5 years later
"Mommy! Daddy!" Sigaw ng limang taong gulang nilang anak na si Venice na tumatakbo papunta sa kanila mula sa play house nito sa kanilang garden kung saan sila naroon habang nagmi-miryenda. Vince bought a house for his family after He and Edelle reconciled about 5 years ago.
"Baby! Be careful!" sigaw ni Edelle dito, at agad dinaluhan ang anak.
Ngumiti si Vince sa kanyang mag-ina at hinarap ang anak "what is it baby?"
"Look oh! I made a pizza!" sabay pakita sa clay dough na hawak nito.
"wow... I bet it's delicious!" Vince exclaimed.
"really daddy? Taste it!" tuwang tuwang isinusubo ni Venice sa kanyang daddy ang clay dough na hawak nito
Sa disimuladong paraan ay umiiwas si Vince dito habang tumatawa "Honey it's not edible..."
"I thought you said it's delicious daddy!"
Tawang tawa si Edelle habang pinapanood ang mag-ama "Delicious pala honey e... try it atleast" sabay tawa na naman nito sa kanyang mag-ama
"ikaw talaga Edelle... lagot ka sakin mamaya" Vince grinned.
"oh shut up Vince..." sabay baling sa anak "baby it's just a play dough, your daddy is just joking when he said it's delicious, but we can make a real delicious pizza later honey don't worry" paliwanag nya sa anak
"really mommy?" tanong ni Venice sa ina.
"yup, later we are going to supermarket, okey...?"
"yes mommy!" Venice kiss Edelle and Vince before going back to her play house.
Minutes later nang may mag door bell sa kanila. Sabay silang napalingon mula sa main gate, Vince stood up, napatigil sya ng makita kung sino ang nasa harapan ng kanilang bahay.
"Hey honey, Sino iyon? May problema ba?" tanong ni Edelle, napatayo na rin sya, nagulat rin sya nang mapag sino iyon.
It was Olivia –Vince's Ex.
Lalapitan sana ito ni Edelle ng hawakan sya ni Vince sa kamay at sinabayan sya nitong lumapit sa gate at pinag buksan ang hindi nila inaasahang bisita.
Wala ni-isang nagsalita sa kanilang tatlo, nakatuon lang ang paningin ni Edelle sa batang lalaki na hawak ni Olivia na kasalukuyang natutulog.
"Vince..." tawag ni Olivia dito.
Naalimpungatan ang bata ng marinig ang tinawag ng kanyang ina at lumingon "Papa!" sigaw nito.
Napatigil si Edelle at napatingin sa asawa na ngayon ay shock pa rin sa pagkakakita sa mga ito.
"Papa! Papa!" tawag ng batang hawak ni Olivia na pilit sumasama kay Vince.
"Olivia?... anong ibig sabihin nito?" tanong ni Vince
"Anak mo sya Vince..." sagot ni Olivia.
Napatingin na lamang si Edelle sa asawa bago iniwan ang mga ito, dinala nya sa pagpasok ng kanilang bahay si Venice.
"Edelle.. Honey..." tawag sa kanya ni Vince ngunit hindi nya ito pinansin.
After a while ay pumasok si Olivia at Si Vince kasama ang bata...
"Edelle, I'm sorry... I lied... mahal ko pa rin si Olivia, I'm sorry..."
She started to cry, parang hindi sya makahinga sa naging pahayag ni Vince, nag paalam sa kanya si Vince para samahan si Olivia, tawag sya ng tawag pero hindi na sya nito nilingon pa.
__
"Edelle..." tawag sa kanya ni Vince. Napamulat sya ng mata at agad nya itong niyakap.
"What happened?" tanong ni Vince sa kanya "What happened Edelle, you're been crying on your sleep..." dagdag pa nito.
"V-vince... nanaginip ako... nanaginip ako na iniwan mo daw ako..." paliwanag ni Edelle..
Vince hugged her tight "tell me what happened on your dream?"
"Masaya raw tayong nakaupo sa garden with Venice, nagbibiruan pa nga tayong tatlo, when suddenly someone rings the doorbell, and it was Olivia, she's carrying a child with her and she said that it's yours...and sabi mo mahal mo pa rin sya, sumama ka sa kanya, tinatawag kita pero hindi mo man lang ako nilingon..." kwento ni Edelle.
"Well I spoke with Olivia last week when I bumped with her malapit sa office, kababalik lang nila from US..." sabi ni Vince
Napakalas sa pagkakayakap si Edelle sa gulat at hinarap ang asawa. Nang hindi sya magsalita ay nagpatuloy ito
"May kasama syang batang lalaki..." Seryosong pagkakasabi ni Vince.
Tinititigan ni Vince ang asawa, napansin nyang nag-uulap na naman ang mga mata nito.
"It was..."
Hindi na napigilan ni Edelle ang pagtulo ng kanyang luha. Seryoso kasing nakatitig si Vince sa kanya, nang bigla itong tumawa.
"It was not mine... Of course!" tawa pa rin ng tawa si Vince sa kanya
Napaiyak na ng tuluyan si Edelle at pinaghahampas ng unan si Vince
"hey stop it honey!" pero tawa pa rin ng tawa si Vince.. he throw the pillow when he caught it and hugged Edelle tight.
"On a serious note, nakita ko nga sya, but it's only a casual talk, kasama nya ang anak nya sa naging asawa nya ngayon... I didn't tell you kasi hindi naman importante iyon , saka nalimutan ko na rin naman..." He kissed Edelle on her lips.
"I will not let anything happened to us... and to our family... I'll protect my Queen and my Princess my whole life... Mahal na mahal ko kayo ni Venice at magiging anak pa natin in the future... so hush now my Queen..." pahayag ni Vince, pinunasan nito ang mga luha ni Edelle.
Napatigil si Edelle ng mapansin ang itsura ng kanilang kwarto.
Vince Smiled at her.
"You're too preoccupied with that thought that you don't actually notice my surprise for you my wife..."
Edelle smiled at her husband. Totoo nga hindi nya napansin na puro balloons and petals ang nakalagay sa sahig ng kanilang kwarto. Sa Side table ay napansin din nya na may dinala itong breakfast for her and a life size bear.
"Happy 5th year Anniversary Edelle... Mahal na mahal kita Edelle... Ikaw lang ang Mahal ko... Kayo ni Venice" pahayag ni Vince
"Mahal na mahal din kita Vince... sobra..."
Edelle kissed Vince, and they end up making their Second baby again.
BINABASA MO ANG
Love me (COMPLETE)
Romancewhat if you married someone you loved for a long time but doesn't love you? that he only marry you because of the ordeal between your and his family? are you gonna stay and make him love you even if he ignores you? or just leave?