Epilogue

35 0 0
                                    


Two years had passed. Maraming nangyari. May mga dumating, may mga umalis din.

Yung Presentation? Naging successful 'yun at hindi man kami ang nakakuha sa mataas na grades ay masaya kami at nag-ka ayos ang lahat dahil doon.

Well.. kumustahin naman natin ang mga kaibigan ko. Haha.

Si Lois at Nathan? Kasal na sila ngayon. Buntis nga si Lois sa unang baby nila.

After graduation ay nag-decide na silang magpakasal. Agree naman kasi ako dun. Naging sweet si Nathan at si Lois naman ang masungit, bumaligtad ba? Haha. Well, sabi ni Lois, pinapahirapan niya lang daw si Nathan. Gantihan lang daw.

Si Mathew at Emily? Sino ba ang mag-aakalang magiging sila pala? Oo, sila na. Kasal na din pero wala pang anak. Sa Years na lumipas ay hindi ata lumipas abg araw na hindi sila nag-aasaran. Haha.

Si Jane? Kasalukuyan niyang ginugulgol ang panahon niya kakapunta sa mga Concerts, Meet and Greet nang mga Idol niya. Single parin pero happy naman.

At syempre, ako? Masaya naman kami ni Charles. Oo, kami ang nagkatuluyan bandang huli. One year na siguro simula nung naghiwalay kami ni Fritz.

Busy kasi sa pag-aabogado.

Pero.. joke lang! Haha.

Syempre kami parin ni Fritz at masaya kami sa kung anong meron kami ngayon. Hindi na niya kinuha ang kursong pagaabogado at sinunod nalang ang gusto niya. Payag naman daw ang papa niya.

At ako? Eto.. busy sa mga Photoshoots, Contests at mga Beauty beauty pa.

"Maeve, it's your turn na!" Napalingon ako kay Lois na sigaw nang sigaw. Makasigaw, eh ano?

"Bakit ba?!"

"Kanta ka daw! Dali na! Valentines naman ngayon, ah!" Emily na inis na inis dahil sa kakulitan nang asawa niya. Psh. Mga nagsipag-asawa pa kasi, eh.

"Ba't ako kakanta?"

"Request ni Fritz. Dali na!" Inirapan ko nalang sila. Ano pa ba magagawa ko?

🎶 I'm only One call away~
I'll be there to save the day~
Superman got nothing on me!
🎶

Habang kumakanta ako ay biglang pumasok ang mga magulang ko.

Napatigil ako sa pagkanta at nagtaka nang lahat nang mga taong mahalaga sa buhay ko ay pumasok nalang sa sala nang bahay ko.

"Ano 'to?" Tanong ko sa mga kaibigan ko. Ngumiti lang sila at nag-thumbs up.

Mas lalo akong nabigla nang pumasok nadin si Fritz habang may dalang Three roses.

Hindi ko namalayang napaluha na pala ako dahil sa sobrang saya.

Lumapit siya sakin at hinawakan ang kamay ko.

"Maeve.. alam kong hindi ito tulad nang ibang proposal na kakaiba pero.. sana lang, maging masaya ka. Almost 3 years na tayong magkasama at hindi mo alam kung gaano ako nagpipigil na pakasalan ka. Napakatanga ko noon dahil sinaktan kita at pinaasa. Tinanggap mo ako ulit at minahal. Dun palang, Maeve, napatunayan mo na ikaw lang, ikaw lang ang babaeng mamahalin ko. Minahal mo ako sa mga times na down na down ako. Tinanggap mo ako, Maeve. And I know, I should be really thankful dahil dumating ka sa buhay ko. I told myself na kung papakawalan pa kita, ako na siguro ang pinaka-tangang lalaki sa mundo. Kasi.. look, maganda ka na nga, mabait ka pa. Salamat, Maeve, words are not just enough to express what I feel right now. Selfish ako, Maeve dahil gusto ko ngayon, ngayon mismo na maging akin ka na. I'm not content of being just your boyfriend. I want to be your husband, too. Gusto kong alagan ka tulad nang pag-aalagang ginawa mo sakin. I love you, Maeve. Please be my Wife.."

"Yes, Fritz. I want to be your forever at yun lang ang gusto kong sabihin. I know that you know that I love you.. this is the best proposal ever, Fritz. I love you.." Sinuot na ni Fritz ang singsing at nagyakapan kami.

We love each other. At sapat na 'yung reason na 'yun para mag-stay kami Forever.

Love? Ito ang may Forever. Hanggang mamatay na tayo ay hindi mawawal ito. Internity, kumbaga.

--

Happy Valentines, Guys! Dedicated ko sainyong apat 'to! Alam niyo na! Remily Heart, Kamilla Jane, John Lois and Zyrene Maeve! Sana magustuhan niyo. Kahapon ko sinimulan at ngayon, 11:05 PM, Sun, Feb. 14. Natapos ko na!

Lovelots, guys! Mahal ko kayo!

What Is Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon