60

44K 767 72
                                    

*** Maria Julia ***

Wala na yatang mas sasarap pa sa pakiramdam na kayakap mo ang taong mahal mo.

Lahat ng bakit, lahat ng takot, lahat ng galit at lahat ng bigat sa dibdib ko naglaho na parang bula.

" What are you thinking bakit nakangiti ka? " Tanong ni Ken at subsob sa may leeg ko.

Nakahiga na kami ngayon dito sa kwartong tinutuluyan ko sa Baranggay Paraiso, iniwanan na namin ang mga kasama namin na nag iinuman pa.

" Nakangiti ka dyan! " Deny ko.

" Kinikilig ka no? " panunukso nya .

" Kanino sayo? Bakit gwapo ka ba? " Pang iinis ko sakanya.

" Anong sabi mo? Ako hin............"

Hindi nya na naituloy ang pagsasalita nya ng takpan ko ang bibig nya gamit ang mga labi ko.

" Ang ingay ingay mo e gabi na o' " sabi ko sabay talikod sakanya dahil nakaramdam ako ng hiya dahil sa ginawa ko.

" o bakit nakatalikod ka? harap ka dito. " Pilit nya naman akong hinaharap sakanya pero nagmamatigas ako.

" Ayaw mo ha. " Napatili ako ng impit ng bigla nya kong hilahin patihaya at pumaibabaw sakin.

" Hoy! nababaliw ka nanaman Enrique Marshal, umalis ka nga dyan!" Sabi ko pero di makatangin skanya.

" Not until i did this. " Unti unti naman nyang inilapit ang mukha nya sa mukha ko at napapikit nalang ako hanggang sa maramdaman ko ang pagdampi ng mga labi nya sa labi ko, dampi sa una hanggang sa tuluyan na lumalim.

" I love you so much Maria, for the past 7 years hindi ko alam kung paano ko gigisingin tuwing umaga na wala ka sa tabi ko. I really sorry if i cause you so much pain and suffering. " Sinserong sabi nya na nakatingin pa sa mga mata ko, kitang kita ko dito ang nag uumapaw na pagmamahal para sakin.

" I love you too. Nag uumapaw sa saya ang puso ko na kasama na kita ulit ngayon, napakasarap gumising sa umaga na mukha nyo ni Hunter ang unang kong makikita. " Sabi ko at yumakap sakanya, naramdaman ko nanaman ang pag babadya ng luha sa mga mata ko. But this time it's not cause by pain but by Joy and over flowing Love.

" Naisip ko lang Maria. " Pabitin na sabi nya umalis sya sa ibabaw ko at humiga ulit sa tabi ko, tumagilid naman ako para makita ko sya.

" Ano yun? " takang tanong ko.

humarap naman sya sakin at ngumiti.

" Parang mas masaya kung apat tayo sa bahay, dagdagan na natin si Hunter? " Sabi nya. " Aww." Reklamo nya na humawak pa sa noo nya na pinitik ko.

" Puro ka kamanyakan, matulog na nga tayo maaga pa tayong aalis bukas. Hinahantay tayo ng anak natin. " Sabi ko .

" Ang bayolente mo pa din. tara nga dito. " Hinila nya ko pahiga sa braso nya,

ako naman, dahil tao lang marupok at natutukso din, nagsumiksip pa ko sakanya at yumakap.

" Baby? " Tawag nya sakin.

" Hmm? " Sagot ko.

" Look at me. " Utos nya.

Nag angat naman ako ng Tingin at sinalubong ako ng mga labi nya.

Palalim na ng palalim ang kiss namin nang bigla kaming naphiwalay sa isa't isa ng makarinig kami ng putok.

" It's that a gun? " Nanlalaki ang mata na tanong ni Ken.

Bago pa ko sumagot ay pumutok nanaman.

Agad agad akong napabangon.

" Pumailalim ka sa papag. Wag na wag kang lalabas dyan. " Utos ko at inabutan sya ng isang baril.

Accidentally MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon