44.

35.2K 679 11
                                    

Hindi ko alam kung bakit pero magada ang gising ko ngayong araww na 'to pakiramdam ko walang kayag sumira nito kahit ganu pa kapasaway makaharap ko ngayon. Pakanta kanta pa ko ng bumaba ako ng kotse ko, masyado nga kasing maganda araw ko.

" Goodmorning mam. " bati sakin ng Kasamahan kong pulis na nagbabantay dito sa medical mission.

" Goodmorning din. " nakangiting bati ko.

" Mukhang masaya tayo mam a?" bati sakin ng isang taga munisipyo.

Ngumiti lang naman ako bilang tugon.

" Hinahantay na nga po pala kayo ni Mayor, " sabi pa nito.

" Ayieeee. " Kantyaw naman ng iba pang taga munisipyo na katulong din namin sa medical mission.

" Kaya pala masaya si mam." Kantayaw ng isa.

" tsaka blooming sila ni Mayor." sabi naman ng isa.

" sus. kayo talaga, asan ba si Mayor? " Tanong ko.

" ayyiee." kantyaw ulit nila.

" Maiwan ko na nga kayo dyan, " I was about to leave them and find Mayor when i bump into someone matangkad sya kaya tumama ang noo ko sa balikat nya napasapo naman ako sa mukha ko.

" Im sorry miss, you alright? " Concern na tanong nito na hinawakan pa ko sa kamay para alisin ang nakatakip sa mukha ko na mga kamay ko.

" Yeah, Im sorry too." Nanlaki at napalis naman ang ngiti ko ng mapag sino ko ang kaharap ko, isang tao na hindi ko na ginustong makita kelanman isang tao.

Nabasa ko din naman ang pagkagulat sa mukha nya, agad ko naman binawi ang kamay ko na hawak nya at awtomatikong dumapo ito sa kanang pisngi nya. Napasinghap naman ang mga tao sa paligid namin sa lakas ng sampal ko kay Ken.

" Sorry napalakas yata, may lamok kasi e. " Sarkastikong sabi ko at Iniwan syang nakatulala.

Dumeretso naman ako sa tabi ni Mayor para tulungan sya, pero kahit na abala ko lumilipad naman ang isip ko. Hindi pa din kasi ko makapaniwala na after how many years magkakatagpo nanaman ang mga landas namin.

" MJ gusto mong salbabida?" Tanong ni Mayor.

" Huh?" Takang tanong ko.

" Lalim kasi ng iniisip mo, baka malunod ka. " Nakangiting sabi nito.

Hindi naman ako kumibo, sumimangot lang ako sa kakornihan nya.

" Hahaha. Ano bang problema at kanina ka pa tahimik?"

" Wala."

" sinungaling ka din pala no?"

" Tss. Basta Mayor, Personal."

" Ok, basta pag kailangan mo ng kausap sabihan mo lang ako,"

Napatingin naman ako sakanya at nakita ko ang sinseredad sa mga ngiti nya.

" Thankyou."

Accidentally MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon