Leondre's POV
Maaga akong nagising ngayon. 5:30! OO! Tama kayo ng binasa. 5:30! Excited lang po kasi. Bumaba na ako at kumain na kaagad. Hindi ko pa kasi trip maligo. Malamig pa yung tubig. While I was eating,na aalala ko nanaman yung sinabi ko sakanya kagabi.
"Palagi ka namang nanggugulo sa isip ko eh. Malakas ka sa'kin eh"
Hindi niya naman narinig eh. Buti nalang no! Oo na oo na. Torpe na kung torpe! Naalala ko nanaman yung dati...
~~Flashback~~
Nandito ako sa park. Parati kasi akong pumupunta dito. Since nung nakita ko yung babaeng yun,hindi na siya nawawala sa isip ko. Ang baduy oo. Pero totoo naman...
Palagi siyang pumupunta dito. Nagbabasa ng libro. Oo,nerd siya! Pero ang ganda ganda niya. Mukha na akong stalker dito putek..
Nakatingin lang ako sakanya.. Putek ang ganda niya talaga! Sobra!
Narinig ko nalang na humahagulgol ang isang bata. Malapit na sana ako sa bata nang biglang tumakbo siya patungo nito.
"Oh, 'bat ka ba umiiyak?",tanong ng babae. Damn her voice. So sweet..
"Nawala po kasi ako. •sob• I can't find my mommy po eh huhuhu",sagot nung bata.
"Ah.. Don't cry na. Naglibot lang yung mommy mo. Alam ko na paparating na rin siya dito hinahanap ka",sabi nung babae then she smiled. Her smile... Ang genuine...
"Sure?",tanong nung bata.
"Aba,siyempre naman! Sigurado akong mahal ka nun! Lahat naman tayo mahal ng mga nanay natin. Tsaka hindi ka matitiis nun. Ang cute cute mo kaya!",sabi niya sabay pisil sa magkabilang pisngi ng bata. Ang cute nilang dalawa tignan.
"Naku! Anak! Nandito ka lang pala! Salamat Miss ah"
"Walang anuman po",sabi niya sabay ngiti.
"Sige,una na kami ah. Say goodbye na baby"
"Bye-bye po ate"
"Bye",sabi niya sabay ngiti.
Lumakad na ako. Wala ako sa aking pag-iisip kaya na bangga ko siya at nahulog yung mga books niya. Tinulungan ko siya tapos binigay sa kanya. Nagkalapit pa kamay namin! Ang bading!
"Ay.. So-sorry.Hindi ko sinadya",sabi ko. Taena nauutal pa ako.
"Ok lang",sabi niya sabay ngiti. Ang ganda niya talaga! Hay..
"Leondre nga pala",sabi ko sabay nakipagshake hands. Tinanggap niya naman at sumagot.
"Kleeana",sabi niya sabay ngisi. Ang ganda ng pangalan niya. Kleeana...
"Oh,alis na ako. Nice meeting you! Bye!",sabi niya sabay lakad palayo. Hindi na ako nakasagot. Na star struck ako eh. Baduy psh.
~~End of Flashback~~
Bunalik na ako sa dati nung narinig ko si Liza na tumatawag sa akin.
"Kuya! Hello?"
"Ano ba Liza!"
"Kanina ka pasi tunganga diyan"
Lakas maka flashback.
"Uyyyy,iniisip mo siya no?"
"Uy,hindi ah!",sabi ko.
"You are not a good liar kuya",sabi niya sabay kagat ng pancake.
"Fine. Fine",sabi ko. Ang kulit eh.
BINABASA MO ANG
OPlan: Finding Mr. Right
Teen FictionI'm the type of girl who doesn't easily fall for a guy. After what happened, I decided to stay away from him,move on and never fall for a guy ever again. Pero paano na kung,may makilala kang Mr. Right ng buhay mo? Will you stay bitter and lonely? Or...
