Bringing Up The Past

514 30 6
                                    

DESDE ENTONCES, HASTA AHORA
(Mula Noon, Hanggang Ngayon)
Written by: Yeshameen Brejente


KABANATA 4 "Bringing Up The Past"

HINDI pa rin makapaniwala si Alexandria na kaharap niya ngayon si Idrianne, at kaharap na din nito si Nathaniel. Ang bunga ng birthday gift niya rito, noon. Gusto niyang magsalita at nais niyang magtanong, subalit kahit isang salita walang lumalabas mula sa kanyang bibig.

Gwapong-gwapo pa rin ang lalaking ito. Walang pinagbago at mukhang masaya sa piling ng napangasawa nito. Pero, habang nakatitig siya rito? Nanumbalik ang lahat ng sakit na dulot nito noon sa kanya bagay na biglang nagpaluha sa sarili, ngunit mabilis siyang tumalikod kay Idrianne saka nagpunas ng sariling luha. Narinig niya ang hakbang ni Idrianne tungo sa kanyang kinaroroonan.

"Pwede ko kayong itira ng anak mo sa bakante kong rest house sa Manila. You can stay there till you find a new shelter." He offers.

"Nakakahiya, Idrianne." Tugon niya rito saka humarap kay Idrianne. "Nathaniel, pakilagay na muna ng kape sa mesa. Tapos iwan mo muna kami, 'nak."

"Opo, Ma." Tugon ni Nathaniel at nang magkasalubong ang mga mata nila ni Idrianne ay ngumiti ito sa kanya. "Sir, magkape ho kayo." Tinanguan siya ni Idrianne at nang mapadaan sa tabi niya'y ginulo niya ang buhok nito.

"Don't be. After all, may pinagsamahan naman tayo noon. We can be friends, right?" nakangiting wika ni Idrianne. Hindi maiwasan ni Alexandria na mapatingin sa kakisigang taglay ng lalaking minsan minahal niya, hindi pa rin ito nagbabago at mukhang mas masaya ito sa buhay niya ngayon, keysa noon.

"Bakit ka napadpad dito sa Santa Maria?" she asks instead of answering him.

"Nabili naming mag-asawa ang Asukarera dito mismo sa Sta. Maria. We can stay in the hotel everytime we get here to check the Company." Tugon ni Idrianne saka naupo sa bakanteng silya at kinuha ang tasa ng kape saka niya ito inamoy saka siya uminom. "But, the inns are located in the City which is two hours of driving. I can't be late, for me time is gold."

"At nagkataong kailangan kong ibenta ang bahay na 'to." Nalulungkot na wika ni Alexandria at tumingin sa labas ng bakuran.

"I'm sure maraming sentimental value ang nabuo niyo ni Jefferson dito." Sabi ni Idrianne at muling sumimsim ng kape. "Namana yata saiyo ng anak mo ang masarap na timpla ng kape. Such a responsible child. Ilang taon na ba siya?"

"Idrianne, talaga bang bibilhin mo ang lupa't bahay na 'to?" aniyang naniniguro dahil bukas na ang palugit na ibinigay ng mataas na Barangay officials at mga pulis sa kanya upang bayaran ang lahat ng pagkakautang na naiwan ni Jefferson.

"Yes." Tugon nito saka muling tumayo at tinignan nang maayos ang mga kisame, dingding at maging ang pintura nitong napakalamig sa mata.

"Handa mong bayaran ang presyo na 'yon na walang tawad?" ani Alexandria.

"Pwede ba akong tumawad?" balik tanong ni Idrianne sa kanya. "May trabaho ka ba?" sa tanong na 'yon ni Adrianne sa kanya'y bigla siyang nanliit sa sarili. Ngunit ano ba ang masama kung isa siyang kasambahay? Marangal naman ang trabahong 'yon. But, to tell it to your ex boyfriend, seems really awkward. Lalo pa't mas maganda ngayon ang buhay nito.

"Isa akong kasambahay." Aniyang pilit na itinaas ang noo upang huwag ikahiya rito ang trabaho niya. Hindi naman mapakaniwala si Idrianne sa narinig. Maaaring hindi nakapagtapos ng kolehiyo si Alexandria, subalit matalino ito. Hindi tuloy alam ni Idrianne kung paano mag-react sa narinig. Kung maaawa ba dito o maging proud! "Noong mag-asawa pa kami ni Jefferson, sobrang sinanay niya ako nang walang ibang aasikasuhin kundi si Nathaniel. Hindi ako kailanman nagtrabaho, kaya heto at walang experience sa ibang trabaho kaya di na ako nag-abalang mag-apply sa iba."

Desde Entonces, Hasta AhoraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon