Song 1

55 3 1
                                    

First of all, isa itong series. Pangalawa, madalang akong mag-update kaya sorry in advance.

--------------------------------------------------------

"Ms. A, the shipment from New York has arrived for the stalls of VS, the manager told me that you requested first to take a look of it before displaying it." Ani ng secretary nya na si Jean.

Tumango na lang sya bilang response at lumabas na ito ng kanyang opisina.

Isang araw nanaman ang lumipas at hanggang ngayon ay di pa din nagpaparamdam ang kanyang nobyo na si Callum. Ang huli nyang balita ay busy ito sa Printing business nila sa New York. Madalas syang tumatawag sa telepono ng opisina nito ngunit ang isasagot ng sekretarya nito ay wala ito sa opisina. Nagtetext sya o tumatawag sa cellphone nito ngunit walang response.

Napatingin na lang sya sa glass wall nya na overlooking ang Leicester Square. Oo, di maitatangging mayaman ang pamilya nya, ngunit may kulang pa din sa kanya.

Mahirap ang maging isang kilala na tao hindi lamang sa bansang iyon kundi sa buing mundo.

Leicester Square is one of the considered biggest yet most successful malls in the world. Located at Europe. Minana pa niya ito sa kanyang mga ninuno.

As first heir of the first child, she took the responsibility and took over the CEO position and making her older cousin, Juanito Martin Leicester as the COO.

She have 1 more sister, Lairah Leicester who's still young kaya pinapagfocus nya muna ito sa pag-aaral.

While looking at her empire, she missed her current inspiration but having doubts of it lalo na at ayaw na ata sya nitong makausap. May kirot syang naramdaman sa kanyang puso. Andun na, nagbigay na ito ng mga hints na magpapakasal sila, ngunit isang malaking kalokohan nanaman ata ito.

Pinindot nya ang kanyang intercom at nakuja nya kagad ang kanyang sekretarya sa linya.

"Cancel my appointments today and tomorrow morning. I'll be out." Ani niya.

"Understood, Ms. A." sagot sa kabilang linya. Matapos nun, ay kinuha nya ang kanyang cellphone at tinawagan ang isang kaibigan na alam na alam nyang nasa London ng mga oras na iyon.

"Hello, Valeen?"















"So, you're saying, waley na talaga?" Sabi ni Valeen sa kanya. Kasama nya ito sa isang bar sa London at hindi nga sya nagkakamali na di pa ito nakakaalis ng bansa.

Uminom muna sya sa kopita at sumagot, "Siguro, he wouldn't decline my calls nor hide from me if mahal pa nya ako. Siguro dahil nakuha na nya ang gusto nya kaya umalis na lang sya ng walang pakialam." Masakit na pahayag nya

Narinig nyang bumuntong hininga ang kaibigan, "Hay nako. Let's celebrate na nga lang. Di bagay sayo bakla ang malungkot."

Napangisi sya sa sinabi nito. "Sige na nga. Thanks nga pala."

Ngumiti ito sa kanya, "You're always welcome, bakla."

"By the way, have you heard?" Tanong nito sa kanya.

"Alin?"

"The Black Jeans will be here in London next next month!" kinikilig na sagot nito sa kanya.

Hindi bago sa kanya ang pagkagusto nito sa naturang banda, lalo na sa drummer ng mga ito, Arceo Yvo del Vega. Yun nga lang, sya lang ang kilala nya sa naturang banda dahil masyado syang busy para maging fan girl.

"Oh ano naman ngayon?" Sagot nya dito.

"You are so ewan, bakla. As in yan lang isasagot mo sakin?!"

Nagkibit balikat muna sya bago sumagot, "Ano namang gagawin ko? Duuh, I'm not a fan of them. Ikaw lang naman ang mahilig magkwento kaya ko sila nakikilala sa mga kwento mo."

"Arggghh! You need to be with me! Sa Leicester Square daw gaganapin yun! I freaking need VIP Pass!"

Kaya naman pala.

Naipagbigay alam na sa kanya ito, ngunit di nya alam kung pumayag ba ang Kuya JM nya dito.

Para sa kanya kasi ay maganda yon lalo na at sikat ang naturang banda.

"I'll just ask Kuya JM to give you those, I'm busy." Sagot nya at uminom muli ng alak.

"That is a big no-no, I wantnyou to come with me. Ang gwapo kaya ng bago nilang vocalist! Pero mas gwapo pa rin ang Yvo ko." Kinikilig na sabi pa nito.

"Like seriously? What happened to the old vocalist?" Nakakagulat naman kasi ang balitang iyon lalo na at kasosyo nila sa New York ang dati nilang vocalist na si Tristan Samaniego.

"He needs to focus na daw sa family business, kaya ayun. Chugi sa banda." Maarteng sagot nito at ininom na ang alak.

Bigla tuloy syang nahiwagahan sa bagong bokalista ng bandang iyon. Hindi madali ang makapasok sa naturang banda lalo na at galing sa mga prominenteng pamilya ang mga miyembro at kailangang magaling talaga sa posisyon na nakaatang sa kanila.

"So ..." sabi nito sa kanya at hinarap sya "... sasama ka, o kailangan pa kitang pilitin? By hook or by crook?"

Bigla naman syang nangilabot sa sinabi nito. Naalala pa nya ang ginawa nito nung huli na ayaw nyang sumama. Pinakidnap talaga sya nito sa mga men in black nito para sumama sa concert din nila. Kasi naman, her family name really can do anything. If Valeen would be with her, VIP front row na nga, may VIP back stage pass pa, san ka pa?

Napabuntong hininga na lang sya, wala na talaga syang magagawa. Wish nya lang talaga di magpakita si Elynne, Lily at Stella sa opisina nya para sa parehong dahilan. Mga die hard fan kasi sila. Silang dalawa lang ata ni Kaelle ang hindi.

Speaking of Kaelle .....

"Kambal!" Agaw nya sa atensyon ng babaeng kapapasok lamang sa bar.

Lumingon naman sa kanila ang dalaga at lumapit.

"Oh em gee! Kambal!" Nakipagbeso-beso sya pati na rin si Valeen, magkakakilala naman sila

Umupo ito sa tabi nya, nasa isang round table naman sila at sa may itaas pa, VIP as always.

"Kamusta ka na? Tagal na nating di nagkikita ahh." Bati sa kanya ng matalik na kaibigan.

Kambal ang tawag nya dito dahil magkamukhang-magkamukha sila, palagi nga silang napagkakamalang magkapatid.

"Eto, sawi nanaman." Sagot nya at lumagok muli ng alak. Di nakawala sa mata nya ang pagngisi ni Valeen.

"Ahh, geh, di na ako magtatanong. Pero ..." ininom muna nito ang bagong dating na bote ng San Mig Lights tapos tumayo at nagsalita, "... sayaw tayo! As in! I miss dancing!"

And the night went well for her brain, but not for her heart .... fully ..

Dummy Series - Ayani LeicesterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon