Pang-limang tagpo

146 14 0
                                    

Its February 14, 1989.

Ito na ang araw.

Lalakasan ko na ang loob ko.

Kahit na maraming nagkakagusto kay Hannah kakapalan ko na ang mukha ko.

Malapit na rin matapos ang taon at di na kami magkikita sa kolehiyo.

Kaya sa huling pagkakataon. Susubukan ko ng umamin sa kanya.

Kaya mo to Nathan kaya mo to.

Naglalakad ako sa corridor hawak hawak yung bulaklak na binili ko, tsokolate at sulat na ginawa ko.

Nakita ko naman ang mga studyante na nagkukumpulan sa quadrangle at naghihiyawan.

"Goooooo Ate sagutin mo naaaaa Ayiiieeeeeee!"

Nilingon ko ito at nakita ko si Hannah.

Bigla nyang niyakap yung lalaki.

"Yes Miguel! I want to be your girlfriend I love you Miguel"

Kasabay ng paghiyawan ng mga tao tumulo ang likido na nang gagaling sa mata ko.

Parang tinapakan ang puso ko.

Kung kailan handa na ako tsaka naman hindi pwede.

Tumalikod ako at....

"Ms sorry.." nabangga ko yung babae ng di sinasadya.

Blanko lang ang kanyang itsura. Pamilyar sya. Siguro dahil iisang school lang din naman kami.

Pero hindi ko na mapigilan yung luha ko kaya agad akong umalis.

I will just keep this foolish love like a wind.

-

One sided (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon