J A C E
Sobrang sakit sa katawan nung tumayo ako. Tumigil na si Jaile sa pambubugbog sakin pero binebelatan niya parin ako. Hayop 'to. Wala talaga siyang kwentang kapatid!
"Jaile, bakit kaba kasi nasa ilalim ng kama ko?" tanong ni mama sa gorilla-ng nasa harapan ko.
"Tinaguan ko lang si Jace mama! Alam mo bang muntik niya na 'kong saktan." para namang kakatayin ko siya. Sarap hilahin ng nguso niya tas gawing goma yon tapos ipangpitik sa mukha niyang nakakairita. Nagpapaawa nanaman 'to kay mama e. Langya ako nanaman deadbol kay Mama neto! JAILEEEEE!
"Diba sinabi ko sayo Hudren Jace na dapat galangin mo ang ate Jaile mo? Ano nanaman 'tong pang aasar na ginagawa mo?" pota sabi na e. Lagot ka talaga sakin mamaya Jaileng.
"Tsaka Jaile akala ko ba nasa coffee shop ka. Sino nagmamanage don ngayon?" tanong ni mama kay Jaile. Halata namang tumakas lang siya don e tapos dinahilan niyang dadalawin niya si mama. Ayaw na ayaw kasi ni Jaile na siya ang kumakausap sa staff. Mahiyain siya, 'di lang halata. Pangit niya kasi.
"Eh ma diba sinabi ko sayo dadalawin kita. Oh look, here I am! Tsaka I've set that thing to Claire na. Wala naman siyang masyadong gagawin doon kaya oks na yon."
"Sus ayaw mo lang nama-" tngna binusalan ako ng panyo sa bibig. Hinampas ko nga kamay niya. Pampam talaga 'tong gorillang 'to.
"Isa! Jaile tanggalin mo na yan. Jace tama na wag mo saktan ate mo. Lumabas nalang nga kayo. Naistress lang ako lalo. Ginising niyo lang ako para ipakita nanaman kaaraan niyo." Saway ni mama samin. Ang galeng talaga ni Jaile mang asar, nagawa pang mamingot ng tenga bago lumabas ng kwarto ng inay.
Lalabas na sana ako ng bigla akong may maalala.
"Ay onga pala Ma may tatanong ako. Nakalabas naba si tita Ellie sa ospital na 'to?" naalala ko kasi yung babaeng nakita ko don. Kat.. Kathryn ba pangalan non? Hindi ata e, Katrina siguro. O Catherine? Ewan ko sa kanya.
"Ang alam ko oo. Dumaan nung isang araw sila Jackson dito, at sinabi ngang uuwi na ang Tita Ellie mo. Bakit pinuntahan mo ba ward niya, nak?"
"Oo ma. Kanina. Iba naman nakita ko don. Kala ko nga maling kwarto napuntahan ko e." napahawak ako sa batok ko habang nagpapaliwanag. Nilapitan ko si Mama para magpaalam at nag iwan ng isang halik sa kanyang pisngi. "Pagaling kana ma. Love you. Alis na ho ako." sabay tungo sa pintuan.
Pinag iisipan ko kung dadaan ba ulit ako sa Wing na pinuntahan ko kanina. Gusto kong malaman kalagayan nung babaeng nandon.
Pero bat ba kasi ako namomoblema sa babaeng yon. Wala naman akong pake dapat diba. Malay ko ba sa buhay niya. Makauwi na nga lang. Pagod na ko, tapos naman na rin pagbisita ko rito.
Third Person's P.O.V
"Haynako Mam Katarina. Akala ko nobyo mo na yong poging lalaki kanina e. Sayang di mo siya nakita. Dinalaw ka niya, naramdaman mo ba yon? Siguro close friend mo siya ano? O baka Kuya mo po? Hay. Gising kana Mam Kat! Ang dami ko pang kailangang malaman sa buhay mo." nag iwan na lamang ng napakatamis na ngiti ang nars na nagbabantay sa private room na kinalalagyan ni Katarina. Kahit pa siya'y nalulungkot, pinipili niya pa ring maging matatag para sa dalagang matagal na niyang inaalagaan.
Mahigit dalawang taon nang nakaratay si Katarina sa higaang saksi sa kanyang paghihirap at sakit na naramdaman ng halos ilang buwan. Hanggang ngayon hindi pa rin siya tinadhanang mamulat ang mga matang matagal nang 'di nasisikatan ng araw.
BINABASA MO ANG
Altered [Under Revision]
Romance"No one can change a person, but a person can be the reason someone changes." || novel || © 2016 ||