Chapter 43

15.2K 181 12
                                    

Napabuntong-hininga sya ng marinig ang pagsara ng kanilang pintuan ng kanilang unit, pakiramdam nya ay ito na ang huling pagtuntong nya sa unit na iyon. Dahan-dahan syang lumakad palabas ng gusali.

Nakailang lakad na sya palayo sa gusali ng may humawak sa kanyang braso bahagya nyang nilingon ito, walang emosyon nyang tiningnan kung sino ang humawak sa kanyang braso si Marcus iyon.

Pakiramdam nya ay wala syang lakas para umiwas dito, nang hindi sya nagsalita ay nagsalita ito “Edelle, where are you going? Let’s go home”. Hindi rumerihistro sa kanya ang mga sinasabi ni Marcus, nanatili lang syang nakatitig sa mukha nito. Nang hilahin sya nito ay saka lang sya natauhan “s-sandali. Marcus… s-san mo ko dadalhin?”.

Tiningnan sya nito “we’ll go home…” nang maramdaman ni Edelle na humigpit ang pagkakahawak sa kanya ni Marcus ay nagsimula na syang mag-panic “h-home? N-no Marcus… bitiwan mo ko!”. nagulat si Edelle ng sapilitan syang pinasok sa harapang upuan ng kotse nito kasama ng mga gamit nya at agad na isinara ang pinto.

Lalabas ulit sana sya ng mabilis na nakapasok ito ng sasakyan at hinawakan sya sa braso para hilahin pabalik, ng marinig nya ang click ng mga lock ng pinto ng kotse nito ay saka sya nito binitiwan, ng subukan nyang buksan ang pinto ay hindi nya magawang buksan iyon dahil naka lock na ito. Nang maramdaman nyang umandar ang sasakyan ay nilingon nya ang binata “M-marcus let me out please”.

Nakatuon pa rin ang paningin ni Marcus sa daan ng magsalita ito “where are you going when I saw you? May dala kang gamit?”. Nag-iwas ng tingin si Edelle dito at hindi nagsalita, nagpatuloy si Marcus “you’re running away again Edelle, nandito pa rin naman ako a! nagmamahal sa’yo. Vince is not in love with you, I am!”.

Sukat doon ay natigilan si Edelle, natamaan sya sa sinabi ni Marcus at naalala nya ang sinabi ni Vince na hindi sya nito mahal at napilitan lang syang pakasalan dahil sa sulsol ng kanilang mga ama at dahil kailangan sya nito at ang kanyang pamilya para maiwasan ang pagkalugi ng kompanya ng mga ito.

Nang hindi magsalita si Edelle ay nagpatuloy ito “nandito ko para bawiin ka! Edelle mahal na mahal kita…”.

Nakatuon pa rin ang paningin ni Edelle sa daan nang magsalita sya “M-marcus, ibalik mo na ko sa’min, nakikiusap ako…” hindi sya pinansin nito at nagpatuloy ito sa pagmamaneho, hindi napansin ni Edelle ang mariing paghawak nito sa manibela sa pagpipigil ng galit nito, hindi na nagsalita si Edelle, natatakot sya ngunit minabuti nyang hindi na magsalita, sa tingin naman nya ay hindi sya nito sasaktan, naisip nya na marahil ay tama ito, ito ang nagmamahal sa kanya at hindi si Vince, sukat sa naalala ay nagsimulang mag-ulap ang kanyang mga mata, ilang beses sya kumurap at malalim na huminga upang mapigilan ang pagtulo ng kanyang luha. sa dami ng kanyang iniisip ay hindi nya namalayan na ilang oras na pala silang nagbibiyahe at nagitla sya ng huminto ang sasakyan sa tapat ng isang bahay at ng magsalita ito..

“We’re here...” 

Love me (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon