Chapter Four

25 0 0
                                    


"Antahimik? Anyare?" Bungad ni Mathew na kararating lang dahil nag-practise pa siya. Varsity player kasi, eh.

Nasa Science Club kasi silang grupo dahil 'yun ang tambayan nila. Dati, napakaingay nang Room na 'to kahit na sila lang ang magkama.. pero ngayon, para silang tuod na di nagsasalita.

Si Nate na pinaglalaruan lang ang ballpen na hawak niya. Si Fritz na naka-headset at naka-soundtrip, Si Charles na nagbabasa nang libro. Oo, nagbabasa siya nang libro noon pero kapag kasama ang barkada ay hindi naman. Sa bahay lang. Si Drei naman na wala dahil may Family Trip daw.

"Hey, Guys! Ano problema niyo? Mukha kayong binagsakan nang langit at lupa sa trip niyong 'yan, eh." Sabi niya at umupo sa tapat ni Nate para usisain ito.

"Bakit ka nga pala nakipag-away dun kay Gagong Sean na 'yun?" Tanong nito at napatingin naman agad sakanya si Mathew.

"Wala ka na dun!" Inis na sabi nito at hindi na ito pinansin.

"Wee? Nagseselos ka ba? Ha? H'wag mong sabihing gusto mo na si Lois? Hahahahaha!" Pang-aasar pa nito. Agad namang lumapit si Nathan sakanya at kinuwelyuhan si Mathew.

"H'wag mo ngang babanggitin 'yang dalawang 'yan! Matatamaan ka sakin!"

"Oy, Nate! Ano ba! Ang init mo, P're. Chill ka lang." Hindi na siya nito pinakinggan at umalis na sa lugar na 'yun.

"Gago ka, P're! Inlove ka na sakanya!"

---

Tahimik ang buong klase ngayon. Wala si Nathan at Drei. Wala man nagtatanong pero lahat sila kating kati nang usisain kung ba't wala si Nathan.

Break time na at nagsipag-labas na ang lahat maliban sa grupo nina Lois na nakaupo parin.

"Maeve." Nabigla ang apat nang may tumawag kay Maeve mula sa labas.

Laking gulat nalang nila nang makita si Fritz na mukhang sinusundo si Maeve.

"Aba. First time 'to, ah." Bulong ni Emily kay Maeve pero ngumisi lang si Maeve.

"Hey. Bakit ka andito?" Tanong ni Maeve nang makalapit na siya kay Fritz.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Bungad naman ni Fritz.

"Sige ba."

---

Maeve's POV

Naglalakad lang kami ngayon ni Fritz sa Hallway nang School. Aaminin kong nabigla ako nang makita ko siya kanina pero napalitan din iyon nang kaba at kilig.

Kaba dahil sa sasabihin niya. Natatakot akong makipag-hiwalay siya sakin kahit hindi naman kami.

Kilig dahil first time niyang ginawa 'to. Si Fritz kasi ang tipo nang tao na walang ka-effort effort. Oo, sinasabi niya na mahal ako. Pero gusto kong iparamdam niya 'yun.

Habang naglalakad kami ay una siyang nagsalita.

"Nalaman kong.. maluwag naman pala ang Sched. Mo this week." Nalaman niya? Paano?

"Ang sabi mo, busy ka kaya hindi mo muna ako ipapakilala sa Mama mo." Napatigil ako sa paglalakad para tignan siya.

"Ah, kasi.."

"Okay lang kung ayaw mo akong ipakilala. Okay naman 'yun sakin."

"Hindi 'yun ang dahilan, Fritz. Gustong gusto kitang ipakilala." Napatingin naman siya sakin.

"Kung hindi 'yun.. then, ano?!"

"Clueless ako, Fritz! Kapag pinakilala kita, anong sasabihin ko? Anong ihaharap ko sa pamilya ko? Na Boyfriend kita? Ka-MU? Eh, hindi ka naman nanliligaw hindi ba?"

"So, hindi pa ba sapat na sabihin kong mahal kita? Hindi ba sapat 'yun sayo?" Ang tanga lang ni Fritz, ano? I just wanted to feel wanted pero hindi niya kayang gawin?

"Gusto mo talagang malaman? Hindi! Hindi sapat 'yun saking mga I love you messages mo dahil ni kahit minsan, hindi mo pa pinaramdam na mahal mo ako! Yes, sinasabi mo, Fritz. Naguusap tayo! Lumalabas pero ni minsan hindi ka naman nag-effort o nanligaw, di ba? Paano kita mapakikilala sa iba.. kung mismong ako, hindi ko alam ang estado natin?" Galit na galit na ako this time. Hindi nga siya torpe katulad nang ibang lalaki, sobra naman siyang manhid. Hindi niya man lang maramdaman na hindi ako satisfied kapag sinasabi niya mahal niya ako.

"So.. hindi pala ako sapat sayo. Fine! Let's end this relationship, Maeve." Sabi niya at naglakad na paalis.

"Isa lang naman ang kailangan mong gawin, Fritz. Bakit hindi mo kayang gawin 'yon?!"

This is weird. Galit ako pero umiiyak at the same time?

"I can't do that, Maeve. I thought sapat na ang malaman mong mahal kita. Hindi pa pala." Napaluha na lalo ako nang sabihin niya 'yon.

"Bakit hindi mo kayang iparamdam man lang?! Kung talagang mahal mo ako, kayang mong iparamdam sakin." Umiling siya at ngumiti nang mapait.

"Natatakot ako.."

Natatakot siya? Saan?

---




What Is Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon