Chapter 58

6K 62 1
                                    

POV OF IZABELLE

"Bessy talaga! I am so hapoy for you! Okay na kayo ni Fafa Van!" Biglang tumikhim ang boyfriend nitong katabi. "I mean masaya ako sa inyo ni Van. Hehe itong si Hubby naman ang bilis magselos." Natawa na lang ako sa kanila.

I too is hapoy that everything is now back to normal. My relationship with Xander is back to normal at mas pinatatag dahil sa nangyari.

He was so jealous with Night lalo na iyong nagkita kaming tatlo. Buti na lang at nasa good mood ata ito at nagpasalamat ito mismo kay Night sa pag-aalaga sa kanya noong nagkalagnat siya. Pakiramdam ko magiging magkaibigan ata ang dalawa since pareho ang flow ng ugali nila.

Hindi ko naman sinasabing ang sama ng ugali nilang dalawa.

"Sige mauna ka na lang sa canteen at pupuntahan ko pa kasi si Xander sa Student Council Office." NAuna na nga ang mga ito sa kanya at pumunta na rin siya sa SC Office.

------------------------

Papasok na sana ako sa office ng marinig ko ang pag-uusap ng dalawang studyante. Officers din ata sila sa SC. Dahil sa may pagpaka-chismisa din ako ay nakinig ako ng patago, well nabanggit kasi nila ang name ni Xander kaya hindi ko mapigilan ang aking tenga.

"Di mo ba alam na si Prez. Grabe ang talino talaga!"

"Ano yang balitang iyan?"

"Si Prez. Van nakapasa daw siya sa Harvard."

"As in Harvard sa America?!"

"Oo! May iba pa bang Harvard! Narnig ko ng mag-congratulate sa kanya si Principal Spencer."

"Grabe so doon siya mag-aaral? Paano iyan, edi doon na din mag-aaral iyong girlfriend niya o maghihiwalay silang dalawa?"

"Sinabi nga niyang hindi daw siya matutuloy doon, eh hindi naman sinabi iyong mga rason."

Bigla akong napako sa kinakatayuan ko. Nakaalis na ang dalawang tsismosang babae studyante. Hindi ko alam na punta na pala ako sa garden.

Huminga ako ng malalim. Kinuha ko ang phone ko at dinial ang number niya.

"Hello your Xander speaking." Siguro kinikilig na ako ngayon kung hindi ko lang naisip ang narinig ko kanina. Alam kong nahihirapan siya ngayon.

"hindi ako makakapunta dyan. Nauna na akong maglunch."

"May problema ba?" Mababakas sa boses nito ang pag-alala.

"Ano ka ba! Wala ano! Nauna lang akong mag-lunch kasi may hindi pa akong natapos na activity. Promise sabay tayong uuwi mamaya hihintayin kita sa graden mamaya." Pinilit kong maging normal ang boses ko. Nagtanong pa ito kung kailangan ko ng tulong nito at sinabi kong okay lang ako.

Tatlong araw lang ang lumipas at may bagong pagsubok na naman ang dumating sa aming dalawa. Isang malaking pagsubok hindi katulad ng nauna. Isang pagsubok na hindi ko alam kung malalampasan ba namin dalawa.

Kailangan kong mag-isip at kailangan kong malaman kung totoo nga ba ang narinig ko kanina.

"I'm here." Napalingon ako sa nagsalita. Si Jullianne.

"Salamat sa pagpunta dito." Pinaupo ko sa tabi ko si Jullianne. Nagkausap na kami ni jullianne noong isang araw pa at sinabi nitong tama ang eksplinasyon ni Xander. At nalaman kong sila na pala ni John Alexisor noon pa pala naging sila at ngayon lang nagreconcile.

"I know you wanted to talk about Van." Napabuntonghininga ako.

"Tama ka may itatanong ako sayo. Alam mo bang nakapasa pala si Xander sa entrance exam niya saHarvard?" Halatang nabigla itosa sinabi ko. Alam nito.

Rightfully His ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon