Chapter 35

14.5K 192 7
                                    

Unti-unting nilapitan ni Edelle ang kanyang ama, nakaramdam ng pagkahilo si Edelle at nandidilim ang kanyang paningin na kung wala ang mga bisig ni Vince ay bumagsak na sya sa sahig. “Edelle are you okey?”. Tumango ang dalaga “n-nahilo lang ako pero okey lang ako, napapagod lang siguro ako ng bahagya”.

“Vince iuwi mo muna ang asawa mo, at magpahinga muna kayo tiyak na pagod kayo sa byahe. Ako na muna ang bahala rito” sabi ng matanda ng mapansing iba ang anyo ni Edelle. Niyakap ni Vince ang asawa “s-sige ho Manang Deli,babalik na lang ho kami ni Edelle mamaya”. Sinundan lang ng tingin ng matanda ang paglabas ng dalawa.

Nang makarating ang dalawa sa condo ay inalalayan ni Vince ang asawa sa kwarto nito. “okey ka lang ba Edelle?”. Nanatiling nakapikit si Edelle at bahagyang tumango “o-okey lang ako Vince. ipapahinga ko na lang muna siguro ito”. Naramdaman ni Edelle ang halik ni Vince sa kanyang noo “I’ll cook, if you’re hungry just tell me. Nasa sala lang ako Edelle. Magpahinga ka na”.

Nang marinig ni Edelle ang marahang pagsara ng pinto ay hindi na nya mapigilang tumulo ang kayang luha. Naalala nya ang naging pag-uusap nila ni Manang Deli, na bago mangyari ang atake sa puso ng ama ay kausap nito si Marcus. Nakaramdam sya ng takot para sa ama at higit sa lahat takot kay Vince at sa pagsasama nilang dalawa, nararamdaman nya na nangyayari na ang kanyang kinatatakutan.

Hapon na ng magising si Edelle, lumabas sya ng kwarto. Nakita nyang nakabukas ang kanilang tv, ngunit tulog ito. Naisip nyang nakatulugan ni Vince ang panonood. Dahan-dahan nya itong nilapitan at tinitigan.

Naalala nya ang salitang namutawi sa kanyang asawa matapos ang kanilang matamis na sandali… “I love you…” she smiled bitterly to that.

Nang maramdaman ni Vince ang kanyang presensya ay nagmulat ito “a-are you feeling okey now Edelle?” tanong ni vince sa kanya. Tumango si Edelle at nang ngumiti, ngiting hindi man lang umabot sa kanyang mga mata. “kumain muna tayo. Tumawag ang mama mo at gusto ka nyang makausap, sinabi kong nagpapahinga ka, hihitayin ka raw nya sa bahay nyo bago pumunta kay papa sa ospital”.

Love me (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon