Game bahala na nga hahaha basta Kung may gusto man kayong sabihin just message me 😊
___________________________"Next" sabi nung teacher na nasa harapan habang nakaturo sa akin.
"Good morning, my name is John Mark Esteban, I'm 13 years old..." Sabi ko naman habang naka tayo sa harapan, kinakabahan talaga ako hahaha napapasobra na ata ang pag kakape ko ee
Hi 😊
Nabasa ko sa papel na nasa desk ko. Na curious ako so tumingin ako sa tabi ko. At ayun nakatingin sya sakin habang nakangiti.
"John Mark? Tama ba?" Biglang tanong naman nya sa akin. Na agad ko naman sinagot.
"Yup. Tama pero Mark nalang Itawag mo sakin ireserba mo nalang yung John pag naubos pangalan ko 😊"
"Haha baliw. I'm Trisha nga pala nice to meet you Mark" sabi naman nya sakin habang nakatingin at naka ngiti sa akin. Ahm maganda sya, maputi, payat, pandak, ano paba? Yun.! Yung mata nya ang sarap nyang titigan.
*tooooook*
"Aray" pag tingin ko sa harap ko nakatingin sakin lahat ng classmates ko at nakapamewang at taas kilay naman yung teacher namin habang nakatitig sakin na parang mangangain.
"Stand up Mr.Esteban! Wag kang uupo hanggat hindi ko sinasabi" sabi nung teacher namin
So ayun mga 20mins akong nakatayo habang tinatawanan naman ako ng Trisha na to. Ewan ko lang aa pero parang ok lang sakin na nakatayo ako kanina basta nakatingin sakin Si Trisha
"Class dismiss. You may take your lunch." Sabi nung teacher
Hay buti naman kanina pa ako nagugutom ee teka hindi ko pa pala alam saan yung canteen. Late na kasi ako nakapasok kanina kaya hindi nako nakapaglibot sa school.
"Uy lunch na! Anong hinihintay mo pasko? Tara na" sigaw sakin nung babaeng nasa labas. Sino pa nga ba edi yung Trisha na yun.
"Libre mo ba?" Sagot ko sa kanya.
"Gwapo mo wala kang pera. Sige na nga! Tara na dali mahaba pa pila"
"Yun pag gwapo nga naman oh" may pera naman talaga ako. Di naman ako poor pero malay ko ba na seryoso sya dun hahaha pang dodota ko nalang yung pera ko 😂
"Oo na sige na. Dami pang sinasabi dali" at yun hinatak na nya ako papuntang canteen
"Apaka init naman dito! Tapos ang haba pa ng pila!" Naiinis na sabi ko
"Arte mo! Bakla kaba. Ganyan talaga. Ang laki kaya nga school natin haha" sabi naman nya. Sabagay malaki nga naman yung school na to. Siguro yung laki nya mga 2 soccer field ganon tapos magsisiksikan sa isang school canteen. Imagine?
At ayun finally naka bili at nakaupo nadin kami!
"So mag kwento ka naman about sa sarili mo" sabi nya sakin habang nakangiti
"Ayoko nga! Wala naman ako sa job interview ee" mapang asar na sabi ko naman sakanya
*pooooook*
"Para san yun? Bakit mko pinukpok?" Sabi ko habang kinakamot yung ulo ko
"Ee ang pilosopo mo ee" mapang inis na sabi nya
"Oo na magkukwento na" sabi ko
"Ganto kasi nakatira ako ngayon sa papa ko pero dati dun ako sa province namin kasama yung Lola ko, dun ako hanggang nung naka graduate ako ng elem. Tapos yun kinuha ako ngayon ng papa ko." Pag eexplain ko
"Aa ee yung mama mo?" Sabi naman nya
Napaisip ako bigla. Oo nga no? Nasan nga ba sya? Simula pag kabata hindi ko pa sya nakikita ni picture nya or full name man lang? Ayaw din magsabi ni papa.
"Ahm Ewan ko di ko pa nga sya nakikita since birth ee ni sa picture. Pero sinabi sakin ni Lola na ganun nga naghiwalay sila ni papa nung malaman nya na may iba yung mama ko at hindi pa sila kasal aa" pag papaliwanag ko sakanya habang parang nalulungkot na ako
"Ay sorry. Ano ba yan tama na nga to baka mamaya isipin nila na boyfriend kita at nakikipag break ako sayo kaya malungkot ka" pabirong sabi nya at tumayo na nga sya.
"Oh saan ka naman pupunta?" Sabi ko naman
"Basta sumunod ka nalang dali" nag mamadaling sabi nya kaya ayun sumama nako
"Ayos aa ganda dito. Ang presko" sabi ko habang nakaupo sa may sa balcony ng 3rd floor ng 4th year building. Kita dito ang buong school kaya ang ganda ng view.
"Diba ok haha basta pag sakin ka sumama mag eenjoy ka lagi" sabi nya naman sakin. Magaling din tong babae na to aa? Hindi lang sya maganda masaya din syang kasama
"Oo na sige salamat aa" sabi ko habang nakatingin sa malayo
"You're always welcome. Ay teka? Baka may girlfriend Ka aa? Baka may sumugod bigla sakin dito" nakangiting sabi nya at agad naman akong sumagot
"Wala aa. Ikaw lang sapat na" at binaling ko sakanya yung tingin ko.
"Yiee laglag kita dyan ee haha wag ka ngang ganyan. Baka seryosohin ko ee hahaha" sabi nya sakin habang nakatingin din sa malayo
"Hoy!! Kayong dalawa time na oh wala paba kayong balak pumasok?" Sigaw nung nasa baba namin. Agad naman kaming bumaba at nag mamadali. Si Ivan pala yun yung classmate namin na mayabang
"Wag ka ngang sumasama dyan Trisha. Mukang bad influence sayo yang.. Ano nga ulit pangalan mo?" Seryosong sabi naman nya sa amin at nakatingin sakin ng masama.
"Mark pangalan ko men. Pakitandaan!!" Sagot ko naman sa kanya habang naglalakad na papuntang room.
Ang yabang talaga nung Ivan na yun. Sabagay best friend nga pala sya ni Trisha kaya siguro ganun sya umasta sakin.
Hayyyyst....
_________________________//
Waaaaaaa almost 1hour ko to tinype hahaha ang hirap pala mag sulat lalo na phone gamit ko. Hope you enjoy this part po message me kung may gusto kayo sabihin or whatever. Para sa next update salamat po
BINABASA MO ANG
The unlovely one
RomanceLove? Sus wala naman talagang ganyan Isang salita na madaming nilalaman At salita na kahit minsan hindi ko padin nararanasan o nararamdaman Kaya eto. Eto ako ngayon patuloy padin Itong hinahanap. Palibhasa hindi ko pa nararanasan yung mahalin ako ng...