Moments

25 2 2
                                    

At dahil wala pa talaga akong magawa at trip kong magsulat ulit  iuupate ko nalang ito haha
_______________________//

Pag balik ko sa room umupo na agad ako dahil nakita ko na parating na yung teacher namin baka mamaya batuhin ulit ako ee hahaha

Napansin ko naman naman na nasa labas si Trisha at yung Ivan na yun parang nagpapaliwanag ata si Trisha ee  siguro dahil nga best friend nya yun.

Mamaya pa ee pumasok na sila dahil dumating nadin yung teacher namin.

So ayun habang nagtuturo teacher namin hindi ko natiis na hindi sya kausapin hindi pa kasi sya kimikibo simula kanina

"Ganda"

Sumulat ako sa papel at nilagay sa desk nya. Sinagot naman nya yun ng

"Maganda talaga ako. Crush mo na ako no? Hahaha"

"No way!" Sabi ko naman napatingin naman sakin yung classmates ko sa harapan ko dahil sa biglang sabi ko.

"Hahaha sino ba kausap mo?" Pa inosensteng tanong naman ni Trisha.

Ayun habang nagtuturo yung teacher namin naghaharutan at nagkukilitan lang kaming dalawa ilang oras din yun oh


Maya Maya naman nagulat kami ng tumayo na yung mga classmates namin at sabay sabi ng

"Goodbye and thankyou Ma'am bell."

Uwian na pala hindi ko man lang napansin. Ang bilis ng oras kapag kausap ko Si Trisha. Hahaha

"Trisha May kasabay ka bang umuwi?" Biglang tanong ko kay Trisha at parang nagulat din sya.

"Ahm wal-la naman. Ihahatid mo ba ako?" Sagot naman nya sa akin.

"Basta ba ipapagas mo yung motor ko ee?" Banat ko naman sakanya

"Sige ba! Yun lang pala ee" sagot naman nya sakin.

"Tara na. Ang tagal mo naman dyan wag kana mag paganda pa uuwi nalang ee" nagmamadaling sabi ko naman sakanya habang pinapasok na sa bag nya yung mga "pampaganda kit" ginagamit nya

"Balik mo Yan!!" Sigaw nya sakin habang ako tumatakbo palabas

Ok din tong babae na to aa mukang rich kid pero kalog hahaha nakaka Inlove ay este nakakatuwa 😊

Ilang saglit pa nakadating nadin kami sa bahay nila. At yun nga mali pala akala ko. Hahaha di naman sya rich kid talaga ee nahiya tuloy ako dahil nagpalibre pa ako sakanya hahaha.

"Oh nandito na tayo, Halika pasok ka muna papakilala kita sa nanay ko" sabi nya sakin at tinulak nako papalapit ng pinto

"Oh Trisha nandyan kana pala, mabuti at maaga kang nakauwi." Sabi naman ni Tita este mama nya

"Kaya nga nay ee magpasalamat po kayo dito kay Mark at hinatid nya ako kundi baka gabihin po ako" sabi naman nya at nag mano kaya nagmano nadin ako.

"Oh iho salamat pala sa pag hatid sa anak ko, sige maupo ka muna dyan magbibihis lang si Trisha" sabi naman sakin ng nanay nya.

The unlovely oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon