42

39.1K 712 9
                                    


Ilan linggo na din ang Lumipas, nasa pangatlong Baranggay na kami ngayon sa medical mission mamayang gabi na din dadating ang ilan pang kaibigan ni Mayor na Doctor na tutulong din sa Medical mission. So far naeenjoy ko naman ang ginagawa ko dahil iba't- ibang tao ang natutulungan at nakakasalamuha ko. Mas nagiging malapit din ako sa pamilya ni Mayor at ganun din naman kay Mayor mismo, i count him now as a new friend. 

Pauwi na ko ngayon sa bahay na inuupahan ko galing sa medical mission, hindi kami magkasabay ni Mayor dahil nauna sya umuwi dahil nga may mga bisita syang dadating at ako naman ay dumaan pa sa istasyon para tapusin ang report ko. Naalarma naman ako ng mapansin ko na may mga tao na umaakyat sa bakod ng bahay ko, ipinarada ko sa malayo ang sasakyan ko at dahan- dahan na lumapit sakanila na hindi manlang namalayan ang pag lapit ko.


" Wag kayong kikilos ng masama taas nyo mga kamay nyo at dahan- dahan kayo lumingon dito." uutos ko.


Agad naman sila tumalima at nanlaki pa ang mga mata ng makitang nakatutok sakanila ang baril ko.


" Anong ginagawa nyo dito?" Tanong ko na nakatapat pa din sakanila ang baril ko.


" Ano po kasi e." Halatang natatakot na sabi nito.


" Ano?" Tanong nyo.


" Ibaba mo na yang baril mo, wala kaming balak na nakawan ka." Sabi ng isang binata na lumabas sa gate ng bahay ko.


Ibinaba ko naman agad ang baril ko ng mapagtanto ko sino ang mga kabataan na nagtangka pumasok sa loob ng bakuran ko.


" Ano naman ginagwa nyo dito? Gaganti ka kasi napagalitan ka ni Vice?"  Sarkastikong sabi ko.


Ang anak nga ni Vice mayor kasama ang mga barkada nya ang nagtangkang umakyat sa bakod ko.


Ngumiti lang ito, ngiti na walang halo ng pang iinis o ano pa man, kaya napakunot ang noo ko.


" Sagot." Sabi ko.


" Init naman ng ulo mo, dito muna ko titira sa bahay mo." Sagot nito.


" Sabi ni?" tanong ko.


" Sabi ko." Sagot nito noon ko naman na pansin na may mga dalang malalaking backpack pala ang bawat isa sakanila.


Tiningnan ko naman ang mga kasamahan nya, na nakababa na sa pagkakaakyat.


" Ano magcacamping kayo sa bahay ko? Buksan nyo nga yang mga dala nyo mamaya kung ano pang kalokohan gawin nyo malilintikan talaga kayo sakin." Sabi ko.


Dali- dali naman binuksan ng mga ito ang mga bag na dala.


" Wala po chief. gamit lang po to." sabi ng isa.


" Hindi ako kasing sama ng iniisip mo. Hindi kita gagantihan, Makikitira lang ako sayo." Sabi ng anak ni Vice mayor.

Accidentally MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon