Good morning 😊 susubukan ko naman mag POV ngayon hahaha
_______________________//*Mark's POV*
"Inlove ba ako"
"Anong meron sa kanya"
"Simple lang naman sya"
"Pero bakit ganon, gusto ko lagi ko syang nakikita"
"Gusto ko lagi ko syang kasama, laging kausap"
"Masaya ako lagi kapag nandyan sya"
"Hay nako ewan ko ba kung ano ano tong nararamdaman ko"
"Eto naba yung love? Eto naba yun?"
Mga salitang gumugulo sa isip ko habang nakatingin ako sa salamin
Hay nako makapasok na nga baka malate pako.
"Hi Mark" may tumawag sakin na babae sa katabing room namin. Hindi ko sya kilala pero bakit kilala nya ako. Famous na ata ako ee hahaha
"Hello sino ka?" Tanong ko naman sa kanya habang papasok na ako ng room.
"Excuse me hindi ako sinuka inire ako hahaha" sabi naman nya sa akin. Ang weird ng babae na to aa?
"Edi inire ka kasi, Yan sabi mo ee 😊" sagot ko sakanya habang tuluyan na akong pumasok sa room. Actually ako palang ang tao sa room nun pero may nakita na ako na bag ng mga classmates ko siguro naglibot sa school ang mga yun.
"Ako nga pala si Grace, pinagtanong ko pangalan mo kaya nalaman ko" sabi naman nya habang nakatayo at nakapamewang sa may pintuan ng room namin.
"Ah ganun ba kaya pala alam mo pangalan ko. Crush mo ako no?" Sabi ko naman habang nakaupo sa teacher's desk sa harapan.
"Wow ah tinanong lang pangalan crush na agad? Hindi ba pwedeng naku-cute-tan lang ako sayo? Haha" taas kilay naman na sabi nya sakin.
"Oh edi ganun nadin yun haha" lakas naman talaga ng dating ko hahaha pati kabilang section napapansin ako.
"Oo na sige. Hahaha sige na mamaya nalang andito na teacher namin bye 😊" nagmamadaling sabi naman nya sa akin.
*Trisha's POV*
"Parang iba na nararamdaman ko sa kanya."
"Kainis naman nafafall na ata ako"
"Pero ayoko naman ipahalata yun. Baka kasi ako lang ang nakakaramdam nito ee"
"Naguguluhan nako."
"Ano gagawin ko best?"
Nasa canteen kami ngayon ni best(best friend ko na babae) Ewan ko ba bakit kung ano ano nang pinag sasasabi ko hindi ko ma-explain yung feelings ko
"Hay nako best kung sino man yang lalaki na yan sure ako na gwapo yan, hindi ka naman mag dadrama ng ganyan kung hindi ee hahaha" mapang asar na tugon naman nya sa akin.
"Oo nga best ee hahaha he's so cute naman kasi talaga tapos funny pa. Basta ang sarap nyang kasama" nakangiti ko namang sabi habang umiinom ng soft drinks.
"Ui Trisha!" Nagulat ako sa tumawag sakin. Napaka familiar nung boses. Kaya agad naman akong lumingon at ayun sya nga, sino pa edi si Mark hahaha
BINABASA MO ANG
The unlovely one
RomanceLove? Sus wala naman talagang ganyan Isang salita na madaming nilalaman At salita na kahit minsan hindi ko padin nararanasan o nararamdaman Kaya eto. Eto ako ngayon patuloy padin Itong hinahanap. Palibhasa hindi ko pa nararanasan yung mahalin ako ng...