iv. glance

2 1 0
                                    


Third Person's P.O.V

Dahan dahang iminumulat ng dalaga ang kanyang mata matapos ang mahigit dalawang taon nitong pamamahinga sa ospital na kanyang nilalagian.

Sinusubukan nitong igalaw ang kanyang katawan ngunit hindi niya ito naabot, tanging sa mga daliri ng kanyang kamay na lamang siya dumidepende. Nagawa niya naman ito.

Iminulat niya ang kanyang kaliwang mata saka sinundan ng kanang parte nito. Tila isang napakalabong paligid ang kanyang natanaw. Ipinikit niya ulit ang kanyang mga mata at sinubukang ikurap kurap ito.
Muli siyang dumilat at tinanaw ang kanang parte ng kanyang kwarto. Nakita niya ang mga bulaklak, pagkain at iba pang kagamitan sa bandang ito.

Nabaling naman sa kabilang dako ang kanyang paningin at natagpuan niya ang isang malaking oxygen tank at nakasabit na dextrose sa stall.

Napatigil ang kanyang paningin sa gumagalaw na makina, naririnig niya ang bawat tunog nito na para bang alarm clock na pinabagal ang phasing.

Toot—toot—toot—toot

rinig niyang ritmo nito.


Naluha siya sa hindi niya malamang dahilan. Samu't saring karanasan na ang naghalo halo at umatake sa kanya. Sa sobrang bigat, siguro'y napalitan na lamang ito nang isang tipon ng luha na naglalaman ng mapait na kinahitnatnan niya.

J A C E

Nagsisisi na kong isinabay ko ang isang isinumpang manika sa loob ng sasakyan ko. 'Di nagpaawat yung Chuckie doll na kasama ko. Binuksan ko kasi ang audio na kumokonekta sa telepono ko saka nagpatugtog ng ilang kanta ng The Script.

Nakikisabay ang killer doll na kasama ko habang tumutugtog ang mga kanta ng paborito naming banda ng katabi ko ngayon. Ang ingay niya, nakakahiyang kasama. Rinig na rinig din ang kanyang mga birit na puros piyok lang ang kinahinatnan.

Natatawa nalang ako habang nagmamaneho. Ang sarap panoorin ng kapatid ko habang nababaliw at nagiging gorilla nanaman.

Bigla na lamang tumikom ang kanyang bibig nang tumunog ang telepono sa loob ng bag niya na ngayo'y nakapatong sa kanyang hita.

"Yes, Marie?" rinig kong tugon niya sa kabilang linya matapos niyang sagutin ang tawag.

Napansin kong naging seryoso ang mukha ng ate ko habang kausap yung Marie na yon. Sumusulyap sulyap ako habang nagda-drive ngayon at nakikinig naman siya ng maigi sa sinasabi ng kanyang kausap.

Teka nga! 'Di ako sanay na ganto siya. Ano bang problema? Hindi na ko nakatiis at bigla na lamang napatanong ng..

"Ano raw 'yan ate?" Bigla naman siyang nag shh sakin kaya sinarado ko nalang ang bibig ko at tumingin ng diretso sa kalsada.

"Okay sige pupunta na ko diyan. Tatawagan ko nalang din agad si Dra. Pacheco kung ano na ang kondisyon niya. Basta 'wag mo iiwan si Kat diyan ha!" Paalala ni ate sa kausap niya. 'Di ko sila maintindihan kaya tumahimik na muna ako baka importanteng bagay pala yon tapos mag loko loko pa ko bigla. May lugar naman kami ng ate ko sa seryosong bagay at mga kalokohan.

Ibinaba na ni ate Jaile ang tawag at biglang humarap sa akin.

"Jace, please, bumalik tayo sa MC, may kailangan lang akong balikan. Kahit ibaba mo nalang ako at huwag nang ihatid sa loob." aniya

"Teka sino ba yon? Seryoso natin ah. Kay Mama ba 'yon?" sa wakas nalabas ko rin pagkatapos ng ilang minuto na pananahimik.

"Basta sa kakilala ko 'yon. Huwag kang mag alala 'di naman si Mama yon. Okay si Mama ngayon." sagot niya sa tanong ko.

"Okay." simpleng sagot ko sabay u-turn sa kalsada pabalik sa MC.



Nakarating kami sa MC ng mabilis dahil nararamdaman kong importante ang lakad ni ate.

"Ihatid na kita sa loob Jaile." offer ko

"Hindi na Jace. Mauna kana sa bahay susunod ako. Maaga ka pa magbabantay kay Mama, remember? Ayusin mo nalang mga kailangan niya." parang nanay ko ah. Ano ba 'to?!

"Salamat love you!" hype na hype niyang paalam at nag flying kiss pa sakin sabay takbo papasok sa loob.


Ilang segundo na ang nakalipas at hindi pa rin ako nakakaalis. 'Di ako mapirmi rito sa pwesto ko kaya naisipan ko na sundan si ate Jaile sa loob.

Pumasok ako sa loob at sinundan siya matapos ko maiparada yung convertible.


Nakita 'kong may nagkakagulo ron sa room na tanda ko'y pinaglagian ni Tita Ellie noon. Eto yung nabanggit ko kay Mama kanina!

Sumilip ako pero 'di ko naman mahagilap si ate Jaile sa loob. Siguro 'di naman siya rito tumungo. Hindi naman namin yan kilala e. Teka nga!

Ayan yung babaeng nakita ko kanina ah! Nanatili lang akong nakasilip doon habang nagkakagulo ang ilang nurse at doktor sa loob.



Napatigil lang ako bigla ng nahawi ang tao sa harap ng pasyenteng nakahiga roon at nakita ko siyang..


nakatingin sa akin ng diretso.



Dug dug.. dug dug.. dug dug..









Tang'nang— anong tunog 'yon?!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 01, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Altered [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon