Chapter 4: Sweet Dreams

5 2 0
                                        

Klee's POV

There's something wrong with the atmosphere. It's like I'm not in my room. But I feel so comfortable. Ano ba tong hinu-hug ko? It's like a real teddy bear. Ngayon ko lang nalaman na may teddy pala na may muscles at... abs? Ha? Ano ba 'to? Binuksan ko ang mata ko at nakita ang pagmumukha ni Leondre. Gulat na gulat siya. Tinulak ko siya at kinuha ang kumot.

"ANONG GINAGAWA MO DITO?! 'Bat ba ako napadpad dito?",tanong ko. Bakas sa boses ko ang pagkagulat.

"Diba dito ka natulog kagabi. It was late at night that's why I decided to let you stay for the night. And if you are wondering why I'm here. I was about to wake you up para kumain na kasi maleleyt na tayo,but then you pulled me closer to you and hugged me",he said calmly. Ay. Nakakahiya naman. Parang namumula na ang mukha ko sa hiya. But wait! Anong oras na nga ba?!

"Anong oras na?!",tanong ko sa kanya.

"10:00 A.M",sabi niya. Anak ng pusa! LATE NA AKO!

"LATE NA AKO! 'Bat kasi hindi mo ako ginising?! 'Pano na 'yun! May absent na ako! Nako po",sabi ko na tumayo na at lumabas ng kwarto at bumaba na. Sumunod naman siya. Lumabas ako ng gate at naglakad patungo sa labas ng village.

"Ihahatid na kita",sabi niya.

"Kaya ko na sarili ko ok?",sabi ko sa kanya.

"I have snacks",sabi niya. Tumingin ako sa kanya at nag smile pa siya.

"Ok. Let's go",sabi ko sa kanya at hinila siya pa balik sa bahay nila.

"Madali lang naman pala kausap",sabi niya na parang tumitingin sa akin. Hindi ko siya tingnan at patuloy parin sa paghila sa kanya.

***

Nasa bahay na kami. Nasa kotse lang siya. Nasa pintuan na ako. Papaalis na sana siya nang tumakbo ako patungo sa kotse niya. Binaba niya ang window.

"Salamat pala",sabi ko sa kanya. Ngumiti lamang siya. Pumasok na ako sa loob.

Hindi ko alam pero napangisi nalang ako. Ano ba Kleeana.

"Huy! 'Bat ka ba nakakangiti diyan ha! Tsaka,bakit hindi ka nakauwi kagabi? 'San ka ba natulog ha? Nagtanan ka no? Sino yung lalaki? Sino?! Sumagot ka diyan!",sigaw ni mama. Huhuhu,beast mode  si mama T.T Ano na nga lang sabihin ko?

"Mama naman! Hindi po ako nagtanan. Umulan po kasi ng malakas kaya nakisabay nalang ako sa kaklase ko. Gusto ko nga umuwi kagabi kaso wala akong masasakyan kaya dun nalang ako natulog",sana naman ok na yun.

"Sino naman yun aber?",mama naman eh. 'Wag mo nga akong e hot seat.

"Si Leondre",sabi ko.

"HA?!",gulat na gulat si mama. Ako din naman eh. Gulat sa kanya.

"OA naman to ni mama"

"Nagprapraktis lang naman eh",sabi niya. Nakakatawa talaga si mama. Feeling bata eh. Nakikisabay rin.

Pumunta na ako sa kwarto ko. Humiga ako sa kama ko. Tulog muna ako.

***
Dumilat ako at tumingin sa orsasan. 11:30 na?!?! Tumakbo ako patungo sa banyo at tsaka naligo. Pagkatapos ay nagbihis na rin ako at bumaba na at nagpaalam na. Wala na akong pake kung hindi ako makakain basta hindi lang ako male-leyt.

Malapit lang naman din ang bahay namin sa School ko kaya kaya na rin. Pag-abot ko sa School hingal na hingal ako. While I was walking sa hallway,parang may nagsusunod sa akin. Tumingin ako sa likod ko at wala naman ah. Tinatakot ba naman ako. EFFECTIVE ah.

Habang naglalakad ako patungo sa classroom namin ay may biglang bumuhat sa akin.

"Hoy, ano ba?!",sabi ko. Hindi niya ako sinagot. Rapist ba to? Jusko. Bata pa po ako. Marami pa po akong pangarap. 'Wag muna please.

OPlan: Finding Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon