Klee's POV
Nasa room na ako. Hindi ko mapigilang isip-isipin yong mga nangyari kanina. Kasi naman yong Leondre na yun eh! Kung hindi lang siya baliw edi sana hindi ako nasama sa kabaliwan niya. Wala pa nga siya eh. Baka nanchix yun. 'Bat naman ako nag-abala? Hay nako. Napatingin ako sa labas at ang ingay-ingay. Mga babaeng tumitili lang pala. 'Bat ba naman sila tumitili? Hanap ako ng hanap while nagtip toes kasi hindi ko nga abot. It's not my fault that I have a cute height >•< While nagtingin-tingin ako,hindi ko namalayan na may nagbukas pala ng pinto. Edi nahulog ako. Ang gaan-gaan ko lang kasi. Napatingin ako sa bumukas ng pinto. Si Leondre! Yang baliw na yan! Siya na naman?!
"Ok ka lang ba?",tanong niya at napatingin sa akin. Nahulog nga ako di ba? Hindi ba halata na hindi ako okay?
"Kita namang nasa sahig ako. Tatanong pa kung ok lang ako",bulong ko at tumalikod na at babalik na sana ng upuan ng biglang may humawak ng kamay ko. Lumingon ako at nakita si Leondre. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit. Baka uhaw lang ako.
"So...sorry. Hindi ko kasi alam na nandyan ka pala malapit sa pinto",sabi niya. Napatingin nalang ako sa mga mata niya. Juice colored. Ang gwapo niya talaga. Hindi nalang ako nakapagsagot.
Na-shock nalang ako ng biglang bumukas ang pinto. Si Ms. Hudgens! Nakita niya kami ni Leondre na nasa gitna ng classroom. Tumingin siya sa isang direksyon at tinututukan ito. Tiningnan ko ang direksyon at nakita ko ang kamay namin ni Leondre na naka holding hands pa rin. WAAAAA! Napabitaw kaming dalawa sa pagka holding hands namin at umiwas ng tingin kay Ms. Hudgens.
Ms. Hudgens just chuckled and said," mukhang nagkakaclose na kayo ni Leondre,Kleeana",sabi ni Ms. Hudgens with wink pa. HA?! Kami?! NO! NEVER! Ay hindi! May posibilidad naman. Ha? Stop na Kleeana.
"Ay hindi po Miss Hudgens",pagpaliwanag ko.
"Oh I see",sabi niya naman na napa smile siya.
"Nagblu-blush si Kleeana!",sabi nung isang kaklase ko. HA?! Hindi ah! Tumingin sa'kin si Leondre at napatingin nalang ako sa kanya. Napangiti siya. Sinamaan ko lang siya ng tingin.
"AYIEEEE. KLEEANA AND LEONDRE! LEONA! YIEEEE",sabi ng classmate ko. HA?! Ano?! Isang nerd at isang gwapong nilalang? HINDI BAGAY NO! Nakakakilig nga pero wala naman talagang forever. Forever? That's just a word just to convince the person to like you back.
"Oh sige na. Quiet na. Friends lang muna sila. Hindi naman pwedeng agad-agad na ano",sabi ni Miss Hudgens with wink pa. JUSMIYO naman.
"Oh,umupo na kayo Kleeana at Leondre",sabi ni Miss Hudgens.
*****
Natapos na ang klase namin. Hay Salamat naman. Naiinis na ako sa mga tukso nila. Diretso akong lumabas ng gate ng school ng biglang may dumaan na sasakyan at ipinara sa harap ko. Bumukas ang pinto at nakita ko naman ang mukha niya.
"Hop in",sabi niya with matching smile pa.
"Sorry,pero hindi na ako yung babaeng nagpapadala sa mga lakaking poging manloloko na katulad mo! Kasi tapos,iiwanan niyo lang sila at maghahanap ng iba!",sabi ko na naiinis.
"Parang may narinig akong poging word sa hugot mo. Ang fast forward mo naman. Hindi pa pwedeng kaibigan muna bago relasyon?",sabi niya na napatawa pa. Baliw na ata to.
"HA? Nasabi ko ba 'yun?",bulong ko sa sarili ko.
"Oo,nasabi mo yun. Dinig na dinig ko pa",sabi niya na napa chuckle. HINDI LANG PALA ANG MGA BABAE ANG CHISMOSO EH ANO.
"Sakay ka nalang kasi. Umuulan na",sabi niya. ULAN? Eh Wala ngang pumatak na tubig sa'kin.
"Wala na...",natigil ang dapat kong sabihin kasi bumuhos ang malakas na ulan. Napatayo lang ako sa harap ng sasakyan ni Leondre. Nagulat nalang ako at may nagpayong sa akin. Si Leondre pala.
BINABASA MO ANG
OPlan: Finding Mr. Right
Teen FictionI'm the type of girl who doesn't easily fall for a guy. After what happened, I decided to stay away from him,move on and never fall for a guy ever again. Pero paano na kung,may makilala kang Mr. Right ng buhay mo? Will you stay bitter and lonely? Or...
