Chapter 1

192K 3.9K 521
                                    


Yva – can be read as "Ihva or pronounced as / iy-vuh / "

Yva's POV

19 years later...

"Aaaahhhhh!!! Kuya Vicccc!!!!!" she shouted as if it is the end of the world.

Maya-maya pa ay dumating na humahangos si kuya Vic. Naabutan niya ako na nakatungtong sa silya sa kwarto ko.

"Ano na naman ang nangyari, Yva!?" inis na tanong nito.

"Kuya! kuya! kuya! "

"Ano?!"

"Kuya may ipis kuya! Kuya!"

Napakamot sa ulo si kuya Vic habang sa isang iglap lang, napatay na niya ang ipis.

"Ayan, wala na." saad nito. "Wag kang bigla bigla nalang sisigaw. Ang tinis nang boses mo at saka mag bihis kana. Ma le late ka na naman sa klase mo nyan." Sabi nya habang lumabas na nang kwarto ko.

Nagpunta nako sa banyo upang maglinis nang katawan. Kailangan ko pang pumunta sa school para mag pa sign nang clearance.

Graduating student na me sa college. I'm a Vet. I love animals. I can't ignore an injured animal, that's why I took that course. Hassle. Daming kailangang asikasuhin at tapusin.

"Hahay." I said it under water that caused some bubbles in the tub.

Pagkatapos kong maligo, nagbihis nako. White T-shirt and skinny pants and white high cut sneakers.

Maya-maya pa, may kumakatok na sa pinto. Si kuya Vic naman to, tyak.

"Yva, tayo na." sabi nito sa kabilang pinto.

"Opo kuya."

Pagkasabi nun ay lumabas na ako. Sa Gawing kanan ko, may isang silid doon na hindi ko pa kailanman napapasok. Sinubukan ko itong buksan dati nung bata pako pero nahuli ako ni Kuya Vic at pinagalitan nang husto. Hindi nga ako binigyan nang hapunan bilang parusa nun kaya simula non, di ko na binalak pa na sumilip o piliting buksan ang silid nayun.

Lumiko ako pakanan habang nadadaanan ang tatlong bakanteng silid bago ang hagdan.

The staircase is round. Color white and gold combination. Kaya ang eliganteng tignan. Sa baba nitong hagdan, nandoon banda ang saradong office ni kuya Astaroth, our oldest brother. H's not here though. He's working overseas. Si Kuya Vic lang ang may hawak sa susi.

Our house is two storey. We have 5 rooms in the second floor. Bakante yung tatlo. Yung isa sa akin. Yung isang saradong kwarto ay hindi ko alam kong bakante din ba. Ang kwarto ni kuya Vic ay nasa baba malapit sa kusina. Sya kasi ang nagluluto at naglilinis nang bahay kaya mas pinili nya na sa baba nalang ang kwarto nya. Katabi nun ang Library. Dati dun ako nagreresearch nang mga assignment. Marami kasing libro dun na mga luma.

Hindi sa pagmamalaki but our house is huge. At kami lang dalawa ni kua Vic ang nakatira. Diba weird? Buti nalang malinis ang bahay dahil kung hindi, magiging hunted house na yun sa laki.

Sa labas naman, medyo malaki din ang frontyard. May flower garden si Kuya Vic. He likes flower. Pero hindi sya bakla ha. Sa gitna nang mga bulaklak ay may kulay puting duyan. Minsan umuupo ako dun kapag hindi ako makatulog sa gabi. Presko at mabango kasi ang hangin na humahalo sa amoy nang mga bulaklak.

Pagkadating ko sa garahe ay umandar na agad ang sasakyan. Si Kuya Vic ang magmamaneho. Papunta in si kuya sa kanyang trabaho. Manager si kuya sa isang kompanya.

Taken by a DEMON (PUBLISHED UNDER RISINGSTAR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon