ii. j and j

39 2 1
                                    


"I want you to handle this place for a while and talk to those people who help us, okay? I'll just check my mom. Call me if you need anything. A'right Clare?" anang Hailee sa kanyang assistant. Kakatapos lang nang opening ng bagong stall niya na itinayo sa SM Makati. Iniwan niya muna ito sa kanyang assistant upang makadalaw sa ina.


"Catch, Ma'am Jaile!" tugon naman ng kanyang assistant na malawak ang ngiti.




Dumeretso sa MC si Hailee at ipinarada ang sasakyan. Sakto namang nakinit-mata niya ang kanyang kapatid na kumakain ng tinapay.


"REN!" tawag niya sa kanyang kapatid. Lumapit siya at binigyan ito ng isang napakalakas na suntok sa kanang balikat ng binata.


"PU-!"


"AH AH AH! Ano?!"



"WALA! Badtrip! Tagal mo! Mauubos ko na 'to. Wala ka bang pagkain diyan?" nakakunot noo'ng tanong ni Jace sa kanyang kapatid.


"I have! Some brewed coffee. You want, bruh?" alok nito.



"Ayoko niyan!" iritableng baling ng binata. "Gusto ko pagkain, 'di inumin. Ge bibili nalang ako sa food sec." saktong papatayo na ang binata ng hilahin siya ng kanyang kapatid at tinapalan ng cupcake sa mukha. Kumalat ang icing sa bandang ilong ni Jace.



"WHAT THE FVCK?! JAILEEEEEEEEEE!!!!!" kumaripas naman ng takbo si Hailee papunta sa kwarto ng kanilang ina.

J A C E

Bano talaga 'yon!

Hinabol ko ang magaling kong ateng mukhang Annabelle hanggang sa kwarto ni Mama.

Naiirita na nga ako sa titig ng mga nars at pasyente sa ospital na 'to e. Halatang pinagtatawanan na ang itsura ko ngayong mukhang busabos! Lintek talaga 'yang Hailee Jaile na 'yan sa'kin.

Nahagip ng mata kong nagtago s'ya sa ilalim ng kama ni Mama. Siraulo talaga 'to. 'Pag yan nabatukan ni Mama dahil sa panggigising niya, tatawa talaga 'ko.

"Labas na. Bala ka, sure ball ka nanaman kay Mama niyan, Jaile." panakot ko sa kanya.


"Sige nga punta ka nga dito sa ilalim." ganti niya naman sa'kin. 'Ba! Ayos 'to ah!


Hinila ko yung paa niya sa ilalim sabay daing niya naman habang sumisipa. Naknang tinamaan tuloy ako sa binti!


"Kala mo ah!" bulong ko sabay luhod at sinilip siya sa ilalim. Kiniliti ko siya para tuluyan siyang makalabas sa lungga niya. 'Di parin nagpaawat, hineadlock niya pa 'ko gamit ang kaliwang braso niya. Masokistang babae 'to, pre!



Puta nasasakal na 'ko! Lord ipinagkakatiwala ko na po itong kapatid ko sa inyo! AYOKO PANG MAMATAY!


"Ano? ANO? LABAN? Hahahahhahah" pang aasar niya sa akin. "Wawa naman Jace! Alright! Rousey' in the House!!!" sigaw niya habang kumakampay ang kanang kamay niya sa ere. Ako naman panay ang palo ng palad sa braso niya at sa sahig, hudyat ng pagsuko 'ko sa kawalang hiyaan ng kapatid 'ko.




"Jace, Jaile? Jusko!" napatigil nalang ang kapatid ko ng biglang may umalingawngaw na sigaw ng isang babae.





SA WAKAS INAAAA!!!!!

Altered [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon