ika dalawa

382 8 0
                                    

Diary,

       Nararamdaman kong parang magigiba ang dibdib ko sa sakit. Sabi ni Mama Autumn ay ni-revive daw ako kahapon kasi muntikan ko na namang di kayanin ang session. E-X-rayhan ako nang magising at pagkatapos ay pinauwi muna sa villa. Napakatahimik parin gaya ng dati. May 14 inches na tv, at sa likod nun ay ang puting-puting pader na ngayon ko lang tinitigan ng matagal. Ganito din kasi yung nakita ko bago ako magising na sumasakit ang dibdib. 

Pumasok ako sa maliit na kwarto at humiga sa kama. Ilang beses din akong nagpabiling-biling pero di ako dalawin ng antok. 

Alas diyes na ng gabi. Lumabas ako at nagtungo sa may kakahuyan. Kumubli ako sa isang puno nang makita ko si Snow na sumusuot sa kakahuyan.

Hindi ako pwede doon kaya naisipan Kong lumabas ng compound. Naglakad lakad ako hanggang sa hindi ko na matandaan ang pinanggalingan ko. Madilim narin...at mukhang uulan pa. Kelangan ko nang umuwi...pero hindi pa man nakakahakbang ay sunod-sunod na pumatak na ang ulan...hanggang bumuhos ang ulan. Umupo ako sa isang stool na nakita ko...malamig..

Napatingin ako sa relong minsan ay ibinigay sa akin ni Ocean. May pipindutin lang ako at malalaman na nina Frezale kung nasaan ako. Pero iistorbohin ko ba sya?

Hindi ko alam pero parang may mali. May nasira kasi akong machine sa lab noong minsang inatake ako ng sakit ko. Hindi ako siningil...dahil wala naman akong ibibigay.

Kung bakit ba naman kasi parang nakalutang lang ako at walang Alam...

"...kahit kailan talaga..pabigat ka "

Nag-angat ako ng tingin at sana nga hindi nalang. Nakita ko na naman yung kakaibang emosyon sa mga mata nya. Hindi ko kaya. Kasi sumasakit ang dibdib ko.

Hindi ako kumibo at nanatiling nakatingin sa sapatos nyang kasing dilim ng Gabi.

"..kung di pa kita sinundan hindi ka na naman makakauwi..naisip mo ba ang perwisyong pweding idulot ng mga ginagawa mo ha? Buti sana kung ikaw lang...pero hindi..  At hindi ka talaga marunong magtanda!.,"

Malakas ang ihip ng hangin...pero mas gusto kong manlamig sa galit nya..

Yung puso ko, malakas ang tibok at nakakabingi..

Tumayo akong nanginginig. Ewan... Pero hindi ko din alam kung bakit ko ginawa. Hinawakan ko ang pisnge niya at pinagdikit ang aming mga labi. naramsaman kong nanigas siya ng kaunti sakamarahan lang ang paglapat niya sa magkabila kong balakang.


Gaya ng ginagawa nina Mama Autumn at Papa Wynd, napapikit ako. hindi ko alam pero maraming nanyayari sa napakaikling sampung segundo na yun. Nararamdaman ko parin sa bawat himaymay ng balat ko ang kilabot....ang init..mula sa pinakailalim ng lugar na di ko mawari hanggang sa sulok ng aking mga mata. Sa likod namin ay isang punong may nakalagay na karatula. "santelmo"


Nang tumaas ang amga palad niya sa likod ko at nang ang mga iyon ay humaplos ng pababa at pataas ay saka naman tila nagliyab ang puno kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan..may mga imaheng lumabas sa utak ko.. maliwanag..maingay...masakit..


"..papatayin mo ba ako??.."


"...hindi...YOU are going to kill me...and save your family.."

"...but they will find you..and kill you too..let me save you..let me be your home..sa akin ka nalang.."

"..TRAITORS!!"

"...Die Ace...DIE!!!!"

paulit-ulit...hindi ko na alam...namalayan ko nalang na may puting liwanag na papalapit sa amin..kasunod nun ay ang imahe ng taong pinagkakautangan ko ng aking buhay..naliligo sa sariling dugo at wala ng buhay...


"..napakatigas ng ulo mo..you really want them to find you.."


"..check mate..simula pa lang alam na nila kung nasaan ako..""


Hindi ko alam ang mga susunod pang mangyayari diary. ikaw na ang bahala sa akin..sana lang...hindi na maulit.



-------ACE

-------ACE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Diary of a Part Time Agent (BHOCAMP FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon