ToFee five

4 0 0
                                    


Good morning sir tofee.....Ang bati ni mang gardo habang papasok ako ng kotse..

Good morning din po umalis na po tayo baka man traffic po tayo...,masigla Kong bati sa kanya..maaga kasi ako ngayon dahil ngayon ang simula ng training naming magkakaibigan sa BSM corp. Mahirap naman ma late dahil unang araw namin ngayon, magkikita na lang kami nina charity,jobert at christian sa lobby ng building...tumango naman si mang gardo..binuksan naman ni Lina ang gate..siya ang kasambahay namin bukod kila manang letty...nagmaneho na si mang gardo papunta sa destinasyon namin,medyo kinakabahan ako dahil malaking company ang BSM corp. Ang gusto ko talaga sa isang government ako mag training dahil mas gusto ko makatulong sa mga ordinaryong tao..alam ko rin kasi na si christian ang nagpasok sa amin sa company kahit Hindi niya sabihin. Hindi ko naman alam ang dahilan niya pero siguro mabuti na rin para sa experience na din sa isang kilalang kumpanya feeling ko kasi madami akong matututunan...

Nakarating na nga kami ni mang gardo sa isa sa pinaka mataas na building dito sa kilalang lugar dito sa maynila,...bumaba na nga ako at nagpaalam Kay mang gardo...mabilis siyang umalis sabi ko tatawagan ko na lang siya pag susunduin niya ako..pumasok n ako ng lobby..maganda ito kahit sa loob talagang makikita mo na para ka lang pumasok sa isang sikat na hotel..may front desk at receiving area.. Madami ding security...mabilis ko namang nakita si Christian na papalapit sa akin...nakita ko naman si charity at jobert na nakaupo panay ang selfie sa Magandang upuan ng building..

Good morning tofee,ready ka na ba?...salubong ni Christian sa akin gwapo pa rin pag naka slacks and polo..bumagay lalo ang salamin niya

Morning din,medyo kinakabahan pero ok lang .sagot ko Kay Christian .naka fit slacks ako polo nadin na medyo fit sa akin..di naman malaki mga muscles ko tama lang..para nga daw babae kutis ko bumagay sa katamtaman Kong katawan...

Naglakad na kami sa dalawa ko pang kaibigan,nagbeso naman si charity na gumanda pa lalo sa business attire niya syempre naka make up,ganun din si jobert na halatang nakalipstick..mag antay na lang muna raw kami sabi ng isang babae..umupo na muna kaming tatlo para mag antay..
Ilang sandali lang ay may lumapit na isang babaeng maganda...

Good morning sir Christian bati ng isang babae..pwede na po kayong pumunta sa office ni mam Belinda sa 20th floor...sa department po niya..

Cge thank you..Tara na....yaya ni Christian sa amin sabay sabay kaming tumayo at pumunta ng elevator para pumunta sa nasabing floor,nang nakarating kami ay may sumalubong ulit na babae sa amin...dadalin daw kami sa conference room... Nang makpasok kami ay naupo muna kami..dumating na yung Belinda..nagpakilala kami isa isa...then she explain everything to us lahat ng gagawin namin sa ibat ibang department kami ilalagay kaya hiwalay kaming apat..mabuti na rin siguro yun para mas makapagtrabaho kami ng naayos..di naman daw kami mahihirapan dahil trainee pa rin kami..lumipas ang ilang oras na orientation.. Lunch break na...papalabas na kaming apat ng conference room para pumunta sa pantry ay lumapit si mam Belinda sa amin kinausap niya si Christian dahil gusto raw siya makausap nung Mr.santillan...nauna na kaming tatlo sa pantry para kumain...

Muka namang di tayo mahihirapan dito diba bakla?si charity habang nakatingin Kay jobert

Oo naman andito kaya si Sam my crush....si jobert na kinikilig pa...

OMG landinmo talaga bakla...,ikaw tofee ayos naman dito diba???si charity

Oo naman marami tayong natututunan dito,saka kailangan natin para maka graduate tayo...nakangiti Kong sagot..

Haaay Mr.smile ikaw na...Ewan ko ba kahit kailangan positive mo kahit na___________....si jobert na pinasakan ng brownies ni Charitybsa bibig

Hooy bakla ka nagsisimula ka nanaman daldal mo talaga!!....si charity pinapagalitan si jobert na nakairap naman sa kanya..

Kayo tlaga kumain na nga tayo...ang ingay niyo pa pinagtitignanan na tayo dito oh..

Nakatingin sila kasi magaganda tayo...si jobert

Pinagpatuloy na lang namin ang pagkin dahil mamaya ay babalik na kami sa taas para ituloy ang orientation,Hindi na rin namin inaantay si Christian dahil mukang importante ang kausap niya...santillan din kasi ang apelyido ni Christian siguro kamag anak niya ang nagpatawag sa kanya..

(Jovan and Christian)
Sir nandito na po si sir Christian... Tawag ng secretary ni Jovan sa intercom..

Let him in...si Jovan

Pumasok naman si Christian sa opisina ni Jovan...

Hey cousin upo ka,si Jovan...nag manly hug naman silang dalawa...

Kumusta Jovan,pinatawag mo ba ako para e welcome....si christian na masayang nakita ang pinsan..

Of course welcome sa company,,, diba ngayon ang simula niyo balita ko kasi may mga kasama ka from Carlton university...sinabi kasi ni Tito na dito ka mag training.. Si Jovan na nahihiyang magtanong sa kasama ni Christian kahapon..

Yup..nag orientation nga kami bukas pa simulan namin.apat lang kami mga kaibigan ko kasi sila Kaya magsabi ako Kay papa..si christian

See...welcome ulit Hope I can meet your friends soon...si Jovan na nahihiya pa ring tanungin ang pinsan tungkol Kay tofee...

Thanks cousin,so balik na ako sa office ni mam Belinda di pa tapos ang orientation namin lagi naman tayong magkikita... si Christian na nakipagkamay sa pinsan...

Oo naman,cge my meeting din kasi ako...pag may kailangan o problema wag ka mahiya sabihin sa akin...si Jovan

Tumango naman si Christian at mabilis na bumalik sa conference room naabutan niya sina tofee na nanduon na rin...

Naiwan naman si Jovan na pala isipan pa rin kung magkikita pa sila ng taong may kakaibang ngiti na si tofee....

Salamat sa pagbabasa malapit niyo na malaman ung una sa 3things...vote plzzz...

3 ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon