napapadalas na yung pagsasama namin. hindi naman niya ako pinapabayaan pero nakakainis na kasi minsan. hindi siya pumapasok kasi naglalaro siya ng DOTA kung minsan naman nakikisugal. ako naman nakiki ride on. pero atleast tapos na klase ko. minsan nga nanalo kami ng 3k eh :D pero hindi lang naman saaming 2 yun. saming 3 yun nila revan
* si revan yung nakilala kong kabigan niya na sobrang maingay. hindi siya mahilig sa babae. basta kung sino ang dumating, yun na. minsan na din siyang na broken heart sagad. panloloko and everything. naging close ko siya kasi naging mabait siya saakin. sa kanya ko sinasabi lahat. lahat ng nangyayari saamin ni niel. as in lahat. magaling siyang mag advice sobra. kaya ako napalapit din sa kanya. malaki tiwala ko sa kanya. alam kong safe lahat ng sinasabi ko sa kanya. tinuring ko na din siyang BESTFRIEND.
isang taon na ang nakalipas ay close pa rin kami ni revan. minsan ko lang siya maka tx pero masaya ako pag nakakatz ko siya . ang daldal kasi niya. minsan nga biniro ko siya sa classmate kong si dayanara . nagkatx naman sila, hindi ko alam kung nanligaw si revan sa kanya. BITTER kasi si dayan haha . wala pa yatang nag tatagal na lalaki sa kanya. may ideal man siyang hinahanap pero hindi niya yon mahanap hanap . ewan ko ba sa kanya. choosy pa siya.
tapos yon hindi ko na alam kung ano na nangrayi sa kanilang dalawa ni revan :)
magkasama kami ngayon ni kenzie sa shop. as usual nagdodota nanaman yun. hinahayaan ko nlng kasi ayaw ko namang masakal siya. kahit naiinis na talaga ako :D
nanonood kami ni ate mitch ng hindi ko alam yung title. ayun lang ginagawa ko, tapos mag haharvest at magtatanim sa FARMVILLE 2. pero nung may cheat na nawalan na ako ng gana mag laro haha. ginagawa ko yon tuwing hinihintay ko si kenzie pag may klase pa siya.
bumukas yung pinto, tinignan ko kung sya na hindi pa rin. ang tagal ng oras ng pag labas nya ngayon. hindi naman din sya nag text, baka nakalimutan na nyang hinihintay ko sya. noong pang benteng bukas ng pinto pumasok si revan, tinanong ko kung nasan si ken, sabi nya hindi nya alam. napa buntong hinga na lang ako. nagugutom na rin ako, wala parin sya. bakit ba lagi na lang nya ako pinag hihintay.
*bumukas ang pinto, pero nasa comfort room ako.
"ate mitch nasan si Alae?" si kenzie na yun
"nako. wala na umalis na, aba e kanina ka pa hinhintay nun. naka ilang movie na nga kami kanina pa nya ako niyayaya kumain kasi nagugutom na daw, magutom kakahintay sayo" sabi ni ate, rinig ko hanggang cr.
nasa pinto na ko ng cr nag tatago. ng bigla syang nagsalita
"may quiz kasi kami kanina, hindi ko naman na kasi natx kasi nawalan na din ako ng load, galit nanaman yun sakin. sinamahan mo nalang sana kumain ate, iinom pa ng gamo..."
"hiindi na kailangan.. kumain na ako mag isa. ang tagal tagal mo. kanina pa ko nag hihintay, kanina pa nag teteks si mama na umuwi na ako, pero sabi ko wait lang kasi hinihintay pa kita, kasi sabi mo hintayin kita at kakain tayo." nag iiba na mood ko. parang gusto ko na mag walk out.
"bhaby sorry na. promise sa susunod babawi ako."
"tara na uwi na tayo."
nag tricy na kami pauwi, ayoko mag lakad kasi nababadtrip na ako.
"bhaby...."
"bhyyyyyy"
"bhabyyyyyyyy....." ang kulit nya habang nasa loob na kmi ng tricy.
"oh." yun lang nasabi ko
"sorry na po please?"
"sorry? yan lang? pinag hintay mo ko ng matagal tapos yan lang?
"sorry na, may quiz kasi kami tapos nag laps na din yung unli ko."
"pwede ka namang makitx sa mga bestfriend mong babae diba? bakit hindi mo ginawa?"
"sorry na, hindi ko po naisip" hinawakan nya kamay ko pero nilayo ko, alam ko napapahiya na sya sa inaasal ko, pero hindi ko kasi mapigil yung galit ko.
"sorry na bhaby please?" hinawakan nanaman nya kamay ko tapos hinalikan. sabay sabing "kamay ng tamad. hahaha. ang lambot ah" sinusubukan nya ako patawanin pero di kasi umuubra. nasa bahay na kami, bumaba na ako, bumaba rin sya.
"oh bakit pati ikaw bumaba? dun ka sa pinaroc naka tira hindi dit...." hindi ko na natapos yung mga sasabibihin ko kasi nagulat ako niyakap nya ako. tapos parang biglang nawala na yung galit ko. sabi ko sakanya "umuwi ka na, hahanapin ka na ng nanay mo" pero nagulat ako nung sinabi nyang " ok lang, sanay na akong mapagalitan, hindi pa kasi tayo bati kaya hindi pa ako uuwi"
"umuwi ka na" sabi ko.
"nooo. ayaw ko muna. dito lang ako hanggang sabihin mong bati na tayo." sabi nya, sa loob loob ko natatawa na ako pero di ko lang pinapahalata kasi gusto ko pang lambingin nya ako.
"e di sige, jan ka na. papasok na ako" kunwaring sabing ko papasok na ko pinto nung paalis na sya. umalis din sya. alam ko kanina ko pa sya nasasaktan, bumalik ako sa labas tapos tinawag ko pangalan nya
"kenzie!!!!!!!!!!!" lumingon sya at lumapit ako sakanya hindi pa naman sya ganun kalayo.
"sorry. I act like a kid a while ago. im sorry. im just pissed off" sabi ko.
niyakap nya ako at sinabing "ok lang bhabykoo, naiintindihan ko galit mo. sana ok na tayo." napatango lang ako.
"pasok ka na." sabi nya. tumango lang ako tapos hinalikan ko sya sa pisnge. e hindi ko abot kaya kinailangan ko pang tumiklay. hahahahaha.
