Akala ko ako lang yung umalis sa party pero siya din pala. Hindi ko tuloy maeenjoy yung sakit na nararamdaman ko.
Paepal. Siya may kasalanan neto e.
"Bakit ka andito Ally?"
Kunot noo kong sabi tumabi siya sakin at nag de kwatro pa. Sandali kaming napuno nang katahimikan bago sya magsalita.
''What happened? "
Tiningnan ko siya habang nakatingin sa langit na puno nang stars.
"Nothing happened."
Napatingin naman siya sa akin at tinaasan ako ng kilay.
Wow Ally ah? Gumaganyan ka na ngayon.
Sabi ko sa utak ko at tinaasan ko na lang din siya ng kilay.
"Sus. Wala? Wala talaga? Nakita pa nga kitang nakatalikod kay Geoff habang nakataas pa yung kamay e. Ano? Nam lang ang peg? Tapos si Shon siya? Ang drama mo."
Ayt.
Muntik na kong matumba sa sinabi niya kahit na nakasandal pa ako.
Akala ko pa naman magiging serious talk na to. Hindi naman pala. Panira ka Ally.
"Sana nga kami na lang sila e. Kasi at the end sila din yung magkakatuluyan. Sana kami din ganun."
Nakita ko sa gilid na napairap na lang siya sa hangin.
"Ewan ko ba sayo. Nakailan ka na ba?"
Nakailan? San?
"Pinagsasabi mo?"
"Tinatanong kita kung nakailan ka na bang love story na napanuod."
"Bakit?"
"Ang dami mo kasing hugot lines e. Pwede nang ipangstatus sa Facebook."
Tinignan ko siya ng masama, tumawa lang siya.
Kita mo to. Napaka papansin.
"Manahimik ka Ally ha.. Baka gusto mong batuhin kita."
Naghanap ako nang bagay na pwedeng ibato sa kanya.
"Sige nga. Batuhin mo."
Nakita ko yung bato. Kinuha ko yun.
"Gusto mo talagang masaktan e no? Epal ka."
"Sus. Nasasaktan na nga ako e."
Ano daw?
"Ano?"
Ibinaba ko yung bato. Baka mamaya ibato ko talaga to sa kanya e.
"Sabi ko try mong ipukpok sa ulo mo yang bato! Ang manhid mo kasi!"
Lul. Ally. Lul.
"Ako manhid? Manigas ka! Kita mo namang nageemo ako tapos ako pa tong manhid."
Tinarayan ko siya at muling sumandal tska bumuntong hininga.
"Oo manhid ka Joy. Manhid ka."
Napatitig na lang ako sa kanya.
Problema nito?
"Pa Joy Joy ka pa Ally! Ano ako detergent? Sabon panghugas nang plato? Ewan ko sayo!"
Tumayo ako at inayos yung laylayan ng gown ko. Narinig ko siya na tumawa.
"Ayan. Para mafeel mo naman."
"Aray! Para saan yun? Ang sakit ah!"
Kurutin ba naman ako sa pisngi?
Ouch.
BINABASA MO ANG
Critically Inlove
Roman pour AdolescentsShe's Rhianna Joy Janus, a simple student, happy go lucky and then one day she turned desperate to a man named Geoff Javines the man who got everything, name it he has it. She's in love with him but he doesn't seem to care about her feelings. Attent...