DESDE ENTONCES, HASTA AHORA
(Mula Noon, Hanggang Ngayon)
Written by: Yeshameen Brejente
Mini-NovelKABANATA 2
MAG-IISANG buwan na ring hindi umuuwi si Jefferson sa bahay nilang mag-asawa. Kung saan-saan na rin siyang sinubukang hanapin ni Alexandria. Ngunit sadyang kayhirap hanapin ang taong tila ay pinagtataguan ka. Walang trabaho si Alexandria, simula nang maikasal sila ni Jefferson ay hindi na siya pumasok sa dating Company na pinagtatrabahuhan niya. But, it's different this time. Hindi na umuwi pa ang padre de familia, paubos na rin ang grocery items nilang mag-ina.
"Nathaniel, anak pasensya ka na kay Mama ha?" emosyonal na wika ni Alexandria sa anak na kumakain ng lugaw. "Patawarin mo 'ko kung yan lang ang nakahanda sa hapag."
"Mama, sapat na po ito. Sa paghihirap nating 'to alam ko pong mas maraming tao pa ang mas nahihirapan keysa sa ating pinagdadaanan. Yung ibang tao po, walang-wala na po talaga. Pero tayo? May maayos pa ho tayong tirahan." Tugon ni Nathaniel saka pinahid ang mga luha ng ina gamit ang kanyang mga munting palad. Lalong napaluha si Alexandria kaya pinupog niyanng halik ang kanyang anak.
"Napakaswerte ko't ikaw ang naging anak ko. Sa tuwing nahihirapan ako, basta't kasama kita wala akong hindi nakakayanan.
Salamat anak." Luhaang saad ni Alexandria saka niyakap nang mahigpit ang bata."Mama, hindi na po ba babalik sa atin si Papa? Hindi na ba niya tayo mahal?" Nathaniel asks.
"Shh, mahal na mahal tayo ng Papa mo. Anak, tandaan mo kahit kailan hinding-hindi tayo iiwan ni Papa. Babalik 'yon sa atin, naghahanap lang 'yon ng trabaho para maibigay sa atin ang mga pangangailangan natin." Alo ni Alexandria sa anak upang hindi ito magalit kay Jefferson.
"Pero, Mama - " kontra ni Nathaniel. "Mama, nakita ko po si Papa kanina. May kasama siyang babae."
"Nathaniel, hindi kita pinalaking sinungaling. Alam kong mayroong pagkukulang ang Papa mo saiyo, pero hindi ibig sabihin no'n pwede ka nang mag-imbento ng kwento!" aniya sa bata. Dahil ang totoo'y may kutob na siya ngunit ayaw niyang masaktan.
"Mama, hindi naman po ako nagsisinungaling. Talaga naman pong nakita ko si Papa - " aniya ngunit biglang tinakpan ni Alexandria ang bibig nito gamit ang isa niyang palad.
"Anak, baka naman ka-trabaho 'yon ng Papa mo." Depensa ni Alexandria. "Alam mo ikaw? Tingin ko, kailangan mo pang kumain ng mas maraming lugaw. Kung anu-ano na kasi ang guni-guni mo." Aniya saka dinagdagan pa ang lugaw ng anak sa pinggan nito. Ngunit nang siya'y makatalikod mula sa anak ay saka lamang siyang napahagulgol. Inaasahan na niya ang bagay na 'yon pero nasasaktan pa rin siya. Kung pwede niya lang sanang isipin na sana ay naghahanap lamang ng hanapbuhay si Jefferson, iyon na lang sana ang iisipin niya. "Ang sakit-sakit isipin, Jeff. Bakit gano'n? Bakit umabot na tayo sa ganito?" piping usal niya sa sarili saka napahawak sa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib.
Nasa opisina naman ngayon si Idrianne. Medyo naging abala siya sa kanyang trabaho. Mababakas pa rin ang mga ngiti sa kanyang mga labi habang naiisip ang magandang balita na bigay ni Maria Isabelle sa kanya. Ang pagbubuntis nito. That news really moves him. Ngunit, ngayong nag-iisa na naman siya hindi niya mapigilan ang sarili na maisip si Alexandria.
"Kumusta ka na kaya ngayon, Alexa? Ano na nga kaya ang nangyari saiyo? Well, I guess your marriage work. May mga anak ka na nga kaya?" he asks himself, habang nakatayo paharap sa bintana ng kanyang opisina. Walang oras ang nagdaan upang hindi niya ito maisip. Lalo pa't alam niyang wala man lang silang formal closure noon.
Napabuntong-hininga siya nang muling maupo sa kanyang swivel chair at isinandal ang ulo sa headrest nito. Pumikit siya, pilit na inaalala ang gunita ng nakaraan.
BINABASA MO ANG
Desde Entonces, Hasta Ahora
RomanceLove does not need a tag of restrictions and Limitations. It is an independent feeling arises from within and is purely unconditional and boundless. Maraming taon ang nagdaan, kung kailan alam mong naka-moved on ka na saka naman muling mag-krus ang...