Chapter 57

4.7K 67 1
                                    

POV OF IZABELLE

Isang linggo ang lumipas na ang lumipas.

Isang linggo din kaming walang komunikasyon. Kahit sa school hindi ko lang alam kung sinasadya ng pagkakataon na magkita kami parati at nagkakasalubong kami parati. Parang may nakakahawakang sakit kami na biglang naghihiwalay agad kami ng landas.

It's been one week and six days, mag-dadalwang linggo na. Wala parin kaming kibuan. As much as how I feel so stupid and low, hinihintay ko parin siyang lumapit sa akin at sabihing magiging okay ang lahat sa amin.

Na sabihin niyang mahal niya ako at nagkamali lang ako sa narinig ko. Pero siguro sa panaginip ko na lang mangyayari ang lahat ng iyon, kahit anong gawin ko hindi na niya ako lalapitan.

Na bigla ako ng may maglagay ng panyo sa itaas ng libro na binabasa ko literally tinititigan ko lang. Nasa library ako ngayon imbes na dapat nasa canteen ako para kumain pero nakita ko kasi siya sa canteen kasama iyong mga Student Council officers at katabi pa nito si Julliane sa table ng mga ito.

Ayokong makita ang eksinang iyon.

She's a hot topic in school last week hanggang ngayon. Maraming chismis ang kumalat patungkol sa kanya at kay Xander. Kung bakit nag-iiwasan silang dalawa. Marami ang nagtanong sa kanyang mga classmate at kung sino na lang pero hindi niya sinasagot ang mga ito.

"What is this for?" napatingin ako sa panyo at kay Night na nakatayo sa harapan ko.

"Hindi ba obvious?" Ito na mismo ang nagpahid sa mga luha ko at kinuha ko agad rito ang panyo.

"Thanks." Hindi ko alam kung sinasundan ba ako nitong si Night o sadyang tadhana talaga kaming parating magkita pag-umiiyak ako. Sakto namang parati siyang may dalang panyo at ako lang lagi ang gumagamit. Minsan nahihiya na nga ako rito kay Night dahil ang bait. Minsan nahahatid na niya din ako sa bahay kasi namumula nga parati ang mga mata ko at hindi pwedeng makita ng driverko dahil baka masumbong pa ako kina Mom and Dad ayokong malaman nila ang pinagdadaanan ko.

"Tama na yan. Tumayo ka dyan at samahan mo akong maglunch sa canteen." Hinila nito ang kamay ko at binalikwas ko.

"Bakit?" Tanong ko rito. Bakit kailangan pa akong isama? Ayokong magpunta doon since alam kong nandoon parin ito.

"Sasamahan mo ako dahil marami ka ng utang sa akin."

"Utang paano ako nagkautang sayo? Hoy! Sandali lang!" Nahila na nga nito ako palabas ng library at wala na akong nagawa kundi ang sumunod rito at magpunta sa canteen.

Huminga ako ng malalim. Kaya ko to, hindi ko sila papansinin.

"Best sinabi mong ayaw mong maglunch diba. Bakit ka nandito ngayon? Nagbago isip mo ano?" Si Sam nagsasalita nga sa akin pero ang atensyon naman nasa boyfriend nito. Nakakatuwang may seryoso na itong boyfriend, hindi na niya masyado itong inaabala dahil alam niyang malaki na masyado ang naitulong ni Sam sa kanya.

"Hinila lang ako ni Night papunta rito." Naiiling ako sa mga titig na binibigay ng mga tao sa akin lalo na at hindi kalayuan ng table nila Xander sa table namin. Dapat hindi na lang talaga ako sumama rito kay Night.

"Relax Izabelle, wag kang magpaapekto sa kanila lalong lalo na sa kanya." Napatingiin ako sa kanya at tumango. Nagpaalam itong oorder daw ng pagkain para sa amin. At nalaman nga nitong hiindi pa ako kumakain ng lunch.

Napatingin ako sa direksyon nila Xander at Jullianne. They look so happy, perfect and contented. A picture of a perfect couple.

Nakatitig lang ako sa kanila at napansin ata ni Xander iyon ng mapalingon siya sa akin. Bago pa niya ako mapansin ay tumakbo na ako palabas ng canteen. Wala akong pakialam kong lahat ng studyante ay nakatingin sa akin.

Rightfully His ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon