Chapter One

125 1 1
                                    

Forever High University~

Section- A kung tawagin. Tinitingala nang lahat dahil sa Class nito. Kinatatakutan nang lahat dahil talagang makapangyarihan ang mga Studyante dito. Bukod sa matalino, mayaman ay magaganda't gwapo pa ang nandito.

Oo, ganun ang tingin nila. Pero mali ang lahat nang 'yun. Isang normal na araw para sa kanilang ito.

"Guys, manahimik daw kayo sabi ni Ma'am! Ano ba!" Sigaw nang President nang klase na si Maeve Santos.

Agad naman nagreklamo ang mga ibang kaklase niya at nagbulungan pa.

"Akala mo kung sino kung makabawal. Bakit? Kapag ba sila binabawal natin?" Bulong ni Rayza Villa Quanta na secretary naman ng Class.

"Oo nga," sang-ayun naman nang mga kaibigan niya.

"Oy, Nathan, ambaho nang utot mo, gago!" Sigaw naman ni Mathew sa kabilang banda habang panay ang tawa niya kasama ang mga kaibigan niya-- kabilang si Nathan.

"Pasalamat kayo, nakaamoy pa kayo nang utot ko. Haha. Sa kamukha ko ba naman si Alden ay napakaswerte niyo!" Mayabang na saad nito na lalong nagpalakas nang tawanan nila.

May tatlong grupo na nabuo not intentionally. Mga Kenkoy, gwapings at mayayabang na mahahangin ang kinabibilangan nina Nathan, Drei, Mathew, Charles at Geoff.

Kikay, Concious sa sarili na babae naman ang ikinabibilangan nina Rayza, Riza at Eunice naman.

At ang pinakahuling grupo ay ang mga Simple, maiingay at masasaya tulad nang mga Normal na Studyante ang ikinabibilangan nina Maeve, Emily, Jane at Lois.

Ang tatlong grupo sa Class na 'to ang bumubuo sa Klase.

"Good morning, Class."

Nagsipag-ayos ang lahat nang biglang dumating ang Science teacher na 'yon. Na pinaka-iinisan nilang teacher na bukod sa pandak at mukha daw itong Duck ay hindi pa ito marunong na Teacher. Talaga namang ayaw na ayaw nila 'to.

"Andyan na si Anadora! Haha!" Pabulong na sabi ni Lois na nagpatawa sa kanilang Grupo. Maiksi kasi ang buhok nito na kasing iksi nang buhok ni Lola Nidora na sikat ngayon na ginaganapan naman nang Artistang si Wally Bayola.

"Okay, class. Before we start our Activity, kindly get your Module."

"Tss. Ayan na naman siya. Hindi pa nga nag-discuss, may Activity na? Wow, ha. Wow lang." Reklamo naman ni Jane.

Lumipas lang ang oras na 'yon at sa wakas, break time na. Makakalabas na sila sa 'Impyernong' lugar na kung tawagin.

Naglakad na ang bawat grupo kasama ang mga kaibigan nila patungong Canteen para makapag-break na.

Habang naglalakad ay bigla naman napatili si Emily. Agad naman nagtaka at pinanliitan nang iba si Emily dahil sa ginawa niya.

"Ano problema mo?" Tanong ni Jane habang tinigtignan nang masama si Emily na ngayon ay nagpipigil nalang nang tili.

"Si Drei, Ohmygee! Ampogi!" Pagpipigil nito sa sobrang kilig.

"Tss. Yun lang pala. Akala ko kung ano na."

"Ambiter mo, Jane! Dyan ka na nga." Sabi nito at nauna nang naglakad. Napailing nalang sila dahil sa dalawa.

---

"Ano ba, Maeve! Galawin mo naman 'yang pagkain mo! Puro ka cellphone." Pagrereklamo ni Lois kay Maeve na ngayon ay busy sa Cellphone.

"May katext 'yan." Sabat ni Jane na sinangayunan naman ni Emily.

"Ihh. Haha." Napatingin silang tatlo sa ngayon ay ngiti-ngiting si Maeve.

"Sino katext mo? Si Fritz ba? Hayss.."

"Ha? Hindi 'no, Lois! Ikaw talaga. Ano pinagsasabi mo."

"Asus! Nag-deny pa ang bata!" Sabat naman ni Jane.

"Hindi nga! Ano ba?!"

Si Fritz ay anak naman nang kilalang Abogado na si Atty. Leonardo Sicat. Gwapo, mabait at kaibigan naman niya sina Nathan.

Nang matapos ang break ay agad na silang nagsipasok sa mga kaniya kaniya nilang Classroom ang mga studyante.

"Good morning, Ma'am!"

"Morning. Kindly prepare One eight sheet of paper." Agad na utos nito.

MAPEH teacher nila. Terror kung titignan, pero may kabaitan naman.

"Write down your name and pass it forward. May Activity/Project kayong gagawin." Anunsyo ni Ma'am Shena.

"Ma'am!" Tawag ni Riza na nagtaas pa nang kamay para mapansin nang Teacher.

"Yes?"

"Is it Individual or groupings?"

"Kaya nga pinag-pass tayo nang One eight at pinasulat ang name natin dahil Individual. Isn't it obvious. Ang slow." Bulong ni Emily pero narinig naman iyon ni Riza.

"Malay mo, iba pala ang purpose nang mga pinagawa ni Ma'am. Is it bad to ask?" Sagot naman nito.

"Really not. Pero common sense naman, oh. Top 2 kung naturingan.. bobo naman."

"Baka ikaw. Hindi ako bobo!" Sigaw nito at akmang susugurin na si Emily pero pinigilan si Riza nang mga kaibigan niya.

"Wag mo na nga s'yang patulan, Riz. Alam mo naman ang mga tao, sa iba pinapasa ang ugali nila." Sabat ni Rayza na nagpainit nang ulo nina Emily.

"Ows, talaga? Baka ganun karin at natamaan ka?" Sagot naman ni Maeve.

"Hindi kaya!" Akmang susugurin naman niya ito nang pinigilan sila nang iba pa nilang kaklasi.

"Enough, Guys! Tama na! Ano ba naman klasing tao kayo?! Para dun lang pinagaawayan niyo?! Mabuti pa, tumigil na kayo at iaannounce ko na ang mga mag-kakagroup."

"Group One, Jela, Keith, Karen, JayR, Seth, Hannah, Grace, Gino, Keila, Macky, Vina and Jian. You'll be having a presentation about happiness."

"And for the group two, Geoff, Rayza, Eunice, Maeve, Nathan, Lois, Mathew, Emily, Jane, Riza and Charles." Nagkatinginan ang lahat nang mabanggit na ang ikalawang grupo.

"Imagination ko lang ba 'yon?"-Lois.

"Shit." - Rayza.

"Ayoko!" - Jane.

"So.. For the group two, you'll have to interview someone o kahit sino pa.. para makuha ang definition nang Love. Wait, wala naman palang exact definition 'to. So, ang gagawin niyo nalang ay mag-iinterview kayo nang maraming taong makakapagbigay sa sariling Description nila sa Love. Is that clear?"

"Yes, Ma'am." Sang-ayon nang iba. Habang bagsak naman ang mukha nang Group two na nabanggit.

"How selfish. Hindi man lang niya iniisip kung paano tayo magiging isang Grupo?" Reklamo ni Maeve.

"I'm pretty sure na walang mangyayari." Sang-ayon din ni Jane.

"May meeting pala kaming mga teachers. So, maiwan ko muna kayo. Bago ko pa makalimutan, you only have one month para gawin itong Project na 'to. Dito nakasalalay ang lahat nang grades niyo. One month is given for all of you dahil magiging busy ang month na 'to kaya binibigyan ko kayo nang chance. That's all. Thank you." Sabi nito at tuluyan nang nilisan ang Classroom. Naiwan namang nakatunganga ang lahat dahil sa nangyari.

One month?! One month with these jerks?! Ugh!

What Is Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon