kalabanin ang anak ng isa sa most well known mafia in the world? Sabagay, hindi niya naman pinagsisigawan or pinagyayabang yon kasi ayaw niya din na maraming makaalam sa bagay na iyon at hanggat maaari ay umiiwas din si Justine sa gulo. May time lang talaga na hindi niya macontrol ang sarili niya. Sa aming magbabarkada siya ang pinakapalaban.

On the way ako sa company nila budz ngayon para yayain siyang maglunch. Pagpasok ko pa lang ng lobby ay nakangiti na agad ang mga empleyadong nakakasalubong ko.

"Hi ma'am Amber!" masayang bati ng isang babaeng empleyado.

Nginitian ko na lamang siya at naghello na din. Karamihan sa kanila ay kilala na din ako dahil sa lagi akong nandito at dahil na din sa pagkakaibigan ng pamilya namin ni budz.

Ang ganda niya talaga sis!

Kahit wala masyadong makeup kabog ang beauty ni ate girl mo.

Iyan ang mga narinig kong usapan ng mga babae sa lobby nung napadaan ako.

Pagkalabas ko ng elevator sa pinakatop floor ay agad bumungad sa akin ang secretary ni budz na si kuya Mcdo. Kung nagtataka kayo kung bakit Mcdo ang tawag ko sa kanya ay dahil ang buong pangalan niya ay Macario Maldonaldo. Ako lang tumatawag nun sa kanya dahil close naman na din kami at apat na taon lang ang tanda niya sa akin.

"Hi kuya Mcdo! Si Cadden?" bungad ko sa kaniya.

"Hello Ms. Amber! Nasa loob siya may kausap sa phone." Sagot niya sakin.

Kumatok muna ako bago dahan dahang pumasok sa office niya. Nakatalikod itong nakaupo sa swivel chair.

"You can count on me Mr. Gonzales. I'll make sure that you'll not regret investing in our company." Pagsagot niya sa kausap nito sa phone. "Yes. Maybe a drink some other time? Okay Mr. Gonzales." Bahagya pa itong tumawa tawa bago nito ibinababa ang phone.

"Another closed deal?" tanong ko sa kanya at bigla naman nitong inikot ang swivel chair paharap sakin.

Nginitian niya ako. "Yepp! Ang hirap niyang ligawan budz grabe kala mo babae." Sagot nito at bahagya pang napatawa.

"Bakit nanligaw ka na ba ng babae??" taas kilay kong tanong.

Sumeryoso bigla ang mukha niya. "You know the answer to that Amber." He said.

Haist! Tanga mo Amber! Bwisit! Bakit mo naman kasi nakalimutan yung bagay na yon! Oh ano ka ngayon ha? Sisirain mo pa ung mood niya! Kelangan ko mag isip ng ibang topic! Isip amber isip!!! – I thought.

Nakarinig ako ng mahinang pagtawa mula sa kanya. Napatingin ako dito at nakita kong lumaki ang ngiti sa mukha niya.

"Kidding! I'm not mad budz. Natakot ba kita?" he smirked.

"Baka natakot." Nginusuan ko na lang siya.

"So what makes you here budz?" he asked.

"Lunch? Busy ka ba? Wala me kasabay eh." I said while doing the "nagmamakaawa face".

Napatawa naman siya sa ginawa ko. "Matatanggihan ba kita?"

Napagdesisyunan namin na kumain sa restaurant na malapit sa kumpanya nila.

"So budz, kamusta ang pagiging trainee mo sa company niyo?" tanong niya habang ngumunguya.

"Ayun, iniimagine ko pa lang yung mga responsiblities na papasanin ko parang hihimatayin na ako." I said.

He chuckled. "Sa umpisa lang yan no. Pero pag nakabisado mo na ang mga gagawin magiging okay na din."

"Siguro kaya ako nahihirapan ngayon kasi ginaguide lang ako nila dad through skype and email. Iba pa rin kasi kung may magtuturo ng personal sakin." I said.

"Diba nabanggit mo na may dadating galing America na magtuturo sayo magmanage ng company niyo na friend doon nila tita Amarah?" he asked.

"Yepp. Sabi nila mom anak daw yun ng isa sa mga investors namin. Tutal magkaibigan naman daw sila, willing daw ako turuan ng isa sa mga anak nila. Yung kuya naman daw nun yung nagmamanage ng company nila." I said.

"Pero siyempre iba pa din kung si dad mismo yung magtuturo sakin." I added while pouting my lips

"Intindihin mo na lang sila budz. Gusto din yun ng dad mo for sure. E kaso alam mo naman kelangan din sila sa ibang branch niyo sa ibang bansa diba?"

I just nodded.

"Ay oo nga pala budz. Nabanggit pala sakin ni mom nung nakaraang araw na last week pa pala nandito yung magtuturo sakin. Masyado niya lang daw namiss ang Pilipinas kaya magliliwaliw lang daw muna siya bago siya magpakabusy sa pagtuturo sakin." I said.

"I can teach you some techniques in managing a business while he or she is not here." He offered.

"Thanks budz. But I know how busy you are sa company niyo. Dadagdag pa ba ako?" I said.

"Tsss. Para ka namang others! I can always make time for you budz. Keep that in your mind." He said while looking straight into my eyes.

Napatingin lang ako sa kanya... hanggang sa napapangiti na ako paunti unti.

Time, bagay na hindi masyadong nabibigay sa akin ng parents ko. It's one of the most important gift that you can give to someone. It's like you're giving a portion of your life that you will never get back. Siguro kung tunay na lalaki ka lang sobra sobrang kikiligin ako sa mga sinasabi mo sa akin. Sabagay, ngayon nga na alam ko ang tunay na pagkatao mo nakakaramdam na ako ng kilig eh. Hihihi! – I thought.

Di ko namalayang ang tagal ko na palang nakatitig kay budz.

"Staring is rude my dear bestfriend." He said.

Nagulat naman ako at bigla akong natauhan.

"Especially when you're smiling like an idiot." Dugtong pa nito sabay ngisi ng napakalaki.

I just pouted my lips sabay irap sa kanya. Di ko na pinansin ang sinabi niya at itinuloy na lang ang pagkain ko.

Mabulunan ka sana! – I cursed in my mind.


Ewan ko kung bakit pero parang umaayon ang tadhana sakin kasi nagkatotoong nabulunan nga si budz at dali daling inabot ang tubig sa gilid niya. Sobrang napahagalpak ako sa tawa at biglang napatingin ito sa akin.

HAHAHAHAHA BUTI NGA! - I thought.

Siningkitan niya ako ng mata na para bang binabasa ang nasa utak ko.

Ngumisi ito sakin. "Cursing in your mind aye?"

Nginitian ko lamang ito ng pagkatamis tamis (in a sarcastic way).

:D

Twist of HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon