Ika- apat --KISS

198 5 2
                                    


"..The richest man can't even make his money move and buy his past. For those who never have a single centavo to make a candy sweet, they cling to the memories and its sweetness. But, not all of us this sweet memory to remember.."



Medjo nanghahapdi na naman ang mga mata ko habang nakatingin kay Reign. Kanina pa kasi siya palakad-lakad dito sa loob ng clinic kung saan ako iniwan nina Mama Autumn. Buti nalang hindi ka niya nakita diary.

"Anu pa ang mga nakita mo bago ka nawalan ng malay Ace?"Tanong sa akin ni Reighn na lumuhud sa gitna ng mga tuhod kong mejo nakabukaka pala. Nung tingnan ko ang ayos naming ay biglang nag-init ang pakiramdam ko. Ni hindi ko siya matingnan ng maayos sa mga mata. Napalunok ulit ako diary dahil nasa mga tuhod ko ang palad niya. Mataman niya akong tinignan at tila inaarok ang totoo sa mga mata ko.

"may..may narinig lang akong mga boses..ang sabi kalangan ko daw pumasok sa BHOCAMP"

Napalunok siya diary. Isa...dalawa..sa pangatlo ay napatayo siya at ilang bese na nagmura. Nang bumaling siya sa akin ay napuno ng galit ang mga mata niya. Nakakatakot. Lumapit siya sa akin at itinukod ang dalawang braso sa kama kaya napagitnaan ako niyon na tila isang bilanggo. Akala ko sasaktan niya ako gaya nung unang beses ko siyang namulatan sa infinity room. Iyon ang unang beses na nakita ko siya. Yun din ang pinakanakakatakot dahil sinakal niya ako. Natanggal ang IV. Tinanggal din niya ang oxygen na nakakabit sa akin. Sa nanlilisik niyang mga mata ay naipahiwatig niya sa akin kung gaano siya kagalit noon. Nagkagulo sa buong silid. Magulong-magulo kaya sa isang iglap ay nagsipasukan ang iba pang mga naka-itim at ihiniwalay nila sa akin si Reighn. Dumugo and swero pero hindi koi yon pinansin. Gusto kung umiyak ng malakas dahil sa takot pero walang lumalabas na boses sa akin. Pare-pareho lang naman silang masama ang tingin sa akin pero siya itong wagas ang galit dahil nakuha niya akong saktan.

May lumapit sa aking babae na nakasuot ng putting damit. Nasisilaw ako sa may kulay niyang buhok. Meron din siya nung nakaktakoy na mga mata habang nakatingin sa akin pero hindi niya ako sinakal. May mga nakaputi pang pumasok at inayos ang katawan ko sa kama. Hindi ako makagalaw. Hindi ko rin maiyuko ang ulo ko dahil nananakit parin iyon sa sakal ni Reighn. Sinubukan kong igalaw ang kamay ko pero naramdaman kong may pumipigil doon. Bakal. Nakalocked.

Pero bakit??

"..Anu na naman ang ginawa mo at nagalit ng ganun si Reighn.?? Mahaba ang pasensya ng batang yun. Anung ginawa mo??"

Naguluhan ako sa tanong niya. Anu bang ginawa ko? Diba't kaya ako nagising ay dahil naramdaman ko nalang na masakit ang leeg at lalamunan ko???

"uulitin ko ang tanong, anung ginawa mo?"

Anu nga ba ang ginawa ko??

Pumikit ako at sinubukang alalahanin ang mga nangyari pero wala akong makuhang sagot. Napasinghap ako nang bigla ay may sumigid ang matinding kirot sa aking ulo. Sa sobrang sakit ay pinilit kung igalaw ang mga kamay ko hanggang sa matanggal sa pagkakadikit ang lock na nakakabit sa kama. Umatras ang babae at tinawag ang mga kasama niya. Unang pumasok ang isang lalaki at tinawag ang babae na "sweety". Napatingin din siya sa akin at napamura saka ako pinagtulungang ayusin ng mga naroon. Ang tagal mawala ng sakit. Nanlabo ang mata ko nang may kung anong in-inject ang babaeng tinawag na "sweety" sa dextrose ko na kulay yellow at pagkatapos nun ay naramdaman ko ang panghihina ng aking katawan. Masyadong magulo ang paligid...nagkakagulo sila at bago ako mawalan ng malay ay pumasok ulit yung nanakal sa aking lalaki. At bago pa ako makasigaw ay nawalan na ako ng malay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 04, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Diary of a Part Time Agent (BHOCAMP FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon