"Bilang isang pilipino hindi dapat tayo magreklamo sa pamahalaan, kung nais natin ang pagbabago simula sa sarili! Hindi ang pagiging reklamador ang magiging paraan para maisagawa ito."
Nagpalakpakan ang lahat sa kanya pati na rin ang teacher namin.
"Mahusay iho! Anong pangalan mo ulit?"
"Geoffrey Javines."
"Ang galing mo! Mahusay! Maupo ka na iho, class! Upo na."
Nagsiupuan na ang lahat nakinig sa teacher namin.
"Nakita nyo? Dapat lang na ganyan kayo mag ulat sa harap! May observer man o wala! Okay! Si Geoffrey lang ang may plus points sa akin ngayong araw."
Agad namang nagbulungan ang mga classmates ko at alam kong agree sila kay mam.
"Class dismiss."
Nagtatayuan na sila pero ako nakatulala kay Geoff.
"Hoy! Nakikinig ka ba?!"
Napatayo ako sa gulat.
"Ay! Sorry! Minsan kasi wag kang sumigaw!"
"Lipat ka na dun!"
"Oo na! Eto na! Kukunin ko na mga yung bag ko diba? Eto na!"
Dumiretso na agad ako sa silya ko kung saan magkatabi kami ni Geoff.
"Hi Geoff!"
Tumingin sya sa akin at ngumiti.
"Hello?.."
Sabi nya na para bang hinihintay na sabihin ko yung pangalan ko.
"Rhianna, Rhianna Joy Janus."
"Hello Rhianna Joy?.. Janus?"
"Hi!"
Masigla kong greet. Nagsisimula nang magdiscuss ang math teacher namin pero eto ako, si Geoff at mga kaibigan nya nag iingay.
"Alam mo Geoff, ang galing mo magreport kanina."
Bungad ko.
"Ayun? Wala yun. Easy! Diba?"
"Oo! Si Geoff pa! Ano? Hahaha!"
"Geoff yan e!"
"Reporter lang sa TV!"
Sagot nila. Ay naalala ko!
"Geoff! Sinong crush mo dito sa room?"
"Sa room?"
"Oo."
"Wala, sino yung crush ko tambo? Upuan? Blackboard?"
Hindi nya ata ako nagets.
"Hindi! Hahaha! Ibig kong sabihin sa klase natin! Sa mga girls. Samin. Sino?"
Luminga linga sya sa paligid.
"Wala."
"Wala talaga? As in W.A.L.A?"
"Oo as in O.O"
Napatango na lang ako atsaka tumitig sa kawalan.
Mahuhulog ka din sakin Geoff, gagawa ako ng paraan!
"Boys! Magbbasketball kayo mamaya?"
Sabi ko nang pabulong baka kasi marinig ako ni mam, lahat sila tumigil sa pinaguusapan nila at lumingon sakin.
"Basketball?"
Sagot ni Ally, isa sa mga kaibigan ni Geoff.
"Oo? Maglalaro ba kayo?"
BINABASA MO ANG
Critically Inlove
Teen FictionShe's Rhianna Joy Janus, a simple student, happy go lucky and then one day she turned desperate to a man named Geoff Javines the man who got everything, name it he has it. She's in love with him but he doesn't seem to care about her feelings. Attent...