Pang-apat na tagpo

159 13 0
                                    

Ilang taon ko na rin siyang sinusundan.

Ilang taon ko na syang minamasdan ng di niya nalalaman.

Ni kahit minsan di ko sya naging kasection. Madamot ang tadhana para samin ni Nathan.

Naalala ko pa nung araw na magkikita sana kami ni Mama sa mall.

-Flasback-

Pagbaba ko sa bus na sinasakyan ko dagsa ang mga studyante pababa sa kabilang bus kaya naman nababangga nila ako ng di sinasadya.

Napukaw naman yung tingin ko sa kabilang bus.

"Si nathan yun ahh.."naibulong ko sa sarili ko.

Hindi ko alam pero bigla na lang akong naglakad papunta sa bus at sumakay duon.

Pagsakay ko, hindi nga ako nagkamali si Nathan yun.

Wala ng upuan.

Kaya tumayo na lang ako kahit hindi ko naman alam kung saan ba talaga ako pupunta, basta makasama ko lang si Nathan kahit sa gantong paraan okay lang.

Bigla namang huminto ang bus.

Nagulat ako sa pagpasok ni Hannah sa bus. Pero ng makita ni Nathan na akmang bababa na si Hannah bigla syang nagsalita.

"Ms dito ka na." Lumapit at ngumiti si Hannah.

Nasaktan ako. Pero kahit na ganun mahal ko pa din siya.

Biglang pumereno ng pagkalakas lakas yung driver kaya di ko na balance ang sarili ko.

Pero...

"Okay ka lang?" Hawak ako ni nathan...

Natulala lang ako at tumango..

-End of flasback-

Unang beses ko syang makausap nung araw na yun.

Hindi ko maexplain yung saya.

Sana pagbigyan ako ng pagkakataon na masabi sa kanya kahat ng nararamdaman ko.

-

One sided (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon