i. first encounter

38 2 0
                                    

J A C E

"Oo sabi pa ni Trace 'mababaog kana Devan!' Hahahah!" tawang tawa naman 'to si Devan, siraulo ang gags. Nibreak nanaman niya kasi yung isang linggong babae niya.

"Tawa ka pa g*go 'pag yon binalingan ka tanga mo, tawanan ka lang namin." hype na hype na sabi ni Ravie. 'Pag talaga yan binugbog ng kuya ni Trace makikisuntok din ako sa kanya.

"'De bayaan niyo yan! Bobo e." sabi naman ni Maxx sabay buga ng vape.

"Sus! Pagpustahan dapat mga ganyang bagay! Ano? Limangdaan bawat bugbog kay Devan?" sawsaw naman ni Jackson habang kumakain ng mani.

"Call! For this big craphead, Devan Rez Cruz? Why not?" kunot-noong tugon naman ni Vaughn sabay batok ni Devan sa ulo neto.

"Tang*na niyo pinagpustahan niyo pa, e kung sakalin ko kayo ta'niyo!" angal ni Devan. Tawa kaming lahat, pagkatapos ng kabalastugan at inuman umalis na kami at kanya kanyang buhay na ulit. Sumakay na 'ko sa Ford Mustang kong convertible.

Nagdrive ako patungo sa MC at bumili ng pagkain para may ipang salubong sa nanay ko.


"Good Afternoon Sir!" bati sa'kin ng isang nars na kakalabas lang sa kwarto ng nanay ko, na nakaconfine sa MC.

"Gising ba siya?"

"Sir inatake nanaman po e. Siguro mamaya nalang po kayo pumasok." eto nanaman tayo. May sakit na cervical cancer si Mama, matagal na 'to nadetect at napa chemo narin siya. Pero tulad ng ibang nattherapy may mga side effects. Lagi siyang may nararamdamang sakit sa bandang puson niya, lalo siyang pumapayat at nagiging mainitin ulo paminsan minsan. Kahit ganon kalagayan ni Mama, 'di namin siya pinababayaan ni Ate Hailee. Kung di ba naman kasi isa't kalahating ungas tatay ko na nang iwan samin, 'di lalala si Mama ng ganito.

"Tinawagan niyo ba si Hailee tungkol sa therapy?" tanong ko kay Fernan.

"Opo Sir, sinabihan na po namin si Mam Hailee at sinabi niyang mamaya siya pupunta pagkatapos ng opening ng H.J Coffee sa SM. Sir.. siguro po sabay nalang kayo ni Mam Hailee para medyo maayos na rin si Ma'am Miranda sa loob pagkatapos non." tugon niya.

"Oo sige. Salamat Fernan, maaasahan talaga kita." sabay tapik ko sa likuran niya at saka naman siyang tumango sakin. Doon nalang muna siguro ako sa lobby at hihintayin yung maangas kong kapatid. Anong gagawin ko? Tagal pa naman nong babaeng 'yon.

Ayon! Kung bisitahin ko kaya si Tita Ellie? De Luxe Private Room No. 106? Do'n pa ba siya? Ewan, pero sige do'n punta 'ko ngayon.

Papalapit pa lang ako ng kwarto ni Tita pero parang may iba na. Ba't parang walang tao? Kadalasan nandito yung mga mongoloid para bisitahin si Tita Ellie. Yung mga bunganga pa naman nung mga ungas na yon parang nakalunlon nang sandamukal na mikropono. Pagkapasok ko sa loob iba yung nagpakita sa'kin. Iba sa inaasahan 'ko. 'Di ko siya kilala o kaano-ano. Kung tatantyahin kasing edaran namin siya nila Jackson. Babae, may dextrose na naka-kabit patungo sa kamay niya, may oxygen tank, payat at sobrang tamlay ng itsura.

Nilapitan ko siya, siguro dahil nagtaka ako kung bakit anong meron sa kanya? Walang espesyal pero parang may naramdaman ako. Siguro awa? O ano? Siguro nga awa dahil sa gan'tong edad nararanasan niya yung ganitong bagay. Paalis na ako nang biglang tinawag ako ng isang nurse na nagbabantay sa ward niya.

"Sir! Buti nalang nakadalaw po kayo kay Mam Kat." Hinihingal ngunit nakangiting sambit niya sakin. Teka dalaw? 'Di ako kaano-ano neto. Makaalis na nga. Naglakad na ko ng dere-deretso pero dahil makulit 'tong isang 'to,

"Ay sir sandali lang po! Tatanong ko lang po kung kaano-ano kayo ni Mam Katarina? Tagal na rin pong walang nakakadalaw sa kanya e. Sensya na po kung ganito ang reaksyon ko ah. Kapatid ka po ba niya?" aalis na ako. Yon ang plano ko, paano 'to?

Umiling ako sabay nag umpisang magsalita "Ah hin-"

"Marie! Emergency!" tawag sa kanya ng isang nurse. "Ay sige po!" sabay baling sakin "Sir sige po mamaya ko nalang po kayo kukuhanan ng information. Pasensya na ho." Sabay takbo niya papunta sa isang ward.


Sa sobrang pag iisip ko dumeretso nalang ako sa lobby at naghintay sa pagdating ng kapatid ko habang kinakain ang tinapay na nabili ko kanina na para sana kay Mama.

Altered [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon