Pang-labing isang tagpo

158 14 0
                                    

Kinakabahan ako.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko kung bakit ko idinikit yun sa locker ni Nathan.

Habang hinihintay ko sya sa garden eh hindi ako mapakali.

"Hey"

Narinig ko ang boses ni Nathan sa likuran ko at nanlamig ako.

"Sino ka ba? Bakit mo ko pinapunta dito?"

Nakita ko ang pagka dismaya nya ng humarap ako sa kanya.

Kumirot ang puso ko.

"Hhmm.. Ah nga pala.." Napayuko ako na palunok.

"Kung mag coconfess ka sakin sorry wala akong panahon sayo. Kaya kung yun talaga gagawin mo wala akong oras para dyan."

Nanlamig ako.

Pero lakas loob kong itinaas ang ulo ko at ngumiti.

"Ito nga pala yung sulat mo nalaglag mo nung nabangga mo ako." Nginitian ko sya at iniabot ang sulat.

Pag abot na pag abot ko agad akong umalis.

Bigla na lamang bumagsak ang luha ko.

Hindi pa nga ako umaamin, Busted na agad.

-

One sided (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon