Hello salamat sa 86views hahaha ang babaw ko ba? Sana magustuhan nyo itong update vote po!! 😊 HAPPY VALENTINES DAY NGA PALA
__________________________//*July 30*
Monthsarry na namin bukas pero bakit ganto? Parang nag iba, pakiramdam ko ang dami nyang hindi sinasabi sa akin..
Parang hindi na sya yung Trisha na nakilala ko.
Hindi ko na alam paano gagawin ko.
Ano kayang magandang gift sa kanya.
Ay alam ko na i-surprise ko kaya sya bukas? Haha tama yun gagawin ko sigurado matutuwa yun. At para masabi naman nya nag-eeffort talaga ako.
Galing ko talaga. Gwapo na matalino pa HAHAHAHA
Sana mag work yung gagawin ko.
*August 1*
Eto na yun Monthsarry na namin. 1st Monthsarry 1st girlfriend grabe hindi padin ako makapaniwala parang kaylan Lang oh.
Nakaready na yung surprise ko. May dala ako ngayon na flowers na may love letter.
Dati napapanood ko lang to pero ngayon ako na mismo gumagawa hahaha
Basta sana magustuhan nya talaga bahala na
Natatanaw ko na yung classroom namin habang nag lalakad ako dala dala yung flowers.
*Trisha's POV*
Monthsarry namin ngayon. Kaso hindi ko alam kung masaya ba ako oh ano.
Ngayon ko na sasabihin lahat.
Na ano.. Hays basta.
Ayokong mahalin sya ng hindi buo. Habang sya minamahal ako ng totoo...
*Mark's POV*
Bago pa man ako makapasok sa room sinalubong na nya agad ako sa labas. At yun binigay ko na nga yung flowers na hawak ko sa likuran ko at binasa yung dedication ko sa kanya..
"Sa isang month na nakasama kita.
Naging masaya ako.
Naramdaman ko kung paano talaga mag mahal at magpahalaga sa taong minamahal mo.
Sayo ko lahat natutunan yun.
Hindi man tayo ganun ka perfect, masaya padin ako kapag kasama kita.
Masaya ako hindi Lang dahil girlfriend kita,
Kundi dahil alam ko na mahal mo din ako.
Thank you sa 1month sana mas madami pa tayong memories na magawa together.
I love you hon.
HAPPY MONTHSARRY"Pagkatapos kong basahin yung letter.
Napatingin ako sakanya at nakita ko syang umiiyak.
Naguguluhan ako hindi ko feel na umiiyak sya dahil masaya sya.
Parang malungkot sya.
"Oh hon bakit ka umiiyak?" Tanong ko sa kanya.
"Salamat aa? Salamat sa effort mo sakin. Salamat din kasi pinaparamdam mo sa akin kung gaano mo ako ka mahal. Ayokong saktan ka, pero may kailangan kang malaman." Sabi nya sa akin habang nakayuko sya at umiiyak padin.
"Huh anong masaktan? At kailangan kong malaman? Teka bakit ang gulo" sabi ko naman sa kanya habang nakahawak sa braso nya.
"Hindi ko na kayang itago sayo eh at ayoko din na isipin mo na niloloko kita" sabi nya naman sakin.
"Sabihin mo na!" Malungkot na pag kakasabi ko naman.
"Ex ko si Ivan. Halos kakabreak lang namin bago magpapakan. Kaso hanggang ngayon mahal ko padin sya. Lalo na nung nalaman ko na mahal nya padin ako. Oo nung naging tayo nandun padin yung feelings ko sa kanya pero syempre ikaw yung priority ko kasi boyfriend kita. Pero ngayon na realise ko na mahal ko pa talaga sya. Sorry hindi ko sinabi agad" pagpapaliwanag naman nya sa akin habang hawak nya yung kamay ko.
Dahan-dahang pumapatak yung mga luha ko.
"So ginawa mo akong rebound? Ginamit mo ako para Ma test yung feelings mo sa kanya? Ginawa mo akong panakip butas para masabi mo sakanya na moved on kana? Tapos ngayon ano? Sinasabi mo sa akin na mahal mo pa sya.? Bakit ngayon pa Trish! Bakit." Umiiyak na sabi ko naman sa kanya at pero tumalikod na ako.
"Hindi ganon yung gusto kong mangyari..." Hindi ko na sya hinayaang ituloy pa yung sasabihin nya sumagot na agad ako.
"Pero yun yung nangyari.! Yun yung naramdaman ko. Ayaw mo mangyari pero yan yung pinaramdam mo sa akin ngayon." Sabi ko sa kanya at tuluyan nalang akong umalis.
Hindi ko ma explain yung pakiramdam ko sa mga oras na to.
Ang sakit.
Ang bigat sa pakiramdam.
Parang sumisikip ang dibdib ko, yung parang gustong-gusto ko syang murahin, suntukin sa sobrang sakit ng ginawa nya sa akin.
Pero hindi ko magawa.
Sana nung una palang sinabi na nya.
Sana bago nahulog loob ko pinaalam nya sa akin.
Bakit ngayon lang!
Pinagmuka nya akong tanga.
Pinaglaruan nya lang yung feelings ko.
Sana hindi ko nalang sya nakilala.
Sana hindi nalang sya yung naging girlfriend ko.
MAGSAMA SILA NUNG IVAN NA YUN!
Ayoko na!!!!!!
*beeeep*
/car horn/*bang*
.......
___________________________//
Hope you like it guys. Message me for suggestions and questions. 😂😂
BINABASA MO ANG
The unlovely one
RomanceLove? Sus wala naman talagang ganyan Isang salita na madaming nilalaman At salita na kahit minsan hindi ko padin nararanasan o nararamdaman Kaya eto. Eto ako ngayon patuloy padin Itong hinahanap. Palibhasa hindi ko pa nararanasan yung mahalin ako ng...