"..bilis...bilis...."
"...doc...hindi kakayanin ni Ace to. Masyado na siyang mahina para kayanin pa ang pangalawa.."
"...kaya niya yan... dapat kayanin niya yan...dahil kung hindi, mamamatay si Rafa...o di kaya ay siya nalang papatayin"
papatayin....
papatayin....
"...Wynd patayin mo ang ilaw!!!..."
Kung gaano kahirap huminga ay ganun din kahirap imulat ang aking mga mata...maanghang na mahapdi na makati na ewan..medjo sumakit din ang ulo ko dahil sa lakas ng boses ni Mama Autumnna nasa gawing ulunan ko at may kug anong ikinakabit sa aking sintedo. Maliwanag na ang labas ng clinic pero sa kinaroroonan namin ay madilim. nakasara ang mga bintana na natatabingan ng makakapal na kurtina. May mga pulang dot akong nakita na hinuha koy mula sa mga aparatong naka-on dahil kasalukuyan iyong ginagamit sa akin. Napahawak ako sa ulo ko at nasalat ang benda noon na may mamasa-masang gitna. Dugo.
May narinig akong mga yabag papalayo sa akin kasunod ay ang pag-ilaw ng pc ni mama Autumn. Napatingin ako sa liwanag na galing sa pc upang magsisi lang din sa bandang huli. Masakit talaga ang mata ko.
"...we found something in your blood that causes your eyes to hurt in light. We found something creepy...and strange Ace...mind telling us about that?.."
seryoso si mama sa puntong iyon..may naramdaman akong kakaiba sa dibdib ko... parang kumirot siya na ewan...mabigat.. kinapa ko pa ang dibdib ko para masigurong may sugat pero wala naman... nitong mga nakaraang araw talaga andami ko nang nararamdam.
"...sweetie...let her rest... pagod yung bata...hayaan mo muna..malamaman naman natin kapag lumabas na yung comparative study ng samples nya sa samples nung Cla---arrrryyyy...aray naman sweetie...", reklamo ni papa Wynd na hinihimas ang tagiliran. Nababaghan ako kay mama. Kanina lang kasi ay parang galit siya subalit ngayon ay nakangiti na. Minsan nahuhuli ko silang nagpapalitan ng kakaibang tingin pero ipinagwalang bahala ko nalang kasi sumakit na naman ang ulo ko..
Mariin akong napapikit nang kumalat ang liwanag sa buong clinic nang buksan ni Papa Wynd ang Kurtina.
mahapdi talaga...
Dahan-dahan akong nagmulat subalit ramdam kong tila nasusunog ang mga mata ko. Ganun ba yung naramdaman ng gamo-gamo nung lumapit sa sa apoy?...Nabasa ko kasi iyon minsan sa isang librong itinapon ng mga batang may dalang ipad sa basurahan...luma na ang mga libro pero parang magaganda naman ang mga kwentong naroon..
BINABASA MO ANG
The Diary of a Part Time Agent (BHOCAMP FANFICTION)
AcakNapapikit ako ng mariin dahil sa ingay. tawanan..palakpakan ng mga agents at ng iba pang mga bisita. Masaya, dapat masaya. Pero bakit wala akong maramdaman? Muli Kong tinignan ang bagong kasal na sina Hermes at Storm. Bakit kumikinang ang mga mata n...