Chapter 20

94.1K 1.8K 25
                                    


I woke up alone in my bed. He's not here anymore. Where is he? Bumangon ako at bahagyang natawa sa hitsura nang pinto. Sira talaga. Isinandal lang ang pinto eh.

Medyo okay na ang pakiramdam ko maliban sa naramdaman kong lungkot sa nangyari sa amin dati. Pero kailangan ko munang ihanda ang sarili ko. Tumayo ako at tinungo ang banyo. Napatingin ako sa sarili ko sa malaking salamin sa banyo. I need to freshen up. Mukha akong ewan. Siguro epekto dun sa nangyari sa simbahan.

Kumusta na kaya yung tatlong pare? Di ko pa rin maiwasang matanong kung kumusta na sila. Kahit papano masaya ako kasi di sila tinapos ni Astaroth. I can't believe his a devil because he didn't kill them despite of what they cause to him. Kung iisipin parang mas demonyo pa nga sila kaysa kay Astaroth eh.

Pagkatapos kung maligo, mag-uusap kami. Sasabihin ko sa kanya na nakakaalala nako. Tatanungin ko din sya kung ano ang mga nangyari sa kanya sa mga ilang taong nagdaan.

I started to turn on the shower and started to clean myself.

Pagkatapos kong maligo at makapagbihis, lumabas ako sa silid at nagtungo sa kwarto ni Astaroth. I knock three times. Walang sumasagot kaya sinubukan ko nalang buksan. I turn on the lights. Wala sya.

Where is he?

Pinatay ko na ang ilaw at isinara ang pinto. Bumaba ako. Pagkababa ko naabutan ko si Kuya Vic na nagluluto ng pagkain sa kusina.

Napansin nya siguro ang presensya ko kaya napalingon sya sa akin.

"Oh Yva? Okay ka na ba?" tanong nya na may halog pag-aalala.

Tumango naman ako bilang sagot na okay na ako. Hinila ko ang isang upuan sa hapag kainan upang maupo.

"Where is he?" mahina kong tanong.

"He left early. Hindi ko alam kong saan pumunta. Bakit?"

I shake my head to let him know nevermind.

Maya maya pa ay tumunog ang aking tyan na halatang narinig ni kuya Vic dahil napatawa sya nang malakas.

"Hahaha. Malapit na tong maluto. Kunting tiis nalang." Sabi nya habang hinahalo halo ang kung ano mang niluluto nya.

"Kuya..."

"Hmm?" he hum.

"Di ba if you choose hell, di mo mkakalimutan ang past life mo?"

"Yes. Why?" he answered.

"How was your past life?"

Napahinto sya sa ginawa nyang paghahalo sa pagkain at napatingin sa akin.

"Bakit?" tanong nya.

"Wala lang. I mean did you have a happy life?" alinlangan kong tanong sa kanya.

Ngumiti lamang sya sa tanong ko. Hindi sya sumagot ng iba pa.

I wonder if he had a happy life. Wala naman syang nakukwento. Kumusta kaya sya dati? Ano ba sya dati?

"Well, I was a king."

Nagulat ako sa biglang pagsalita nya.

"Kuya? Talaga????????" di ko makapaniwalang tanong.

Tumango sya habang nakangiti.

"Wow! Hanep!"

He chuckled. "Why so shock?" he asked.

"Di ko expect yun! Seryoso?" di ko makapaniwalang tanong.

Tinawanan lamang nya ako.

"San kaharian mo, kuya?"

Taken by a DEMON (PUBLISHED UNDER RISINGSTAR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon