DESDE ENTONCES, HASTA AHORA
(Mula Noon, Hanggang Ngayon)
Written by: Yeshameen BrejenteKABANATA 5 "What if?"
BIGLA na lamang pumatak ang mga luha ni Alexandria dahil sa tagpong 'yon. Bakit ba ramdam pa rin niya ang ligaya sa tuwing nagkakalapit sila ni Idrianne ng ganito? Bakit ba ayaw na niyang magwakas pa ang sandaling 'to? It hurts when you have someone in your heart and can't have them in your arms.
"Are you okay, Alexandria?" Idrianne asks in a soft tone of voice. Si Nathaniel ay nakatayo sa may pintuan ng kusina at nakita niya ang pagkakalapit ng mga ito. Nakita niyang luhaan ang kanyang ina.
"Ayos lang ako, Idrianne. Sige na, kumain na tayo." Aya niya rito upang maiwasan na ang tensyon. Umalis sa likuran niya ang lalaki at humakbang na ito nang matapos maghugas ng sariling kamay sa gripo na nasa lababo. At nang masiguro ni Alexandria na nakalabas na ng kusina si Idrianne ay agad siyang pumasok sa banyo at doon humagulgol, habang kinakastigo ang sarili.
"Tama na Alexandria! Hindi ka na pwedeng magkamali ulit. Ang pagmamahal mo para sa kanya kaya nagka-letche letche ang buhay mo. Ang pagmamahal mo para sa kanya ang dahilan kung bakit ibang lalaki ang nakilalang ama ng anak mo. Iniwan ka na lang niya sa ere. At masaya pa siya ngayon sa buhay niya, habang ikaw ay nasasaktan at nahihirapan sa tuwing nanunumbalik ang anino ng nakaraan. Bumabalik ang damdaming iniukol mo noon sa kanya kasabay no'n ang hirap at sakit. Tumigil ka, Alexandria! Tama na!" kastigo niya sa sarili habang nakaharap sa salamin ng banyo. Nanghilamos siya saka inayos ang sarili at di nagtagal ay lumabas na rin at nagtungo sa hapag-kainan. Nagkasalubong pa ang mga mata nila ni Idrianne na matamang tumitig sa kanya. Parang nag-aalala, lalo na si Nathaniel na walang maunawaan sa tinginan ng mga ito.
Dahan-dahang iginalaw ni Idrianne ang isa niyang kamay upang hawakan ang kamay ni Alexandria. He pressed it softly, trying to comfort her.
"Are you really okay, Alexa?" tanong ni Idrianne na para bang kumukurot lalo sa puso niya. Tumango naman si Alexandria saka ngumiti upang itago ang sakit na nadarama. Yung sakit na dulot ng paninibughong alam niyang hindi niya dapat maramdaman sa lalaking may pananagutan na.
"Oo naman, okay na okay lang ako. Siguro, pagod lang ako. Alam mo na, buong araw masakit ang katawan dahil sa trabaho." Aniya rito.
"Mama, gusto niyo po ba i-masahe ko kayo? Gusto niyo po bang hilutin ko ang ulo niyo?" Nathaniel asks her. Napatingin naman si Idrianne sa walong taong gulang na bata. Mukhang napakaswerte nga ni Alexandria na magkaroon ng ganitong kabait na anak.
"Nathaniel, salamat. Maraming salamat 'nak, pero okay lang ako. Kumain ka na, magpakabusog ka. Mukhang masarap ang dalang barbecue ng tito Idrianne mo." Aniyang pilit na nilalakihan ang ngiti. Saka siya bumitaw mula sa pagkakapisil ni Idrianne sa isa niyang kamay. Nagdasal na muna sila saka nagsimula na ring kumain.
Nang sila'y matapos nang maghapunan, pumasok na rin si Nathaniel sa kanyang silid.
Naiwan naman sa sala ng bahay sina Idrianne at Alexandria. Parehong tahimik, parehong gustong magtanong sa isa't-isa ngunit parehong nagpipigil."Dinadalaw ba ni Jefferson ang anak niyo?" ang tanong na namutawi sa mga labi ni Idrianne. Mataman naman siyang tinitigan ni Alexandria.
"Hindi." Tugon niya rito. "Three years na kaming hiwalay, three years na rin kaming hindi nagkita. Wala naman siyang malasakit kay Nathaniel. Hindi ko naman siya kailangan."
"Maaaring nagkahiwalay kayo, Alexa. Pero ama pa rin siya ng anak mo. Karapatan niyang makita at makasama ang bata. Nathaniel needs a father as he grow up." Sabi ni Idrianne.
BINABASA MO ANG
Desde Entonces, Hasta Ahora
RomanceLove does not need a tag of restrictions and Limitations. It is an independent feeling arises from within and is purely unconditional and boundless. Maraming taon ang nagdaan, kung kailan alam mong naka-moved on ka na saka naman muling mag-krus ang...