YESHA’S POV
It’s been 9 years since lumipat sila Auntie Dianne dito sa Pilipinas for good. Andami ng nangyari may little boy na ulit sila Auntie Dianne si cutie Ryuu, he’s 5. Ako only child pa din huhu, how sad.
Now we’re getting ready for our Promnade, last chance ko na ‘to kasi graduating na ako paano ba naman last year pasaway si mommy at daddy nagplano ng surprise trip to abroad ayun I missed my Junior Promnade. Kaya naman ngayon super bawi ang ginagawa nila from my gown up to my make up.
Escort?.... Sino pa ba sa tingin nyo? Edi si Ethan Jang. As if naman may choice ako di ba?
(A/N: Ay sooows bitter ang ating bida. HAHAHA)
Oy ha! Di ako bitter. CRUSH ko lang siya dati ngayon hindi na! Napagtanto kong wala wala lang yung feelings ko sa kanya dati kase nga si Fafa Denver na ang LABS ko. Take note LABS talagaaa! (*u*) Dapat siya nalang escort ko. >:( Kaso baka magtampo ang bespren ko kaya No Choice. Hehehe.
“Yesha baby! Patingin nga ng prinsesa namin!” Excited na sabi ni mommy
“Moooom!”
“You look stunning! For sure lalong maiinlove si Ethan sayo.” Sabi niya na may halong panunukso
“Mommmmy!” sumimangot ako “Pwede ba tantanan niyo na ang pagrereto sa akin jan kay Ethan. Bestfriends lang kami hanggang soon lang!” Medyo pagalit kong sabi
“Say what you want baby. But who knows what tomorrow brings” Mahinang sabi ni mommy kaya di ko masyado naintindihan dagdagan pa ng pagpasok ni daddy
“My baby is now a lady!” sabi ni daddy na teary eyed
“Srsly dad?” natatawa kong sabi “Promnade ko palang di pa ako ikakasal! HAHAHA” di ko na napigilang tumawa
“Ok bebs, baba na kayo ni Yesha ha. Naghihintay na sila Pareng Vincent” Biglang seryosong sabi ni daddy at lumabas ng kwarto ko
“Mom? Anung nangyari kay daddy? Why the sudden change of emotion?” Nagtataka kong tanong
“Wag mo na intindihin yun, baka nagmemenopause na. Halika na baka iniintay ka na ng escort mo.” Sabi ni mommy pero di ako kumbinsido parang may mali talaga.
-----
WE’RE here na sa Manila Hotel dito kasi iheheld ang aming Promnade. (A/N: Masabi lang na praybeyt school.HAHAHA)
Gosh! Ang ganda ng venue sobrang effort to. Marami nagkukumpulang babae sa likod namin panigurado mga fangirls to ni Ethan. Maasar nga… tutal medyo nabobore na ako. BWAAHAHAHAHAA. Di naman ako masydo evil minded noh? hehehe
“Babe....” syempre may pagpout un (^3^)
Nung una parang nagtaka pa siya pero nakaramdam naman siya at sumakay nalang sa trip ko.
“Bakit baby ko? You want anything?” At may paghaplos pa tong nalalaman ha. Kung di ko lang to bespren baka akalain kong may gusto to sakin. HAHAHA
“Nako girl sila pala ni Yesha” Girl 1
“Oo nga olats tayo jan. Ganda niyan oh!” Girl 2
“Anu ba kayo? Kung asawa nga naaagaw pa yan pa kayang Boyfriend pa lang?” Girl 3
Aba mukhang hinahamon ako nito ah? Maasar nga lalo. (*insert evil smirk*) Hinawakan ko ang kamay ni Ethan intertwined kung intertwined. Nakita ko namang sumimangot ang mga fangirls niya wahahaha. I won! Kaya naman lumapit ako kay Ethan at bumulong..
(Bes, wag kang assuming ha. Bored lang ako at ansarap asarin netong mga fangirls mo tingnan mo mga pagmumukha nakakaawa)
[Kahit kelan ka talaga Quinn! HAHAHA. Wala ka na bang ibang magawa? Baka mamaya makita ka ni Denver na sweet sweetan sakin di ka na gustuhin nun?]
(Alam ko namang tutulungan mo ako sa kanya eh. Di mo ata matitiis bestfriend mo? What Yesha wants, Yesha gets.)
Pagtapos ng usapang yun ay sumeryoso si Ethan at kinurot ang pisngi ko. “Anything for you MY QUINN” at nagsmile siya. Pero parang may halong sadness yun o ilusyon ko lang?
Nahagip ng mat ako yung mga fangirl niya parang mga biyernes santo na ang mukha HAHAHAHA, Mean na kung mean pero nakakatuwa talaga sila. ^____________^
HELLO! ANYAREEE? Pagpasensyahan niyo na ang updates. Nagugulo ako sa plot ng story. Comment nalang kayo kung naguguluhan kayo ha. Para naman malaman ko kung anu nasa isip ng readers ko. Any comments would do pero sana walang OA sa Negative comment. Constructive criticism pwede. HAHAHA. Anu ba un????? Osya till next update! ;* VOTE! And BE A FAN ;)
Itsforeverthirteen <3 ~~~